Napahawak ako sa twalya ko ng mahigpit. "A-anong ginagawa mo dito."
"Can I come in?" he asked then look behind me.
Napatanga pa ako pero unti unting gumilid. My heart is beating fast. Goodness Lessandra! Umayos ka.
"Magpapalit lang ako."
Nagmamadali akong pumasok sa kwarto ko at nagpalit ng pajama ko at shirt. Hindi ako nagbrabra pero dahil may bisita ako ay magbra na.
Nakita ko siya na nakaupo sa sofa ko. Pang dalawahan ang sofa pero dahil siya ang nakaupo ay parang pang isahan lang. Tumayo siya noong nakita ako.
Dumeretso ako sa sink na nahaharangan lang ng shelf ko at kumuha ng tubig at nilagok. Nakakadry ng lungs lang.
Saka ako lumabas at nagpakita. "Hindi ka pumasok sa hospital? Hindi kita nakita...."
Hinanap niya ako?
"Oo. Bakit ka nandito."
I sound rude.
Natahimik siya. What's a captain doing here. And how did he know where I'm living? Stalker ba siya? Or naghire ng investigator? Gosh! Sige asa pa Lessandra!
"I.. I just want to see you." umiwas siya ng tingin habang ako ay titig na titig sa kanya.
I can't believe he's infront of me. For real. Gusto ko tuloy siyang hawakan pero pinigilan ko ng sarili ko.
What did he say? Hindi ko ata nagets yun. Nangunot ang noo ko.
"Ano?"
I think I did not hear it. Masyadong akong distracted sa mukha niya. He looked at me. "I just want to see you."
Ahhh
Ano?!
See me? Bakit naman niya ako gustong makita.
"A-ako? Bakit?"
Umiwas siya ulit ng tingin. "I want to talk to you."
Talk? Diba nag-usap na kami. Kulang ba yun? Siguro nga.
"Okay."
Naupo ako sa isahang sofa. Umupo naman siya sa dati niyang upuan.
"Iniwan kita dahil aalis na ako and I don't think I will be coming here back again. Pero may nag-offer sa akin ng work dito kaya ako nakabalik. If you want to hear my sorry for leaving you. I'm sorry." at tumingin ako sa paa ko.
"I don't need your sorry."
Ano pang gusto niya. Umangat ang tingin ko.
"Kung tungkol sa nangyari sa atin, hindi ko naman pinagsisihan 'yun. Ako ang nag-udyok sayo kaya bakit ako magsisisi."
Now that's like confessing Lessandra. Ang tapang mong aminin na nasarapan ka.
Umawang ang labi niya. "You left me after that night. It haunted me. Do you think I won't find you?"
Hinanap niya ba ako? Nagulat ako. Did he?
"Hinanap kita only to see you happy with another guy. Ano? May nililigawan ka na na bago? Siguro nga tama sila na malandi ka lang at pati pa anak ng may-ari ng hospital ay nilandi mo. Ano? Kaya ka may clinic ngayon? Regalo niya ba sayo?"
I slapped him. Tumayo pa talaga ako. Tumayo rin siya after kong sampalin. Namumula na ang mata ko kakapigil sa luha ko.
"Ganyan ba ang tingin mo sa akin?" may voice is shaking.
"Get out!"
I shouted and pointed at the door. Ayokong umiyak sa harapan niya. Tama na ang isa.
"Le---"
I slapped him again. Sa kabila naman. Pula na ang pisngi niya dahil maputi siya. I don't care.
"Get the hell out of here." may diin ang bawat salita ko.
"Let me talk first."
Tinulak ko siya kaya lang ay ayaw gumalaw.
"Ayoko ng marinig ang sasabihin mo. Umalis ka na. Hindi kita gusto. Layuan mo na ako. Tangina mo. Tigilan mo na ako. Ano pa bang tanong mo? Tangina ayoko na. Gago ka."
Tinulak tulak ko siya habang nakayuko dahil bumuhos na ang luha ko.
Shit.
Hindi si gumalaw para pigilan ako. "I'm sorry."
Sorry? Sa lahat ng sinabi niya? Sa panghuhusga niya sa akin? Fuck him.
Tumigil ako sa pagtulak sa kanya. "Umalis ka na." nakayuko kong sabi.
Hindi ko mapunasan ang luha ko dahil nasa harapan ko pa siya. Bumuntong hininga siya at umalis na.
Ako naman ay napaupo at humagulgol. Ganun ba ang tingin niya sa akin? Na malandi ako? Dahil nilandi ko siya at sinama niya pa si Razor.
Sinundan niya ako? Masaya? Kailan ako naging masaya sa piling ng ibang lalaki? May mga kaibigan ako pero halos babae at hindi ko masyadong close. May mga sumubok manligaw pero hindi ko pinaunlakan. Siguro isa sa kanila ang nakita niya. Masaya ako? Baka tumatawa ako dahil sa joke?
Alam niya kung nasaan ako. Bakit hindi niya ako nilapitan?
Bakit Lessandra? Kapag ba linapitan ka niya tatakbo ka na pabalik? Agad agad? Malandi ka nga. Iniwan mo diba?
Malandi ako. Iyon ang tingin niya. Oo nga naman. Nilandi ko siya.
I laughed at myself.
Malandi ka nga self.
Ngayon tigilan mo na. He's off limits.
BINABASA MO ANG
The Fight for Love✔︎
RomanceI love my best friend and I can't love the man she loves. -Lessandra Izza Carolla I love her and clearly she loves me too. What's holding her back now? -Felix Leondale Manzano