Wakas 4“Saan ka galing? Bakit pagod na pagod ka?” tanong ko kay Samuel nang dumating siya. Kanina pa ako nandito sa condo niya at inaantay siya. Parang tanga naman kasi at hindi nagpaalam sa aking may lakad pala siya ngayon. Ang aga ko tuloy pumunta dito.
“Hinabol ako ng aso nila Klein. Tangina ampota. Akala ko kakagatin na ako,” sabi niya na tila hingal pa habang nagpupunas ng pawis.
Natatawang tumayo ako at tinungo ang kwarto niya para kumuha ng shirt na pamalit niya. The sweat on his gray shirt is really bothering me. Ganoon ba talaga ang paghabol sa kaniya ng aso ni Klein para ganito nalang ang pamamawis niya?
“Ano ba kasing ginawa mo kila Klein?” I asked as I motioned him to raise both of his hands. Ako na mismo ang naghubad ng shirt niya at ako rin ang nagsuot sa kaniya ng bagong shirt.
“Si Irene, nagpahatid ng mga damit. Magli-live in na yata sila ni Klein,” natatawang sabi niya.
“Like us?” tanong ko. Sabay kaming natawa. We're basically living in. Kung hindi sa condo ko ay dito kami sa condo niya. Medyo mahirap nga ay pabalik-balik ko dito kaya pinag-iisipan ko nang kumuha nalang ng bagong condo dito rin malapit sa condo niya.
Umiling siya. “Iba naman tayo. Mag-asawa na tayo,” parang tangang sagot niya at hinila ako bago mariing niyakap.
Tinaas ko ang kamay ko at iniharap iyon sa kaniya. Ipinagdiinan ko sa mukha niya ang daliring dapat na paglagyan ng singsing. “Asan singsing?”
“Gusto mo na ba?” he asked, grinning.
Nanlaki ang mata ko. “A-ano?”
“Tingnan mo ‘to. Tsaka ka na maghanap ng singsing. Basta kahit ‘di kasal, kahit walang singsing, mag-asawa na tayo.”
Natatawa kong hinampas ang dibdib niya. I dont know if he's being sweet or he's being corny again.
“At dahil mag-asawa na tayo, dapat na tayong mag-honeymoon.”
Muling nanlaki ang mata ko. Awtomatikong nagtama ang tingin namin. He's grinning again! Pinagti-tripan na naman ako nito!
Ngumiwi ako bago kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. Tinalikuran ko siya at nakanguso akong sumalampak sa sofa.
“What? Ayaw mo ba?” pagtatanong niya pa. Naramdam ko ang pagsunod niya. Halos mapisat na ako dahil sa sobrang paniniksik niya!
Mas napangiwi ako nang hawakan niya ang pisngi ko at pilit na ipinaharap sa kaniya.
“Nakausap ko si Dad kahapon.” I told him.
Tumango siya at sumeryoso. He's really like this. Magiging seryoso lang kapag nabanggit na si Dad. Ano kayang pagbabanta sinabi ni Dad sa kaniya para matakot siya ng ganito?
“He wanted me to manage our company,” I honestly told him. It's not like I don't want to manage our company, may alam naman ako sa business kaya hindi ako mahihirapan kung sakaling ako ang magpapatakbo nito.
It's just that I don't want to give up my career.
Malayo na ang narating ko. Alam kong mahirap ang career na ito. I can't do anything freely because there's a lot of cameras around me. I can't date Samuel in public. Sobrang hirap. But I enjoy what I'm doing.
Sa lumipas na ilang buwan, nakuntento na ako sa pasikretong pagkikita namin ni Samuel. Kahit mahirap, kuntento na ako.
Para sa ibang tao siguro, sobrang boring ng love life ko. Hindi kami yung tipo ng magkarelasyon na pwedeng maging sweet sa isa't isa sa kahit na anong oras mang gustuhin namin. Hindi pwedeng gumala sa mga lugar na gusto naming puntahan.
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...