"Kiela, I miss you so so much."
Niyakap ko ang best friend ko na natatawa lang sa kaartehan ko.
"Oo na. Miss din kita."
Ay parang napilitan si friend.
Nasa isang Cafe kami. Sem break kasi nila kaya nadalaw niya ako dito. Ako naman ay sa susunod pa ang sem break namin.
"May kwento ako." patili kong sabi. Kilig na kilig.
Kiela just look at me as we sat down. "Ano na naman yan."
"Grabe ka ah."
"May nahanap na akong piloto!" Impit ang tili ko. Masaya lang.
"Loko ka. Mag-aral ka muna bago lumandi."
Hindi man lang masaya na may piloto na ako. Hihi aangkinin ko na kahit hindi pa akin.
"Ano ka ba Kiela. Masaya rin na habang nag-aaral ka ay may landi. Para naman bawas stress." pangaral ko.
"Nakakastress din ang paglalandi. Kapag ikaw sumabit dyan." pinandilatan niya ako ng mga singkit niyang mata.
Tinawanan ko na lang. "Makakagraduate ako promise."
And then we talked about many things. Nagbalik tanaw na rin kami noong highschool kami.
"You remember Josh? I saw him here. At aba! Sila pa rin ng jowa niya noon. Ibang klase. Going strong ei."
Akalain mo yun. Since highschool sila na tapos hanggang ngayon pa. Akala ko maghihiwalay sila e. On and off kasi.
"Sinong mag-aakalang sila pa rin. Kumusta naman kayo ng muntik mo na." Natawa ako ng mapang-asar.
Inirapan niya ako. "Tigilan mo ako Issa. Tapos na 'yun."
Tinawanan ko siya at inasar asar. Nabitin pa ako sa catch up namin. Kailangan niya na kasing umalis. I miss her na agad. Nagkasundo kami na chat chat na lang ulit.
Today, I have a date again with my captain. Simpleng yellow shirt na nakatuck in sa faded maong skirt ang suot ko. Nagsneakers na rin ako at nakalugay ang blonde kong curly hair. Nagpakulay talaga ako para magmukhang foreigner hahah
Sinundo niya ako. Hindi na ako mahihiya dahil wala naman akong kotse at alangan namag ipag commute ko ang ginto na ito.
Tama nga ako. Ginto siya. Pera na pera. Puro branded ang suot. Nakakasilaw.
"Let's go."
Pumasok ako sa nakabukas niyang pintuan.
Ako ang mamimili kung saan kami at pinag-isipan ko talaga itong mabuti. Kahit hindi halata pero nag-isip ako.
"Saan tayo."
Sumulyap siya sa akin habang nagkakabit ng seat belt. Ako naman ay diretso lang ang tingin.
"Mall lang."
Diba hindi halatang nahirapan ako kakaisip.
Tumingin ako sa kanya ay nakangiti siya sa akin. May iba sa ngiti niya e.
"What?"
Umiling siya. "Nothing. Akala ko lang gusto mo sa ibang lugar."
"Sa mall na lang. I want the usual first."
Tumaas ang kilay niya. "Sure?"
"Oo nga. Nililigawan kita diba. Ako masusunod kaya sige na drive na." tingin ko sa manibela.
Pero nagulat ako ng lumapit siya sa akin at may ginalaw. "Seat belt mo."
Shit. May konting kabog sa dibdib ko ah.
BINABASA MO ANG
The Fight for Love✔︎
RomanceI love my best friend and I can't love the man she loves. -Lessandra Izza Carolla I love her and clearly she loves me too. What's holding her back now? -Felix Leondale Manzano