Kabanata 22 | EstupefactaI cleared my throat. Parang nanuyot yata ang lalamunan ko dahil sa sobrang pagka-bigla kung bakit nasa harapan ko siya. At kung paanong hindi ko man lang siya narinig at napansin kung paano niya napa-alis ang aso.
“E-excuse me,” I said, trying to leave but he just pulled my arm to make me stay.
“Saan ka pupunta?”
Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa kawalan ng idadahilan. Sobrang weird naman kung aamin akong sinusundan ko sila! “May pupuntahan lang ako...”
“Saan?” he asked again.
Pinigilan ko ang sarili mula sa pagsimangot. Aksidenteng tumama ang paningin ko kay Avery na nakatayo at pinapaood kami sa hindi kalayuan.
Nang mapansin ang pagtingin ko ay naglakad siya palapit sa amin, “I guess it's not coincidence,” mataray niyang saad, diretso ang tingin sa akin.
“What do you mean?”
“You're following us, right?” tumango-tango siya na tila ba sigurado sa ibinibintang.
I almost rolled my eyes in irritation. Alam kong tama naman ang ibinibintang niya pero napakatanga niya. Does he seriously expecting me to admit it?
“No. May pupuntahan lang talaga ako. In fact, kailangan ko na nga‘ng umalis,” ngiting saad ko at tinalikuran sila. Hindi pa man tuluyang nakahahakbang ang mga paa ko ay naramdaman ko na naman ang paghila sa akin, this time, ang sling bag ko naman ang hinila.
“Delikadong maglakad pabalik mag-isa,” saad ni Samuel, ang paningin ay nakapako sa daanan na pinagdaanan namin.
“Sanay naman akong mag-isa,” simpleng sagot ko ngunit iba yata ang naging intindi niya kaya tumaas ang kilay niya.
“That's why you went here to follow us?”
Umawang ang bibig ko. The fuck? Napaka-kapal niya!
“Hindi ko nga kayo sinusundan!” I defensively shouted. Parehas ko silang binigyan ng masamang tingin ngunit ang walangyang Avery ay pinag-ikutan lang ako ng mata.
“Matagal pa ba ang walang kwentang pag-uusap niyo? I want to go home already, my back wanted to lay on my bed so bad already,” muli ay maarteng saad niya at tinalikuran kami at nauna nang maglakad.
Binalingan ko si Samuel matapos kong paulit-ulit na pag-ikutan ng mata ang mga kaartehan ni Avery,.“What are you waiting? Sundan mo na siya. Kaya kong umuwing mag-isa,” I said, nagpipigil ng inis. Halos itulak ko na ang dibdib niya para lang lumayas na siya sa harapan ko.
“Tss. Sumama ka na sa‘min. Ihahatid ko lang siya, pagkatapos ay ihahatid rin kita pauwi.”
“No.” Ganoon kabilis ang pagtanggi ko.
“Why?” he asked.
“Ayoko lang,” sagot ko at sinulyapan si Avery na ngayon ay malayo na sa‘min. “Umalis ka na,” napapabuntong hiningang saad ko.
“Fine. Antayin mo ‘ko dito. 10 minutes, malapit na ang condo niya mula rito, ihahatid ko lang siya at babalikan rin kita agad.”
I remained silent.
Bakit ba niya pinipilit na ihatid rin ako pauwi? Unti unti ko na nga‘ng pinipilit ang sarili ko na sila talagang dalawa ang para sa isa‘t isa ngunit kung ganitong napaka-paasa niya ay patuloy lang ako aasa sa kaniya.
“Please? Antayin mo ‘ko dito. Promise, saglit lang. 10 minutes. Okay?”
Huminga ako ng malalim. Tumango ako para matahimik na siya. Ngumiti siya nang makita ang pagtango ko at mabilis na nagpaalam para sundan na si Avery. Puro tango lamang ang isinagot ko sa kaniya hanggang sa tuluyan na siyang umalis. Tumakbo siya para maabutan si Avery. Malungkot akong ngumiti nang makita kung paanong iniakbay niya ang kaniyang braso sa balikat nito nang maabutan niya.
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...