Kabanata 11 | Roto
"Now, let's talk about your feelings for me. Talaga bang may gusto ka sa'kin?"
Awang ang bibig na tinitigan ko siya. Talaga bang tinatanong niya sa akin 'to? Kapag ba umamin ako liligawan niya na ako? Holy shi— ano ba 'tong sinasabi ko?
"Ano bang sinasabi mo? Ang usapan lang natin kanina ay ang pagbebenta mo ng katawan—"
"Hindi ka parin ba tapos sa issue na 'yan? Kakapaliwanag ko lang sayo na—"
"Aalis na ako," mabilis na sinabi ko at mabilis ring tumalikod. Hindi ko pa man tuluyang naihahakbang ang paa ko ay hinatak na niya ako.
"At ngayon ay tatakasan mo 'ko?" taas kilay niyang tanong. "You just got caught because of your own words. Umamin ka na," tila nang-aasar pang saad niya.
Pinapaamin niya ako? Bakit? Ica-crushback ba niya ako?!
"Bakit ako aamin?"
"Dahil gusto mo 'ko?" tila hindi pa siguradong patanong rin niyang saad.
"Sino nagsabi?"
"Kasasabi mo lang."
"Wala akong sinabi," pagmamaang-maangan ko. "Baka dahil pagod ka lang kaya kung ano-anong naririnig mo."
"And now you're accusing me? Tine, hindi ako pinanganak na mahina ang pandinig. As I've said, mas malinaw pa sa porn ng japanese ang pandinig—"
Tinakpan ko ang bibig niya. Una, sa dahilan na baka may makarinig sa kung ano-anong kabastusan ang lumalabas sa bibig niya. Pangalawa, syempre gusto kong tsumansing. Mamaya talaga ay hindi ako maghuhugas ng kamay at maghapon kong sisinghutin ito.
"Ano ba? Lasang alcohol ang kamay mo," kunot noong reklamo niya matapos tanggalin ang kamay ko.
Natawa ako nang maalala na kalalagay ko nga lang pala ng alcohol. "At least sure ka na malinis ang kamay ko."
"Iniiba mo ang usapan," bigla ay pahayag niya.
Bahagya akong natawa. Napansin niya iyon? Talaga nga yatang malaki ang utak niya gaya ng tinatanong ng babae kanina.
"Dahil wala naman talaga akong gusto sa'yo," ngumiwi ako, sana naman hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako.
"Kung ganoon ay liligawan ko na si Avery."
What the actual fuck? Nag-angat ako ng tingin, tinitimbang kung seryoso ba siya. Ganoon na lamang ang pagkabigla ko nang makitang seryoso rin siyang nakatingin sa akin.
Tinatakot ba niya ako? Kasi kung oo ay talagang natatakot ako na totohanin niya ang sinasabi niya!
"A-anong sabi mo?"
Bumuntong hininga siya ngunit hindi na inulit ang sinabi.
Mariin akong napapikit. I bit my lower lips so hard that I almost tasted my own blood.
I was torn. Gusto kong umamin ngunit natatakot ako sa magiging kalalabasan. Kung gusto rin ba niya ako, anong mangyayari sa amin? Magiging kami ba? Ngunit sa oras na ito ay nasisiguro kong hindi papayag si Dad.
"Sorry, hindi kita gusto..." mahina ngunit desidido kong saad. I couldn't risk our chance. Sisiguraduhin ko munang ayos ang lahat sa pagitan namin. Pagkagraduate ko. Tama. That's less than two years from now. Alam kong sa oras na iyon ay graduated na siya. Or worse, baka may girlfriend na siya. Ngunit naniniwala ako sa salitang tadhana. Kung para kami talaga sa isa't isa ay gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para magsama kami.
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...