Kabanata 3 | Lo SientoThe next day, maaga kong pinuntahan si Daddy at Mommy sa kwarto nila. Kumakatok pa lang ako sa pinto nila ngunit kinabahan na agad ako. Sa loob loob ko ay hinihiling ko na sana ay wala pang nakuhang tutor si Dad para sa akin. Gusto ko kasing si Samuel talaga ang magturo sa akin. Bahala na. Basta kung hindi si Samuel ay 'wag nalang magtutor!
"What now, Ces? It's so early in the morning," si Mom ang nagbukas ng pinto. Gusto ko tuloy na makonsensya dahil halatang kulang na nga sa tulog si Mommy ay maaga ko pa siyang ginising ngayon.
"Is Dad still sleeping, 'My?" tanong ko ngunit sumilip din ako sa loob ng kwarto at nakitang tulog pa nga si Daddy.
"Why?"
Agad akong kinabahan. Ilang ulit ko nang pinractice ang dapat kong sabihin para makumbinsi sila ngunit bakit kinakabahan parin ako?
"About my tutor, 'My..." pag-uumpisa ko.
"Okay? What about it?"
Humugot ako ng malalim na hininga. "May nahanap na ba si Dad?" umaasang tanong ko. Umaasang sana ay wala pa. Dahil alam kong sa oras na sabihin ni Dad na may nakuha na siya ay wala na akong magagawa pa.
"I'm not sure but I think I heard him last night still looking for one. Maybe wala pa, I guess."
Agad akong nabuhayan. "Kung ganoon 'My ay pwede ba akong mag-suggest?"
"It's up to your Dad. May nahanap ka bang tutor?"
Mabilis akong tumango. Gusto kong sagutin si Mommy na hindi lang tutor ang nahanap ko, pwede ko pang maging suitor!
"Schoolmate ko siya, 'My. Matalino siya, 'My. Scholar. He's one year ahead but hindi naman nagkakalayo ang course na kinuha namin." masaya ko iyong sinabi kay Mommy.
"It's a he and schoolmate mo, are you sure na schoolmate mo lang?" mapaghinala niyang tanong, naniningkit pa ang mata. No wonder na nagtagal sila ni Dad, parehas mapaghinala. Like husband, like wife. Ganoon sila!
"Of course, 'My. Hanga lang ako kasi matalino talaga siya," nakasimangot ko iyong sinabi.
"I'm not convinced."
"Mommy naman!" agad na reklamo ko. Baka mamaya kapag nalaman ni Dad na may gusto ako kay Samuel ay talagang hindi ko siya maging tutor! Knowing Mom, lahat talaga ng nalalaman niya ay ikinu-kwento niya kay Dad!
"Iba ang ningning sa mata mo habang ibinibida siya eh!" pamimilit pa rin niya kaya wala na akong nagawa kundi umamin na lang. "I knew it! Sinasabi ko na nga bang sa akin ka nagmana! Ganiyang ganiyan din ako dati noong nagkakagusto ako sa Daddy mo."
"Pero 'wag kang maingay kay Daddy, 'My? Baka malaman niya!" Iniisip ko pa lang na malalaman ni Daddy ay sumasakit na ang ulo ko! Siguradong hindi ako patatahimikin no'n kung sakali!
"I can't promise," binigyan niya ako ng nanunuksong tingin.
"Mommy naman!" halos maiyak na ako sa frustration. Hindi talaga pwedeng malaman ni Dad! Baka mamaya ay ilipat ako ng school no'n 'pag nalaman niya!
"Fine, of course I won't tell. Basta ba ay ayusin mo na ang grades mo. Aral muna bago boyfriend, okay?"
Napayakap ako kay Mommy sa sobrang tuwa. Partner in crime ko talaga si Mommy! And I'm so thankful for that!
"Sige na, bumalik ka na sa kwarto mo. Ako na ang kakausap sa Daddy mo, but I want to meet that boy. At sigurado akong gusto ring ma-meet iyon ng Daddy mo. We need to be sure na talagang fit siya para maging tutor mo."
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...