KABANATA 7

93 5 0
                                    


Kabanata 7 | Borroso

"Samuel, bro!" nakipag-high five si Victor kay Samuel. Base sa pag-intindi ko ay magkaibigan sila. Hindi maitatanggi iyon sa ngiti nilang dalawa.

Doon ay napagtanto ko kung paanong nakita ko si Victor sa pinagtataguan ko, kung paanong siya ang nakakuha ng phone na naiwan ko. Siguro ay pinuntahan niya si Samuel, o marahil ay kaibigan rin niya maging ang mga kaibigan ni Samuel.

Napansin kong pinasadahan ako ng tingin ng babaeng kasama ni Samuel. Ang natatandaan kong pangalan niya ay Avery, hindi ko nga lang sigurado. Maging si Mia ay pinasadahan rin niya ng tingin mula ulo hanggang paa kaya nang tingnan ko si Mia ay nakita kong nakatingin rin siya kay Avery at bahagya pang nagtaas ng kilay.

Attitude talaga 'to si Mia kahit kailan.

Nagulat ako nang biglang ngumiti si Avery. Binitiwan niya ang pagkakakapit sa braso ni Samuel at lumapit sa amin ni Mia habang nakangiti parin.

"Hi, are you guys friends of Victor? He's my cousin, just so you guys know," puno ng enerhiya niya itong sinabi. Tuloy ay napatunganga ako sa kaniya, hindi maitatanggi na maganda siya, maging ang boses niya ay maganda, ang hugis ng katawan ay maganda.

Bigla tuloy akong na-conscious, maganda naman ang suot kong dress ngunit bakit pakiramdam ko ay mas maganda ang kaniya?

Simpleng dilaw lamang iyon at wala ng iba pang special ngunit bakit tila mas angat siya?

Oh dahil ba iyon sa modelo siya?

Should I start modelling too? Baka ay iyon ang tipo na babae ni Samuel?

"Actually," si Mia ang sumagot. Tumingin siya sa akin at ngumiti habang itinuturo ako. "Crush siya ni Victor, gusto nga sana siyang ligawan ngunit may iba namang gusto si Tine. Ganda niya 'no?" hindi ko alam kung nang-aasar ba si Mia o talagang nagmamalaki siya.

"Ohh. You don't like my cousin? That's... Weird," si Avery ang nagsalita. Tumawa siya bago nilingon ang pinsan, "girls usually are the ones who throw themselves at him," dagdag niya na batid kong para sa akin ngunit ang mata niya ay nakapako sa kaniyang pinsan na ngayon ay mukhang nahihiya na.

"Tss. Shut up. Hindi ko naman pinipilit si Tine. Besides, I'm cool with friends." saad ni Victor.

Iginiya kami ni Victor sa mahabang mesa kung saan ay nakita ko ang iba pang mga kaibigan ni Samuel. Pamilyar sa akin ang mukha ng mga ito ngunit si Brent, Migo, at Saint lamang ang nakilala ko.

Hindi exclusive for everyone ang party ni Victor kaya iilan lamang kami sa mesa. May isa pang mahabang mesa ngunit ang mga nandoon ay natitiyak kong ang Daddy niya at ang mga business partners nito.

"Cheers para sa birthday boy na 'di crush ng crush niya!" sigawan ng mga lalaki, ang pinakamalakas na boses ang ang kay Saint. Sabay sabay naming itinaas ang baso na may lamang wine at sabay sabay ring uminom doon.

"Hey, it's my birthday today! Let me spend it with peace!" reklamo naman ni Victor ngunit natatawa naman sa pinagsasabi ng mga kaibigan.

Gusto ko sanang makitawa ngunit may pakiramdam ako na ako ang tinutukoy nila na crush ni Victor. Not being delusional but I seriously think it was me they are talking about, sa bawat banggit kasi nila ng salitang crush ay napapatingin ang lahat sa akin.

"Ganda mo talaga, girl. Ansabe ng pa-backless mo?" bulong ni Mia, tinutukoy ang dress ko na kitang kita ang balat sa likod ko.

"Aren't you cold, Tine?" bigla ay nangibabaw ang boses ni Avery.

"Huh?" nagkunot ako ng noo.

"The wind is cold and we're outside. You might catch a cold, specially with that kind of dress you are wearing," nakangiti ito habang sinasabi sa akin ito ngunit pakiramdam ko ay may gusto pa siyang ibang ipahiwatig sa sinasabi niya.

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now