Kabanata 17 | Enfermos
“What now, Celestine? Wala kabang balak na pumasok sa eskwelahan?” iyon ang bumungad na tanong sa akin nang sumunod na araw ay tila wala akong gana na gumising.
Gising ako ngunit tila gusto pang matulog ng buong sistema ko.
“I'm sick, Mom,” maarteng reklamo ko at tinabunan ng comforter ang buong katawan.
I heard a foot steps. Akala ko ay naniwala si Mom sa walang kwentang pagdadahilan ko ngunit nagulat nalang ako nang may maramdaman akong makalas na pagpalo sa hita ko.
“Bumangon ka diyan,” she said, still hitting me.
Sumimangot ako at tinanggal ang pagkakatabon sa akin ng comforter. Hinarap ko ang naka-taas kilay na mukha ni Mommy, “Ayoko pumasok, ‘My,” I pleaded. Talagang ginamitan pa siya ng puppy eyes para lang mapapayag siya ngunit mataray niya lang akong inilingan at pilit na hinila patayo.
“Maligo ka na diyan,” saad niya habang tinutulak ako papuntang bathroom.
“Ayoko talaga, ‘My,” nagmamaka-awang pagtanggi ko. Halos lumuhod na ako sa harap niya ngunit talagang hindi siya nagpapigil.
“Pumasok ka,” she sternly said before turning her back on me.
Humugot ako nang malalim na hininga bago napipilitang hubarin ang lahat ng suot at hinayaan ang pagbagsak sa balat ko ng malamig na tubig mula sa shower.
I was walking straight when someone got my attention. Nasa campus na ako at didiretso na sana sa first class ngunit nasalubong ko Victor. He was already wearing his basketball jersey and he was holding a ball, too.
Ang aga aga, basketball?
“Hi,” ngiti niya sa akin. He dribbled his ball in front of me. Para siguro magmukha siyang cool ngunit para sa akin ay mukha lang siyang tanga.
I'm seriously not a fan of balls.
I'm not sure about Samuel's... tho.
“Long time no see,” he said, still dribbling the ball.
Kumunot ang noo ko, “Ilang araw lang tayong hindi nagkita,” pinigilan ko ang mapangiwi.
Kung makapag-long time no see naman siya ay parang galing naman akong saudi nito.
Looking amused, he laughed. “Really? It feels like a year to me,” pagbibiro pa niya.
Gusto ko sanang tumawa ngunit wala ako sa mood ngayon. Till now, I'm still grudging over Samuel's rejection! Lalo na sa tuwing naiisip na matapos naming mag-usap ng araw na iyon ay talagang mag-isa niya akong pinauwi.
Pinauwi niya ako without even knowing na kinailangan kong mag-take ng taxi dahil hindi ako pwedeng magpasundo kay Manong Tino!
That coldhearted good looking and yummy guy!
“Let's just talk later, Victor. I'm sorry,” mabilis na paalam ko sa kaniya nang bigla ay may maalala ako.
Walang lingunan ko siyang tinalikuran bago mabilis na tinakbo ang daan papuntang locker ng mga senior. Luminga linga pa ako sa paligid para makasiguradong hindi ako papalpak sa plano ko.
Buong ingat kong inilapag sa sahig ang bag ko at binukasan ito para ilabas ang sulat ko. It was my farewell letter for him. Isinulat ko ito kagabi. I don't think I can say those words in front of him so I decided to just write it.
I wrote him a farewell letter since I am really really planning to forget this whatever I am feeling for him.
Gusto ko nang ibaon sa limot ang anumang nararamdaman ko dahil tingin ko ay wala naman itong patutunguhan. Nilinaw na niya sa akin, wala siyang nararamdaman para sa akin.
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...