Chapter 1

220 7 0
                                    

"Gianne, isang piloto naman dyan oh." pangungulit ko sa nag-aaral na si Gianne.

"Tumigil ka kakalandi mo Issa. Landiin mo na lang professor natin para pasado ka at pakibuhat na rin ako." inirapan ako ni Gianne pero ngumiti naman ng plastic.

"Eww Gianne. Piloto ang gusto ko hindi professor."

I really wanted a pilot. Not because I wanted to be a pilot but because I wanted to fly. It's my childhood dream.

Maayos naman ang grades ko. Dean lister pa. Consistent pa dahil scholar. Kaya lang may oras talaga ako sa paglalandi. Hindi naman ako makati. Don't get me wrong ah. Hindi lahat ng naglalandi ay makati na agad. Yung iba naglilibang lang.

Saan ba kasi ako makakahanap ng piloto dito. Yung matino sana at pwedeng pikutin. Hahah hindi naman ako malandi.

Sa bar sana kaso hindi naman pwedeng lumapit na lang ako sa kung sino sino at magtanong.

"Hi, are you a pilot?"

Girl, ang tanga ko naman kung ganun. Kahiya pa.

Dahil wala akong mahanap ay lumipat naman ako sa engineer. Siguro naman ay meron na ano. Engineer na yan. Nagkalat sa campus. Kaya lang wala akong mahanap na matino.

Kahit tambay na ako sa labas ng building nila ay legwak pa rin. Binubungangaan na ako ni Gianne dito na sa sobrang landi ko raw ay hindi na siya makapag-aral ng maayos. E maayos naman ang spot namin ah. Kita kung may pogi ba. Arte pa siya ah.

Kaya lang ay wala kaming makita. Kaya siguro nagrereklamo. Pa simple pa e gusto rin naman ng pogi.

"Gianne, pagod na akong mag-aral. Tara bar!" masaya kong sabi. Nasa dorm kami at siya ang roommate ko.

Itiniklop ko na ang nakakahilong medical book na binabasa ko. Umangat ang tingin niya sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"At anong isasagot mo sa long quiz bukas? Kalandian mo? C2 gin?"

Humalakhak ako. Minsan talaga ang kj niya e. Focus na focus at nabuhay naman ako para sirain ang focus niya. Para siyang si Kiela rin e.

Hindi ko napilit si Gianne kaya sabi ko after exam na lang para celebration. Pumayag siya. Yey! Hindi nagpapilit.

Excited na tuloy ako. Sa sobrang excited ko ay halos mag-aral ako araw araw. This will be paid off, anyway.

After exam. Nagpakalunod ko sa alak. Char. Wala akong pera. C2 gin lang kami ni Gianne sa resto bar with chichirya as our pulutan.

Noong pinaghiwalay ko na ang bote ng gin at C2 na nakaangat ay may tumalsik sa akin na konti. Nagtawanan na lang kami ni Gianne. Siya naman ang naghiwalay sa isa at walang tapon kaya maangas niya akong tinignan.

"Akala ko ba sanay ka na. Inaamag na ba?" tinawanan niya ako at sumabay naman ako.

"Epekto ng walang kalandian."

"Doktora malandi ka ha."

We laughed pero mas malakas ang tawa ng isang grupo sa malayong lamesa.

"To future Captain Felix. Fligh high!" they cheered.

Nanlaki ang mga mata ko. Oh my goodness! Ito na ba ang hinahanap ko. Finally, a captain. Ang gwapo pa. Halatang mayaman. Kompleto na. This is it pansit.

"Hoy, Lessandra!" hinarap ni Gianne ang mukha ko sa kanya. "Katatapos lang ng exam at lalandi ka na agad."

Inalis ko ang kamay niya at ngumisi. "Oh my God, Gianne! Nakita ko na ata siya. My Captain, I finally found you." I said dreamingly and she just pushed my forehead.

Ang supportive naman ng friend ko. Grabe! Feel na feel ko.

"Hoy hindi mo pa alam kung pilot nga siya."

I can feel it. Malakas ang pakiramdam ko na siya na talaga ang hinahanap ko.

"Alam ko. Fligh high daw sabi nila. Tapos captain. Edi pilot." sabi ko na parang commonsense.

"Tangek! Baka ginamit lang yan."

Dineretso kong ininom ang isang baso ng c2 gin. "Tatanungin ko mamaya. Pampalakas ng loob muna."

Umiling iling sa akin si Gianne. Hindi naman niya ako pinagbabawalan. Pinagsasabihan lang. At alam ko kung hanggang saan ako.

Madami na akong nadate at hindi man halata pero virgin pa rin ako ano. Malanding virgin lang.

Halos ako ang nakaubos sa alak namin ni Gianne. Wala namang kaso 'yon sa kanya since low tolerance siya at ayaw malasing. Ako kasi ay nagpapalakas ng loob para malapitan ko ang captain ko.

Hindi pa sila umaalis. Malalim na rin ang gabi. Ni hindi sila nabawasan sa table nila. Tapos ang katabi niya pang babae ay hawak ng hawak sa braso niya at sa hita. Bitch, akin yan. That's my captain!

Oo. Self proclaim na. Magiging akin din naman siya e. Sure ako. Sino bang tatanggi sa ganda ko. Huh.

Nakita kong tumayo siya kaya napatayo na rin ako. Gianne looked at me and I wink at her.

Sinundan ko ang captain ko na papuntang cr ata. Dumaan ako sa kabila para salubungin siya.

Umakto akong nahihilo at saktong pagtapat ko sa kanya ay nagpahulog ako. At dahil mabait ang captain ko ay sinalo niya ako.

"Are you okay, Miss?"

Shit. Pati boses ay ang sarap pakinggan.

Sinuportahan niya ako sa pagtayo. Humawak ako sa braso niya. Grabe! Muscles!

My hand is still on my head. Ang mga mata ko ay kunwari nahihilo pero sinasaulo na ang mukha niya. I will find you.

Black thick eyebrows that almost meet. Dark eyes and curly eye lashes. Pointed nose. Reddish soft lips and a small mole at the side of his lips that you can only see when your close to him. Malapit ako sa mukha niya kaya kita ko.

"Miss?"

Natauhan ako at umakto ulit na hilo. "Uhh my head is spinning."

Oh shit. I felt his hand on my waist. Kung ganito rin lang pala kasarap mahilo sa alak ay lalaklak na ako araw araw. Basta ba siya ang aalalay. Hihi

Humawak ako sa dibdib niya. Shit. Ang tigas. May abs to panigurado. Bumaba pa ng konti at confirmed! May abs nga.

Nakahawak na ang dalawang kamay niya sa bewang ko kaya parang niyayakap niya ako pero may space pa rin sa pagitan namin.

I slightly rest my head on his neck. Inamoy ko siya. Shit ang bango. Kahit amoy alak ay ang bango.

Ano kayang amoy ko? Na conscious tuloy ako. Simasabi pa naman ni Gianne na ang baho ko kapag amoy alak ako. Mabaho kaya ako?

Hala! Baka maturn off ang captain ko.

"Done checking me out?"

Huh?

Bigla siyang nagsalita kaya nagloading muna sa utak ko. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko agad naangat ang ulo ko. Ramdam ko ang tingin niya sa akin.

"Miss?"

Sa tono pa lang ng boses ay alam ng nakangisi siya. Pinagtatawanan na siguro ako.

The Fight for Love✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon