Chapter 8

109 5 0
                                    

In the middle of the night, I woke up and left the man I love without goodbye.

Ayokong mag-iwan ng note kahit na gustong gusto ko.

I closed the door slowly, looking at him peacefully sleeping. Ngayon pa lang tumutulo na ang luha ko. I love him so much.

One last look in his living room and kitchen then I left.

Maaga ang byahe ko ngayon at maaaring hindi na ako makatulog kaya naglakad lakad muna ako sa labas ng dorm bago pumasok ng mag-umaga na para kuhanin ang mga gamit ko. Nagtawag na rin ako ng taxi para ready na.

Gising na gising na si Gianne kaya nagulat pa ako at naabutan ko siyang tulala sa kama niya. Yung totoo, natulog ba siya.

Niyakap niya ako matapos ipasok sa loob ng taxi ang lahat ng gamit ko. Naiiyak ulit siya kaya tinawanan ko na lang.

"Hahanapin ka ni Leon sigurado ako."

Nagulat ako at muling piniga ang puso ko pero Itinawa ko na lang ulit.

"Imposible yan, Gianne. Wag mo naman akong paasahin."

"I want to know where you're going." hindi mapakali niyang sabi.

Umiling na lang ako. Gusto kong sabihin pero may konting takot sa akin na baka nga ay hanapin ako ni Leon sa kanya. Hindi ko alam pero natatakot ako. Siguro dahil baka kapag sinabi ko kay Gianne ay aasa ako at kapag hindi niya ako hinanap ay masasaktan.

"Hindi na Gianne. See you when we're officially a doctor."

I smiled and left her. Sa taxi ay iyak na ako ng iyak. Bus ang sinakyan ko pabalik sa Santiago kung nasaan ang pamilya ko at kung nasaan ako nakatira.

This is my home but I don't feel at home completely. Maybe because I left a part of me somewhere far from here. In someone else place. In someone else care.

Naging mahirap sa akin ang mag adjust sa new school ko pero kinaya ko. Tumutulong din ako sa gastusin sa pamamagitan ng part time every Saturday sa isang bakery shop para hindi na ako bigyan ng allowance. Sa Sunday ay review time ko.

Kapag naaalala ko siya ay naghuhulog ako ng one hundred sa alkansya ko. Parusa sa akin. Tinapon ko na rin ang sim card ko at dahil nasasayangan ako sa memory card ko na puno ng picture namin at stolen niya, may video pa ay tinago ko na lang. At kapag tinitignan naman ang laman ay isang daan na ang bayad.

At dahil dyan ay marami akong naipon. So paano ka makakamove on, Lessandra.

Wala akong social media ako dahil simula noong umalis ako sa Manila ay dinelete ko na lahat. Kaso ang tempting talagang isearch ang pangalan niya sa Google.

Naging piloto na kaya siya?

Should I ask Kiela if may kilala siya na Captain Felix Leondale Manzano?

Pinilig ko ang ulo ko.

Lessandra, doctor ka na. Syempre pilot na rin siya. Ano bang iniisip mo. Move on ka na kaya girl.

Hindi. Ayoko. Hindi ata ako makakamove on sa kanya. Nasa kanya ang puso ko kaya nga ako bumalik ng Manila dahil umaasa ako na magkikita pa kami. Pero at the same time ay natatakot rin.

Galit kaya siya? Nagalit siya?

Damn, of course Lessandra!

Sinong hindi magagalit na pagkatapos may mangyari sa inyo ay mawawala na lang basta na parang bula.

Tangeks ka!

Hindi ko pa 'to nakwekwento kay Kiela at si Gianne lang ang nakakaalam pero according to Google ay nasa Spain daw siya at doon na nagtrabaho.

Kapag nakauwi na siya ay mag-uusap talaga kami. Excited na tuloy ako. Wala kasi akong ibang kaibigan. Si Kiela ay madalas na ang flight, si Angel na kakikita ko lang kanina ay juntis na at bantay sarado ng mister niya.

Ang chismosa na niya ngayong buntis e. Ibang klase talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Hindi naman kasalanan pero nagsimula sa mali. I can't blame them though. It's love.

"Doc?"

Napaangat ako ng kilay kay Nurse Mary nang tawagin niya ako at kumatok pa sa pintuan ko.

"Pasok."

Medyo pagod ako dahil sa isang operasyon ulit.

"Gusto raw po kayong makita ng isang pasyente. Magpapasalamat lang daw po."

Kumunot ang noo ko. Seriously? There's no need to that. Mukha pang kilig si Mary.

Tumayo ako at sinuot ang roba ko at stethoscope. "Sino ba yan."

"Puntahan mo na lang daw ma'am. Room 67."

I don't remember anyone in that room. Baka naman hindi ako ang nagoperate?

"Wala akong maalalang room 67 na pasyente ko."

Nalito si Mary. "Huh, Doc? Ikaw po 'yun."

Tumango na lang ako at nagpunta sa room na sinabi niya. For a diversion na rin dahil natutulala lang ako tuwing naaalala ko ang nakaraan. Kahapon ang aksidente at naayos naman agad.

I don't know if I should be happy na hindi ko na siya nakita or not.

Pagbukas ko pa lang ng pinto ay kumabog na ang dibdib ko. Pagtingin ko sa kama ay wala namang tao. Nilibot ko pa ang tingin sa loob.

What the fuck? Prank ba 'to? I swear sasabunutan ko si Mary.

I gritted my teeth and went to the door but it swung open and I'm left frozen to where I'm standing.

Wearing a white shirt and a black pant with slippers is Captain Felix Leondale Manzano.

I can't even blink. Magkahalong gulat, saya, pagkamangha at lungkot ang naramdaman ko.

After so many years. I finally saw him in flesh in front of me.

"Finally a doctor, huh."

He closed the door then stepped forward to me with his serious face.

The Fight for Love✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon