Kabanata 13 | Ensalada
Ngiting ngiti ako habang naglalakad palapit sa kotse na sundo ko. Malisyoso akong tiningnan ni Manong habang binubuksan niya ang pinto para makasakay ako.
"Mukhang good mood kayo, ma'am," puna ni manong na gaya ko ay nakangiti rin.
Nginitian ko lang si manong at nagkibit balikat. "Secret manong kung bakit," natatawang saad ko pa at pumasok na sa loob ng sasakyan. Sino ba namang hindi magiging good mood kung makakasama mo ang crush mo?
Ngayon na mag-uumpisa si Samuel bilang tutor ko. And swear, I was beyond happiness! Kinakabahan ako sa magiging samahan namin ngunit mas lamang ang pagka-excite ko!
Parang ngayon pa lang ay naiimagine ko na kung paanong sobrang attractive niya habang tinuturuan ako. My God, ngayon lang ako nagpasalamat na medyo boba ako!
Tila naging mas matagal sa inaasahan ko ang naging byahe namin. Marahil ay dala ng pagiging sobrang excited ko kaya ang 20 minute drive mula sa campus ay naging kalahating oras o sa paningin ko ay higit pa!
"Wait manong, can you please slow down a bit," naniningkit ang mata na sabi ko kay manong nang nasa village na namin kami. Pilit kong tinanaw ang pamilyar na lalaking naglalakad.
"Bakit ho, ma'am?"
Umiling ako at tinuro nalang ang pamilyar na likod ni Samuel habang mabilis na naglalakad. Palibhasa mahaba ang binti niya kaya sobrang laki ng mga hakbang niya!
Lakad palang niya ay takbo ko na yata.
"Paki-lapitan 'yang lalaking naka-blue na polo po," utos ko kay manong habang itinuturo ang lalaking nasisiguro ko na si Samuel.
Hindi talaga ako pwedeng magkamali, kabisadong kabisado ko na ang sukat ng balikat niya. Kahit dulo ng buhok niya ay pamilyar yata sa akin.
"Kilala niyo ho ba iyan?" pang-uusisa pa ni manong ngunit sinunod rin naman ang utos ko.
"Syempre po. Tutor ko po iyan, papunta na iyan sa bahay dahil ngayon ang umpisa namin," masayang pagku-kwento ko kay manong.
"Tutor lang ho ba, ma'am? Bakit parang iba ang pagkakangiti mo?" pagbibiro pa ni manong.
"Kayo talaga, manong. May lahi po ba kayong clown? Ang hilig niyo pong magbiro, char," tatawa tawang pagbibiro ko rin. Ilang saglit pa ay huminto na ang kotse na sinasakyan namin sa tabi ng nilalakaran namin.
Nakita ko mula sa salamin kung paanong napatigil sa mabilis na paglalakad si Samuel at nilingon ang kotse namin.
Dali dali akong bumaba. "Hi, gusto mo sumabay? Papunta na rin kami sa bahay, tsaka medyo malayo pa ang bahay namin mula rito," pahayag ko habang tinatanaw ang mahabang daanan na pinaglakaran niya. Tirik na tirik pa naman ang araw kaya siguradong ang uncomfortable na maglakad.
"Hindi na," tanggi niya at walang pagdadalawang isip na nilampasan ako.
Hindi makapaniwalang napabuga ako ng malalim na hininga at agad na sinundan siya. Wow! Ma-pride naman pala! Ako na nga 'tong naging mabait sa kaniya dahil may gusto ako sa kaniya tapos tatanggihan lang niya ako?
Humarang ako sa pinaglalakaran niya kaya napatigil siya at hinarap ako. Natakpan ko ang bandang mata ko dahil sa pagkasilaw na tumatamang sinag ng araw. Tuloy ay pikit ang isang mata ko habang tinitingnan siya.
"Huwag mong bigyan ng meaning ang pagmamagandang loob ko. Ginagawa ko lang 'to dahil ikaw ang tutor ko at responsibilidad kita!" umismid ako.
"Sino may sabi?"
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...