Kabanata 30 | EnojadoEveryone was busy preparing foods. Everyone was busy counting down till the clock strikes twelve, ngunit heto ako at kanina pa nakasimangot habang inaantay ang pagdating ni Samuel.
Halos lahat na ng employees na inimbita ni Daddy ay nandito na. Medyo nagulat pa nga ako dahil higit pa sa bilang ng daliri ko sa dalawang kamay ang bilang nila. Ganoon na ba talaga kalungkot ang New Year namin every year para mag-imbita si Dad ng ganito karaming bisita?
Ma'am Tine, hinahanap ho kayo ni Sir, ani ng babaeng lumapit sa akin. I couldn't remember her name but I remember her face. Present yata siya dito every New Year kaya tandang tanda ko na ang mukha niya.
Paki-sabi po nagpapa-hangin lang ako, tipid kong sagot at ibinalik ang atensyon sa hawak na phone.
I tried dialing Samuel's number ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasagot.
I sighed.
Sinabi naman niyang matutuloy siya, pero hindi niya sinabing magpapa-late pala siya.
Oh God, finally! sarkastiko ko iyong naisatinig nang matanaw ang papalapit na si Samuel. Ilang minuto rin ang inilagi ko rito sa malamig na labas para antayin siya dahil hindi ako na-inform na special guest pala siya for tonight.
Hi Ate, ang maliit na boses ni Sammy ang una kong narinig nang makalapit sila sakin.
Hi Sammy, ngiti ko ring saad dito. Bumaling ako sa isang katabi niya. Hi, Jhimwell. You look annoyed. Bakit? sambit ko nang mapansin na masama ang timpla ng mukha niya. Ngunit imbes na pansinin ako ay sinamaan niya ng tingin ang isa pang lalaki na kasama nila. Si Samuel.
Aba, huwag mo akong tingnan ng ganiyan, nagbabanta ngunit natatawang sambit ni Samuel sa kapatid bago hinila ito at mapaglarong inakbayan. May problema lang sa lovelife, makahulugang ani Samuel habang nakatingin sa akin kaya mabilis na sumigaw ng pag-angal si Jhimwell.
Natawa ako sa kanila. Makahulugan lang ang pagtitinginan namin ni Samuel habang naglalakad papasok kasama ang dalawang bata. Ramdam ko ang paminsan-minsan niyang pagbangga sa kamay ko gamit ang kamay niya.
Why? I mouthed.
Natatawa siyang umiling at nagpatuloy sa paglalakad. Dumiretso kami papasok at hindi ko alam na sakto palang makakasalubong namin si Daddy.
Wala pa man ay ramdam ko na ang mapanuring tingin ni Dad. Close kayo? Normal lamang ang pagkakatanong niya ngunit hindi ko alam kung bakit bahagya akong natawa.
Nilingon ko si Samuel sa tabi ko na mukha prenteng prente lamang ang pagkakatayo. He doesn't look bothered by the fact na nasa harap namin si Dad at binibigyan kami ng mapanuring tingin. Mukhang seryoso talaga siya sa sinabi niyang malakas siya kay Dad.
Medyo, Dad. Tutor ko iyan eh, tumawa ako at nilingon si Samuel para bigyan siya ng makahulugang tingin.
Ex-tutor, you mean, ganoon kabilis ang pagkontra sa akin ni Samuel.
Pinanlakihan ko siya ng mata. Lihim lamang siyang ngumisi.
You two seems close. Care to tell me more? muling pagtatanong ni Dad.
Nagkatinginan kami ni Samuel. Gusto ko sanang sabihan siya na siya ang magpaliwanag ngunit hindi ko naman magawa dahil nasa mismong harap namin si Dad.
Bahagyang siyang sumenyas bago walang takot na binalingan ng tingin si Dad. We're friends, Sir. Pormal ang pagkakasabi niya.
Oh please, stop calling me Sir. I prefer to be called... King. Yeah, King, sambit ni Dad na hindi ko mawari kung seryoso ba o nagbibiro.
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...