Wakas 1Nagmumurahan na mga kaibigan ang naabutan ni Samuel nang dumating siya sa football field na pinagpa-practice-an nila. Napailing siya at pawang minura rin ito nang makalapit siya.
“Putsa, ba‘t ngayon ka lang? Kanina pa nag-umpisa practice,” salubong ng kaibigan niyang si Mikee bago sinipa patungo sa kaniya ang bola.
“Hirap iwanan nila Jhim. Si Mama pa, tsk,” pagsagot niya at hinabol ang bola.
Pinagtawanan siya nito, nasanay na sa palagi niyang ikinu-kwento sa tuwing male-late siya sa practice. Hindi na bago sa mga kaibigan na makitang late ang dating ni Samuel. Paano ba naman kasi ay bago siya umalis sa bahay ay sinisigurado niya muna na maayos na naka-kain ang mga kapatid niya. Hindi niya rin naman maasahan kaniyang ina na walang ginawa kundi magsugal, manigarilyo at mag-inom.
Nang makita siya ng ilang kaibigan ay nagkaniya-kaniyang sigawan ito at maya maya pa ay napag-desisyonan nang ituloy ang kaninang natigil na practice.
Pawang mga pawisan sila matapos ang practice. Sa practice nila inubos ang oras nila kaya nang sumapit ang lunch time ay iisipin mong mga patay gutom na ang mga kaibigan niya dahil sa sobrang pagka-gutom.
Nagkayayaan sila sa cafeteria na agad naman sinang-ayunan ng lahat. Kaniya-kaniyang bili sila ng pagkain. Ang iba ay sinadyang bilisan lamang ang pagkain dahil may klase pa ngunit ang iba naman at nagpa-iwan.
Habang pinapa-nood ni Samuel na mag-usap ang mga kaibigan na kasalo niya sa mesa ay bahagya siyang naka-ramdam ng pagka-irita dahil sa labis na init na nararamdaman. Bahagya niyang pinunasan gamit ang braso niya ang tumulong pawis mula sa noo niya.
Hindi sinasadyang may nahagip ang mata niya. Dalawang babaw ito na nagtatalo kung saan ba ang tungo nila. Bahagyang kumunot ang noo niya habang pilit na inaalala kung saan nga ba niya madalas na makita ang dalawang babae.
“Oh.” may napagtanto siya. Kaya naman pala pamilyar ang dalawang babae dahil palagi niya itong nakikita sa coffee shop na pinagta-trabahuhan niya.
Hindi alam ni Samuel ang mararamdaman nang biglang naglakad palapit sa lamesa nila ang dalawag babae. Well, hindi literal na naglakad dahil parang pinipilit lamang ng isang babaeng mas maliit kumpara sa hatak hatak niyang babae na kahit sa malayo ay alam na niyang angat sa buhay.
She's not even wearing expensive clothes and things yet she looks so much expensive.
That natural arched on her brows that made Samuel a bit scared.
Ampucha, mukhang masungit ang isang ‘to. Iyon ang unang impresyon niya sa babae. The other girl looks nice, tho. Yung mas maliit, parang least scary. Hindi gaya noong isang babae na kahit na wala pang ginagawa ay kinakabahan na siya.
“Hi Migo and friends!” ngiting sigaw ng babaeng mas maliit. Ngunit nanatili ang tingin ni Samuel sa katabi nitong babae na mahahalata mong hiyang-hiya na dahil sa lantarang pamumula ng maliit na mukha nito.
Gusto niyang ngumiti! But thank God he managed to stopped himself from smiling. Magmu-mukha siyang tanga kung sakali!
Matindi ang pagpapaalala ni Samuel sa sarili na huwag ngumiti nang maupo sa tabi niya ang babae. Iniwisan niyang mapatingin dito. God... he became stiff!
It's as if he could smell her scent!
Everyone was telling theit names. Napag-alaman niyang Mia ang pangalan ng maliit na babae. Ang babaeng katabi naman ay hanggang ngayon ay hindi niya pa nalalalaman ang pangalan.
And when it was his turn to introduce himself, he composed himself. Tahimik siyang huminga ng malalim bago nagpakilala. “I'm Sam.”
“Sam lang?” tanong ng maliit na babae.
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...