Kabanata 10 | SentimientosBuong oras akong tulala dahil sa pag-iimagine ng magiging kalalabasan namin ni Samuel kung sakaling maging kami. Ambisyosa na kung ambisyosa, pero nasisiguro kong hindi na lilipas pa ang buwang ito at magtatapat na ako ng totoo kong nararamdaman para sa kaniya.
Besides, malakas talaga ang feeling ko na may gusto rin siya sa akin!
"Get yourself ready. We'll have a long quiz."
Parang gumuho ang mundo ko nang marinig iyon mula kay Ms. Montes. I nearly had heart attack.
Wala sa sarili at kinakabahang nilingon ko si Mia na nasa likuran ko at mukhang hindi nabahala sa sinabi ni Ms. Montes. I was pretty sure that she listened well for today's lesson! Hindi gaya ko na puro Samuel ang laman ng utak. Natatakot akong baka ang isagot ko sa lahat ng tanong ni Ms. Montes ay ang pangalan ni Samuel.
Napatingin ako sa iba ko pang classmates at nakitang kaswal lamang silang naglalabas ng yellow paper. Hindi gaya ko ay mukha silang kampante na magsagot ngayon. Usually kasi ay sa tuwing ina-announce ni Ms. Montes ang long quiz ay napupuno ng ingay ang paligid dahil sa samu't saring reklamo.
Muli akong napatingim kay Mia na nakataas na ang kilay sa akin. "What? Don't tell me wala ka na namang papel?"
Bumuntong hininga ako at umiling bago naghalungkat sa loob ng bag ko. "May papel ako..." sagot ko. Muli akong napabuntong hininga nang hindi ko iyon makita sa loob ng bag ko. "Naiwan ko pala..." napapangiwing saad ko kaya natatawang binigyan ako ng papel ni Mia.
"Wala ka na ngang utak, wala ka pang papel. Ano lang meron sayo, ganda?" matinis ang boses na pang-iinsulto ni Leah. Nagtawaan ang mga alagad niya.
"Unlike you, may papel nga, wala namang ganda," I said while rolling my eyes. Ang aga aga tumatahol na naman ang mga alaga kong aso.
"Number one!" mas lalong natahimik ang lahat ng mag-umpisa na si Ms. Montes sa pagsasabi ng mga tanong.
Napapikit nalang ako at minsang yumuyuko sa mesa sa tuwing hindi pamilyar sa akin ang mga tanong niya. Thankfully, kahit papaano ay magagamit ko rin pala ang mga natutunan ko mula sa pagt-tutor. Kahit kaunti ay may naisagot ako kaya hindi na rin ako ganoon kakaba.
"I'll first check Ms. Vera's paper," pahayag ni Ms. Montes matapos naming maipasan ang lahat ng paper.
"Ha?" agad na dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang marinig ito. Humigpit ang pagkakahawak ko sa ballpen habang pinapanood siya kung paanong isa isahin ang bawat sagot ko.
"You did well naman siguro, 'no?" bulong ni Mia.
"Not sure," ngiwi ko kaya napangiwi rin siya.
"Wish for your luck," saad niya at tinapik ang balikat ko. Walangyang babaeng 'to, mas lalo akong pinapakaba!
Hindi ako paladasal na tao ngunit ng sandaling iyon ay napadasal ako sa Diyos at sa lahat ng Santong kilala ko.
Hindi ako pwedeng bumagsak pa ulit dito dahil tiyak na walang katapusang sermon ang haharapin ko sa oras na tumapak ako sa loob ng bahay.
Maya maya pa ay tumayo na si Ms. Montes at nag-umpisang maglakad palapit sa akin habang hawak ang papel ko. "You made it half. Still low but not that bad," saad niya habang binabalik sa akin ang papel ko.
Awang ang labi ko habang dahan dahang tumingin sa papel ko. I got 25/50. Is this some kind of miracle?
"Congrats, girl. Finally, hindi na ikaw ang lowest," hindi ako sigurado kung pinupuri o iniinsulto ako ni Mia.
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...