"Did you regret what happened that night?"
Hindi ko sinagot ang tanong niya. If I say yes that would reveal my feelings for him. However, I can't lie and say no. So it's better to just keep quite.
Hindi ako makafocus sa trabaho. I keep spacing out and thinking about him. Clearly, I'm not fit to do an operation.
Bumalik kami sa hospital ng tahimik. Hindi naman ako inusisa ng mga kapwa ko doctor or nurse pero si Mary ay linapitan agad ako matapos ang trabaho niya. Nasa office ako noon.
"Doc, ano? Kumusta ang usapan niyo? Boyfriend mo ba yun, Doc? In fairness ah, ang gwapo. Bagay na bagay kayo."
I'm just looking at Mary. She said so many things I so wish.
"Hindi ko siya boyfriend." umiling ako at tinignan ang copy ko sa result ng lab test ng isang patient ko.
"Ay hindi ba? Pero kasi ang sabi niya sa akin kaya ayaw niyang ipasabi ang pangalan niya sayo ay dahil isusurprise ka daw niya." medyo lito niyang sabi.
Napaangat naman ang tingin ko sa kanya. "Sinabi niya yon? Sinong nagsabi sa kanya na ako ang nagoperate sa kanya."
"Ako po, Doc. Nagtanong po kasi siya e. Sinabi ko po na kayo. Ako po kasi ang naglinis sa sugat niya at nag-apply ng ointment sa braso niya. Ang hot po ng kaibigan niyo, Doc. Grabe ang muscles niya. Ang sarap haplusin. Buti ako ang nakaassign sa kanya. Sana mamaya rin."
Medyo nainis ako sa kadaldalan niya. Pinagnanasahan pa ata si Leon e. Nangunot ang noo ko. Nakita niya siguro kaya nagpeace sign.
"Hindi ko po aagawin, Doc. Safe siya sa'kin, Doc. Promise."
Duda ako. Mukhang sa sinabi niya kanina ay hindi.
Hindi tuloy ako mapakali. Sinong nurse ang naka assign sa kanya. Nakita ko ang records niya at pwede na siyang idischarge bukas.
"Izza, you seem bothered. Finally, iniisip mo na ba ako?"
I looked at him. Nasa cafeteria kami at kumukuha ng dinner kasama rin ang ilang nurse at doctor.
"Shut up, Razor." I roll my eyes.
"Ouch. Okay lang kahit hindi mo aminin."
"Sagutin mo na yan, Doc Carolla." pagbibiro ni Doc Shem habang palapit kami sa pahabang lamesa.
"At dahil dyan mapropromote ka na, Doc." napailing na lang ako.
"Wag niyong pilitin si Doc. Baka may ibang gusto yan."
Ang daldal ni Mary. Nakatingin tuloy sa kanya ang lahat at nalipat lang sa akin.
"Sino?" medyo pagalit na sabi ni Razor. I rolled my eyes. Ang OA ha. Kahit medyo biro.
"May ibang gusto ka, Doc?" pang-usisa ni nurse Vida.
"Di nga?" hindi pa makapaniwala si Doc Shem.
"Ano ba yan. Ano naman kung meron nga. Ang chichismosa niyo." panira ni Doc Aguilar, ang pinakamatanda sa amin dito.
Inirapan siya ng dalawa.
"Sino bang gusto mo, Izza? Ako ba?" humarap siya sa akin.
"Hindi ikaw, Doc." panira ni Mary.
Razor glared at her. "Sabihin mo nga kung sino Mary. Kapag hindi ko nagustuhan ang sagot mo, tanggal ka na."
Hindi naman mukhang takot si Mary. Ang lakas din ng loob e. Nakangiti pa siya at mukhang balak ngang sabihin kaya inunahan ko na siya.
"Kumain na nga lang tayo." then I glared at her. Makuha ka sa tingin, Mary. Nanahimik naman siya at nag-usap usap na kami tungkol sa trabaho.
BINABASA MO ANG
The Fight for Love✔︎
RomantizmI love my best friend and I can't love the man she loves. -Lessandra Izza Carolla I love her and clearly she loves me too. What's holding her back now? -Felix Leondale Manzano