Simula
I don't really understand some people who degrade others just because of their grades. Hindi ako matalino, oh anong pake niyo?
Hindi naman kayo maganda pero wala akong pake sa inyo. Some people cannot just mind their business. Some people are just so annoying.
"Miss Vera! You failed my quiz again! 10 out of 40? Really?" sigaw ni Ms. Montes, ang prof namin na walang araw yata na hindi nagagalit sa akin. Kaya siguro sobrang namumuti na ang buhok niya at halos makalbo na ay dahil sa akin. What can I do? Eh sa ayun lamang ang score ko. Pasalamat nga siya at hindi ako nangopya.
"Oh my, she's at it again. Walang kwenta talaga ang ganda, sobrang bobita."
Parang kumulo yata ang dugo ko. I looked at Leah, the self proclaimed bitchessa in our whole campus. So annoying, mas maganda naman ako sa kaniya.
She arched her fake eyebrow before mocking me. Kahit na gustong gusto ko na siyang patulan ay talagang pinipigilan ko ang sarili ko. I don't want to get scolded later! Knowing Dad, mas malala siya kung magsermon kaysa kay Mom!
"I'll tell this to your Dad," biglaang saad ni Ms. Montes kaya napatayo ako habang nanlalaki ang mga mata.
No! She can't do that shit again! Noong nakaraang linggo lang ay buong week akong grounded. At kung isusumbong na naman niya ako ay hindi imposible na ma-grounded na naman ako.
"Girl, umupo ka. I'm sure you don't wanna anger Ms. Montes more, baka isumbong ka talaga niyan," saad ng kaibigan kong si Mia habang pasimpleng kinukurot ako kaya wala na akong nagawa kundi muling maupo nalang.
"I'm sorry, Ms. Montes... Swear, I'll do good next time... Malay mo magulat ka biglang ako ang highest..." pabulong kong sinabi ang huling linya. At dahil nasa likod ko si Mia ay rinig na rinig ko ang nagpipigil niyang tawa.
"You always say that everytime. Hindi na ako umaasa sayo," she said as she continued calling names and telling each scores.
Nang matapos na sabihin ang lahat ng scores namin ay tsaka ko lang napagtanto na ako pala talaga ang lowest. I'm sure they are all disappointed at me but who cares. I'm not surprised, tho. This isn't the first time that I got the lowest score.
Kaya nga madalas ay Ms. BWB ang tawag ng lahat sa akin. Beauty without brain. Seriously, I'll just take that as compliment. At least maganda.
"Girl, nood tayo football later? May nakilala akong isang player, ang gwapo!" malanding sabi ni Mia habang nasa cafeteria kami at naghahanap ng mauupuan.
Bakit ba biglang punuan ngayon dito?
"Baka pagalitan ako ni Dad. You know him, sobrang mapaghinala."
Natatawa niya akong nilingon. "Ipagpapaalam kita? Basta ako na bahala sayo. Basta ba samahan mo ako mamaya na maghanap ng jowa."
Napailing ako. The guts of this woman. Sigurado akong sinuman ang makarinig sa sinasabi ni Mia ay iisiping nababaliw na siya.
"Jowang jowa na ba, girl?"
Sinamaan niya ako ng tingin at akmang makikipagtalo pa sa akin nang biglang nanlaki ang mata niya at may itinuro. Sinundan ko ng tingin ang kamay niyang nakaturo sa isang mesa na puro lalaki ang nakaupo.
Pinagkunutan ko siya ng noo at mabilis na hinampas ang kamay niyang OA kung makaturo sa direksyon ng mga lalaking iyon. Pawang nagtatawanan ang mga ito at pare-pareho ring nakapang-football na damit pa kaya nasisiguro kong kagagaling lang ng mga ito sa practice.
Nakuha ng isang lalaking may katamtaman lamang ang laki ng katawan ngunit nagsusumigaw ang kaputian ng balat. At kahit na sa malayo ay nasisiguro kong makinis ang mukha nito.
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...