Kabanata 35 | Hasta Ahora"Why are you crying?"
Awtomatikong nag-iwas ako ng tingin matapos ang tanong niyang iyon. Damn this kid. Bakit niya ako pina-paiyak?
"I'm just suggesting you that we could be friends. How the hell those words made you cry? Damn it."
Imbes na magpatuloy sa pag-iyak ay natawa ako dahil sa parang batang pag-akto niya. He's really a kid. Parang sobrang inosente pa niya para sa mundong 'to.
"Ilang taon ka na pala ulit?" I asked.
"17. Why?"
Binigyan ko siya ng naghihinalang tingin. "Sure ka ba?"
"Do I looked like I'm lying?"
Muli ay natawa ako. Kung ako ay maikli ang pasensya, eto namang batang ito ay siguradong walang pasensya. He's got a hot-temper. Ang cute niya.
"You're cute, but annoying at the same time. Why are you always annoyed?" ngiting tanong ko.
Nakita kong natigilan siya ngunit maya maya lang ay muli siyang sumimangot. "I'm cute?" mukhang gulat na tanong niya.
Walang alinlangan akong tumango. He's really cute. Kung papipiliin ako ay siya ang gusto kong maging nakababatang kapatid. Good God, bakit hindi gumawa ng kapatid ko ang mga magulang ko?
"Are you flirting with me?"
Kumunot ang noo ko dahil sa diretsahang pagtatanong niya. "What... the hell?"
"You said I'm cute."
"That's me complementing you. Paano naging flirt iyon?"
"Oh." Mukhang nakahinga siya ng maluwag. "I thought you were trying to flirt."
"Anong flirt flirt? Ang bata mo pa para sa mga flirt na 'yan." Agaran ang pananaway ko. Biruin mo 'tong batang 'to na mukhang sobrang soft ng balat, mukhang amoy baby powder and baby cologne, aakusahan akong nakikipag-flirt?
"Once again, I'm 17."
"Still young," sagot ko. Bigla kong naalala si Dad. Ganito siguro ang pakiramdam niya sa tuwing pinagsasabihan niya ako na masyado pa akong bata.
"Nope. I'm a grown up man."
"Nagka-girlfriend ka na ba?" I asked him.
Umiling siya.
"You are still young, then," ngiti ko at hindi na siya binigyan pa ng pagkakataon na tumanggi.
"Pete," nangibabaw ang tinig ni Avery. Napatingin ako sa kaniya at nakitang nakatingin lang siya kay Pete. Sa tabi niya ay si Victor na may sinasabing kung ano na hindi ko maintindihan. I just nodded at him dahil hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya.
"Why?" pagsagot ni Pete sa kapatid.
"You done eating?"
Tumango si Pete at itinuro ang plato niyang walang laman. "Obviously, Ate," ngiwing sagot niya.
"Let's go. Baka hinahanap na tayo ni Mom at Dad."
Imbes na tumayo ay tumingin sa akin si Pete. "Let's go, Ate Celestine," diretsong saad niya habang nakatingin sa'kin.
Laglag ang panga na napatitig ako sa kaniya. He called me... Ate...
Natigil lang ako sa pagtitig sa kaniya nang marinig kong tumawag siya ng server para hingiin ang bill na babayaran ko.
"Pay now so we could get out of here already."
"Oh," nasabi ko nalang matapos ilang minuto na hindi makapagsalita. Kinuha ko ang wallet ko mula sa bag. Natigilan ako matapos makitang walang laman na kahit piso ang wallet ko.
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...