Chapter 6

103 5 0
                                    

"Wala kang date?"

Yan ang bungad sa akin ni Gianne pagkapasok ko sa kwarto namin.

Umiling ako. "Aalis siya." simpleng sagot ko saka sumalampak sa kama matapos ibagsak sa upuan ang bag ko at ilapag sa mesa ang books.

"Hayyyy nakakapagod." tumihaya ako sa kama. Nakawhite uniform pa ako na pencil cut skirt at blouse.

"Tara shot, Gianne." Aya ko pero half biro lang. Sumulyap ako sa kanya at nakatutok nanaman sa libro niya.

"Shut up, Issa."

Humalakhak ako. Nagring nga lang ang phone ko kaya tumayo ako at kinuha sa bag ko.

Captain of my Heart calling....

Hala!

Accept agad agad.

"Hello?"

"Nasa tapat ako ng school niyo. You still here?"

"Nasa school ka? Hala, nakauwi na ako."

"Okay. Pupuntahan kita."

"Leon, akala ko ba---"

"Let's see each other first."

Tapos binaba na niya. Gulat naman ako at hindi makapaniwala. Pupuntahan niya ako? Akala ko hindi na kami magkikita e.

"Oh akala ko ba wala kang date." nakangisi pa si Gianne.

Ngumiti ako, kinikilig. "Meron pala kaya mag-aayos na ako."

Nagsuot ako ng black high waisted shorts at pink cropped top sweater. White sneakers sa paa ko. My hair is in a messy bun at hindi ko na lang ginalaw. Medyo magulo na at marami ng takas na buhok pero maayos pa naman. Kitang kita tuloy ang black small earring ko sa left ear. Nagretouch ako saglit at saktong tapos na ako saka nagring ang phone ko.

Nagpaalam na ako kay Gianne saka sinagot ang tawag habang bumababa ng dorm. "Leon, pababa na ako."

"Okay, I'll wait."

Binaba ko na ang tawag.

"Sorry. Akala ko kasi ay wala na tayong date ngayon." pambungad ko.

He's standing beside his black Mazda wearing a black shorts and a plain white v neck shirt paired with his black sneakers. Ang gwapo niya tignan shit.

"Nah. It's okay. Hindi ko rin naman nasabi sayo."

Binuksan niya ang pintuan at pumasok naman ako. Naupo siya sa drivers seat. "Seat belt, please."

Oh? Nakalimutan ko ulit. Sinuot ko ang seat belt.

"Saan mo ako dadalhin?"

Wala akong maisip at tinatamad akong mag-isip.

Hala baka itakas na ako ni cap char. Asa ka pa girl.

"What do you think of a night swimming."

Oh my gosh hindi ako prepare! I have no bikini. And my body....baka tumaba ako?

"Leon naman e. Biglaan." maktol ko.

He just laughed and glance at me. "Kidding."

Sa harap ng restaurant kami tumigil. Ang ganda at pakiramdam ko ay hindi bagay ang suot ko dito. Si Leon din naman ay nakashorts at shirt lang pero ang mayaman na tignan. Ako kaya. Anong itsura ko. Magmumukha akong basang sisiw dito e. Sana pala nagdress na lang ako.

He held my waist. Feeling ko tuloy ang bagay ko na dito. Asumera lang Issa.

May na reserve pala siyang mesa. It's in a private room. May dalawang waiter sa gilid.

The Fight for Love✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon