Chapter 2

138 5 0
                                    


"Miss?"

Umangat ang tingin ko at unti unting lumayo. Buking na ako e. What's the point of hiding.

Nakangisi nga siya sa akin. Pinilit kong kumalma.

"Hindi. Hilo talaga ako."

"Uh-huh."

Halatang hindi naniniwala e. Nahihiya na tuloy ako. Ano ba, Lessandra! Landiin mo na uyy

"Can I ask for your name? Para mapasalamatan kita ng maayos."

Tumaas ang kilay niya. Goodness! Ang hot tignan.

"No need to thank me."

Parang suplado si captain. Hayaan mo na. Bibigay din yan.

"I'm Lessandra." inilahad ko ang kamay ko.

Seconds later pero hindi niya pa rin tinatanggap at nakatingin lang siya doon. Napapagod na ako at mukhang mapapahiya pa ako. But before I could put my hands down, he accepted it.

"Leon."

Ohh. That's not what I heard. Felix ang tinawag sa kanya ng mga kaibigan niya. Oh well, makukuha rin kita.

Nagtagal ang hand shake namin. Walang bumibitaw. Kaya lang dahil sa isang customer na padaan ay gumilid kami. Peste naman. Nagkahiwalay tuloy ang kamay namin. Ang lambot na e.

"Aalis na ako." paalam niya.

Pero ayoko pa. I need to do something. Kausapin ko.

"Wait. Thank you kanina sa pagsalo sa akin." I smiled sweetly. Gusto ko pa sanang dagdagan ng sana masalo mo rin ang puso ko sa paghulog sayo kaya lang ay masyadong mabilis. Iisipin niya na nang-aadik lang ako.

"Welcome. Aalis na ako."

Humakbang na siya pero humarang pa ako. Teka lang muna cap. Nagmamadali masyado e.

"Pwede kitang makausap mamaya ulit?"

Oh shit. Akala ko ba hinay hinay lang. Ang kaso walang magagawa kung hahayaan ang tadhana. I should move and this is my move.

May nagtatagong ngiti sa labi, umiling siya.

Aww, hindi raw pwede Issa.

"Sure. Wait for me."

Oh my goodness! Gusto kong magtatatalon sa tuwa. Yes! Payag siya.

Tumango ako at tumalikod naman siya. Doon ko pa lang pinakawalan ang ngiting tagumapay ko.

Lumabas siya sa banyo at dahil may alak sa utak ko ay napasilip ako. Wala namang tao.

Nagtaka siya sa ginawa ko. Ako rin naman. Umaandar na ata ang alak sa utak ko. Goodness! Kung kelan ako lalandi saka pa nasobrahan. Ano ba yan.

"Tara na."

Naupo kami sa pang dalawahang table sa kabilang banda, opposite kung nasaan ang table na iniwan namin.

"Hindi ka ba hahanapin ng mga kasama mo?"

Not that I care about them. Para lang isipin niya na hindi naman ako selfish na tao.

Umiling siya. Napa okay ako.

"Bakit mo pa ako gustong kausapin."

"Magpipilot ka ba?"

Ang lakas ng loob mo girl. Sige. Inom pa.

Gulat pero may ngiti sa labi. "Oo."

Ano ba yan. Ang ikli ng sagot. Okay lang yan. Hahaba rin kapag nakuha ko na ang loob niya.

"Girlfriend?"

Sige pa Lessandra habang nasayo ang espirito ng alak.

Parang amuse na amuse pa siya sa akin. Right, matuwa ka na sa akin. Sa susunod hindi na ganito katabll ang dila ko.

"None."

Ikli again. Q and A ata to e.

"Nililigawan?"

Tumaas ang kilay ko. Baka naman yung hitad kanina.

"Wala rin. Gusto mo ikaw na?"

Napasinghap ako. Ang bilis niya ha.

He smirk.

"Ang liligawan mo?"

Baka iba pala ang tinatanong niya e.

"Hindi. Ang girlfriend ko."

Holy crap!

My face showed how shock I am. He chuckled.

"Kidding."

Aww joke lang pala. Muntik na akong magtatalon sa saya at isigaw ang yes e.

"Sayang. Oo pa naman sana."

I'm disappointed. Bakit pa kasi naimbento ang joke na yan e. Maraming umaasa dahil sa joke na yan.

Tinawanan niya lang ako.

"Ayaw mo akong maging girlfriend? Or may iba ka ng gusto."

That's okay. Kung may iba na siyang gusto ay hindi ako papatalo. Duh. I'm a doctor (soon, inaangkin na) and I kill bacterias. At isa siyang bacteria sa relationship namin. Germs kumbaga. Peste.

"I don't have someone."

Good.

"Yun naman pala e. Magsasabi ka na nga lang hindi mo pa totohanin." iling ko.

He laughed. "Gusto mo talaga e."

"Wait, nanliligaw ka ba?"

Baka kasi babae ang nanliligaw sa kanya. Liligawan ko na.

"Hindi."

Sabi ko na e.

"Ako na ang manliligaw sayo. Game?" I said like I was just asking for a favor.

Tinawanan niya ako pero may ngiti sa labi.

"Suit yourself."

The Fight for Love✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon