Kabanata 2 | Persona Especial"I respect your feelings but I feel like I need to tell you this," sumeryoso ang mukha nito habang napapabuntong hininga na nilingon si Mikee.
Tahimik kong inantay ang susunod niyang sasabihin. Sobrang kinakabahan ako sa dahilan na baka mahalata niyang nagsisinungaling lang ako na si Mikee ang gusto ko.
Sorry... Mikee. Ipagdarasal nalang kita araw-araw bilang kapalit ng paggamit ko sayo.
"He has a girlfriend," anito.
Nang muli akong tumingin sa kaniya ay nakita kong nakataas na ang kilay niya at tila inaantay ang magiging reaksyon ko.
Pinilit kong umarte na tila nagulat at nanghinayang. Ngumuso ako para mas convincing ang pag-arte ko.
My god... May future yata ako sa showbiz!
"Ah," kunwari ay malungkot kong saad at nilingon pa si Mikee na ngayon ay biglang naghubad ng damit. Tuloy ay kitang kita ko ang laki ng katawan nito na parang bagong ligo dahil tumutulo pa ang pawis sa buong pang-itaas na katawan.
"Tsk."
Bumalik ang tingin ko kay Samuel nang marinig ko ang pasaring niya. "Loyal 'yan si Mikee... Hanap ka nalang ng bagong crush..."
Damn...
Kung kanina at nagpapanggap lang akong gulat ngunit ngayon ay talagang nagulat ako sa salitang lumabas sa bibig niya. Gustong gusto ko na siyang sagutin na hindi naman talaga si Mikee ang gusto ko ngunit hindi ko alam kung paanong aaminin ko sa kaniya iyon.
"Ayaw mo ba si Brent?" he suggested. Mabilis na umiling ako. Kay Mia na 'yon! "How about Migo?" muli niyang tanong, muli rin akong umiling. "Marlon?" Umiling ako, hindi ko kilala iyon! "Kyle? Jayvee? Saint?" paulit ulit akong umiling, wala naman akong kilala sa kung sino mang mga binabanggit niya!
He continued on suggesting names hanggang sa napabuntong hininga nalang siya sa kawalan ng sasabihin. "Wala ka talagang ibang gusto?"
Tumango ako. Gusto kong sumimangot. Isang pangalan nalang ang hindi niya nababanggit, at Samuel iyon! At walang duda na gustong gusto ko iyon!
"May irereto nalang ako sayo," bigla ay pahayag niya.
Kahit na hindi interesado sa kung sino mang gusto niyang ireto ay tumango ako. "Fine. Sino?"
"Vice."
"Vice?" paniniguro ko. Paano ko naman makikilala kung Vice lang ang sasabihin niyang pangalan? Tho I'm not really that interested. Pangalan palang ay hindi ko na gusto. Vice? Really? Pangalan ba ng lalaki iyon?
I still prefer Samuel.
"Yup. Vice ang first name niya."
"Last name?" pinilit kong magtunog na interesado. Tama nga yung narinig kong phrase dati na kahit na walang kwenta ang usapan, basta ang kausap mo ay ang taong gusto mo ay malilibang at malilibang ka parin.
"Ganda." he laughed.
Gusto kong matawa rin ngunit bukod sa hindi ko naintindihan ang sinabi niya ay masyado akong namangha sa paraan ng pagtawa niya. And that complete set of teeth... At ang mata niyang naniningkit sa tuwing tumatawa at ngumingiti siya...
"Anong ganda?" naguguluhang tanong ko. I sometimes really don't understand him. Pangalawang beses na ito na hindi ka maintindihan ang gusto niyang iparating.
"Damn. Joke iyon. 'Di mo ba na-gets? Na naman?" parang namamangha pa siya sa akin.
Napapahiya akong napapikit. My god! Joke pala iyon? Bakit hindi ko na naman naintindihan? Pangalawang beses na 'to! Ganoon na ba ako ka-boba?
YOU ARE READING
Different Space, Same Sky
Romance"Unknown atmosphere, it was filled with love." Samuel del Carmen, a simple hardworking guy that has a lot of part time jobs to be able to financially support his family would happen to be Celestine Vera's tutor. Samuel never imagined being in a rela...