KABANATA 5

90 5 0
                                    


Kabanata 5 | Flor

Kinakabahang tinahak ko ang daan palabas matapos magpaalam kila Brent na mauuna na. Doon ay nakita ko si Samuel na diretso ang tayo sa harap ng kotse ni Mia habang nakatanaw sa akin.

Sinadya kong bagalan ang paglalakad para naman mainip siya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at umikot para makasakay na rin. Saglit siyang tumitig sa akin bago naiiling na binuksan ang makina at iminaneho na ang sasakyan.

Nanatili akong tahimik at walang balak na kausapin siya. Maging siya ay tikom rin ang bibig kaya mas lalo lang akong nawalan ng gana na magsalita.

"Saan ang bahay niyo?" tanong niya makalipas ang ilang saglit. Nakatuon naman sa kalsada ang paningin niya kaya inirapan ko muna siya bago sumagot at sinabi ang village kung saan kami nakatira. Tumango naman siya, marahil ay alam kung saan iyon kaya muli akong nanahimik at utinuon nalang ang atensyon sa labas.

"Ituro mo nalang kung saan ang mismong bahay niyo."

Namalayan ko nalang na naka-idlip ako nang magising ako dahil sa narinig na boses. Nilingon ko ang paligid at nakitang papasok na nga kami sa village na tinitirhan namin.

"Dire-diretso lang... Ituturo ko nalang ang puting bahay na madadaanan natin," mahinang sagot ko.

Tahimik siyang nagmaneho, ako naman ay itinuon nalang muli ang pansin sa dinaraanang kalsada.

"Iyang puting bahay na 'yan ang bahay namin..." saad ko nang matanaw na ang malaking gate ng bahay namin.

Inaayos ko na ang gamit ko at naghahanda nang bumaba nang mapatigil ako at bumaba ang tingin sa sarili. Suot ko parin ang damit na pinahiram sa akin ni Mia, at natitiyak kong hindi lamang sermon ang matatanggap ko mula kay Mom & Dad kung sakaling makita nila ako na ganito ang suot!

"Wait! Wait! Paki-tigil muna ng sasakyan!" tarantang sabi ko at bahagya pang hinila ang kamay niya para patigilin siya.

"The fuc— gusto mo bang maaksidente?" inis na tanong nito matapos magpreno.

Inirapan ko siya at itinuon nalang ang atensyon sa paghahanap ng suot kong uniform kanina. "Saan ko ba nilagay iyon?" inis na tanong ko nang hindi ko mahanap iyon sa loob ng bag ko.

"Ano iyon?" tanong nito ngunit 'di ko siya pinansin.

Natataranta na ako nang halos mabuksan ko na at mailabas ko na ang lahat ng gamit sa bag ko ngunit hindi iyon makita.

"Paki-abot nga yung bag sa likod," walang lingunan na utos ko habang abala parin sa paghahanap.

"Sabihin mo muna please," hindi ko malaman kung seryoso ba siya o nagbibiro.

Napapabuntong hininga na nag-angat ako ng tingin sa kaniya, pinagtaasan ko siya ng kilay kaya nagkibit balikat siya at napipilitang sinunod ang iniuutos ko.

"Ano ba hinahanap mo?" tanong niya habang inaabot sa akin ang pinapakuha ko.

"Iyong pake ko..."

Kumunot ang noo niya. "Ano?"

Bumuntong hininga ako. "Joke," walang ganang saad ko at ibinalik sa kaniya ang bag. "Pakihanap yung uniform ko diyan," utos ko habang patuloy parin sa paghahanap.

Napahinga ako ng maluwag nang makita ko na ang kaninang suot ko na uniform. Ngayon ay ang kailangan ko nalang na problemahin ay kung paanong magbibihis ako gayong kasama ko sa iisang kotse si Samuel.

"Pwede ka ba munang lumabas?" tanong ko at isinenyas ang gagawin ko.

"Bakit ba kailangan mo pang magpalit ng damit? Hindi ba pwedeng sa loob na ng bahay niyo gawin iyan?"

Different Space, Same SkyWhere stories live. Discover now