Pumayag ako na ipakilala niya ako sa parents niya. This relationship is ours but his parents have a say also. Sana lang ay magustuhan nila ako.
Bukas daw sabi ni Leon. He informed them already dahil parehas silang nandito sa Pinas pero aalis din naman. Over dinner niya raw ako ipapakilala kaya maaga ang out ko tomorrow pero kahit ngayon ay inagahan ko na. I need to rest and prepare. May dapat ba akong dalhin? Cake? Fruits? Ano ba?
Oh my gosh! Kinakabahan na ako. I should ask Leon right pero baka lalo akong kabahan sa sasabihin niya. Papalubagin niya ang loob ko pero baka magsinungaling lang siya.
Goodness! His parents are freaking into business. They own the Sky Lion Airport and some hotels in here. Hindi ko sila kilala pero feel ko strikto sila. I don't know. Or maybe not. Hindi naman suplado si Leon?
Sinundo ulit ako ni Leon. "Susunduin din kita bukas. Wear something not very formal. Semi formal will do."
"Akala ko mag gogown pa ako." pagbibiro ko.
"Pwede rin."
"Che! Edi over dress ako niyan. Nakakahiya pa. Pati ba ang mga kapatid mo?"
I just know na may kapatid siya pero hindi ko kilala.
"Yup. Ate Frances and Francis."
"May asawa na ang ate mo?"
"Fiancee. Yes."
Oh. So si Francis na lang.
"E si Francis?"
"I don't know. Nililigawan? Maybe. Bakit? He's not a pilot, if that's what you're thinking." naningkit ang mga mata niya sa akin.
Tumawa ako. "Wala akong iniisip na ganyan. Nagtatanong lang ako e."
Napansin ko sa pagtingin ko sa labas na hindi familiar ang dinadaanan namin. "Huh? May pupuntahan ka pa?"
Nilingon niya ako saglit. "Condo. Doon tayo."
What? Hindi siya nagsabi. Wala akong damit na dala.
"Wala akong damit...."
He glance at me. "Ihahatid kita bukas ng maaga."
"Wala akong pantulog."
"You don't have to wear anything." he wink then parked his car.
Sinapak ko siya. "Ang adik mo." pero sinunggaban na niya ako ng halik.
Tinutulak ko siya. "Leon, ano ba. Nasa kotse tayo." pero sige lang siya sa paghalik sa akin at ipinasok pa ang kamay sa damit ko.
Then he cursed. Inayos niya ang damit ko. "Let's go." nagmamadali kaming pumasok sa elevator at pinindot niya ang floor niya saka ulit kami naghalikan. Mabuti na lang at walang ibang sakay kundi nakakahiya na sa elevator pa kami nagmake out.
The elevator opened and he grabbed me out of it. Binuksan niya ang pintuan saka ako binagsak sa dingding at hinalikan ulit.
"Leon, gutom ako."
Tumigil siya at tinitigan ako. Ilang sandaii pa bago siya nangiti. "You're ruining our make out." at hinila na niya ako.
Pinaupo niya ako sa kitchen counter niya. "Let's eat first before I eat you." kindat niya bago naghanap ng lulutuin.
"Kakainin mo ako? Edi ako rin dapat." he look at me darkly and I smirk.
"What Leon." medyo natatawa pa ako dahil mukha talaga siyang bitin.
"Mamaya ka sa akin."
Tumawa ako at nagluto naman siya ng mabilisan. Fried egg na nilagyan niya ng sliced carrots and rice. Nakangisi lang ako the whole time. Pinagluluto niya ako. Gusto ko siyang yakapin sa likod pero baka hindi na siya magpigil at masunog pa ang niluluto niya kaya tinignan ko na lang siya.
BINABASA MO ANG
The Fight for Love✔︎
RomanceI love my best friend and I can't love the man she loves. -Lessandra Izza Carolla I love her and clearly she loves me too. What's holding her back now? -Felix Leondale Manzano