Naghahanap ako ng libro na pwedeng ibigay kay Kiela. She loves reading books. English ang gusto niya at piling author lang kapag Tagalog.
Leon is tailing me pero iniwan din ako saglit. Nandito ako sa mystery thriller section at pumipili noong sumulpot si Leon.
"You looking for this, baby?"
Ipinakita niya sa akin ang set ng fifty shades at gusto kong ihambalos sa kanya. Kumuha ako ng isang libro at sinapok siya. "Ang bastos bastos mo talaga."
Natatawa siyang umalis. Pero sa huli fifty shades ang kinuha ko. Gusto ko lang na 'yun para hindi genre ni Kiela. Pinabalot ko pa ng red ribbon at nilagay sa paperbag. Tapos na!
"Kukunin mo rin naman pala pinalo mo pa ako." ngumuso siya.
Ay nagtatampo.
"Kasi ang manyak mo." kinurot ko ang braso niya. "Gutom ako."
"Tara sa hotel."
At ayan nanaman siya sa alok niya. Pinalo ko nga.
"Bakit? Ipagluluto lang naman kita. Ikaw ata ang bastos dito e." depensa niya.
Pero hindi pa rin ako pumayag. Sa isang fast food chain kami kumain sa Robinsons. Pagkatapos ay naglakad lakad pa muna kami.
"Lessa!"
One of my classmate in high school called me. Nagbabantay siya sa mga damit na nakadisplay.
"Anthony."
I still remember him because how could I forget. Siya ang bakla na nagkagusto sa akin and look at him now, lalaking lalaki na.
"Baks," ngiti ko.
"Ngayon lang ulit kita nakita, Doktora ah. Pacheck naman ng puso ko kung tumitibok pa sayo." tapos kumindat pa si bakla at ramdam ko naman ang paghapit sa akin ni Leon palapit sa kanya.
Tumawa ako. "Hindi na daw, baks. Kay Tara na."
Napasimangot siya at inikot ang mga mata na parang bakla. "Kaloka ka, gurl." at hinawi niya ang buhok na parang stress.
Ay stress ba siya? Bakit? Dahil sa tomboy siya nahulog? Hahah oo, pero hindi naman tomboy na tomboy si Tara. Baka iba na siya ngayon. Nabalita lang sa akin ni Kiela noon.
Pero mukha pa ring bakla si Anthony kung umasta. "Pakilala mo naman ako sa boylet mo. Don't worry lalaki ako, hindi kita aagawan."
Natawa ako sa kindat niya. Humawak ako sa braso ni Leon. "This is Felix. Leon, si Anthony, classmates kami noong high school."
"Pre," naging boses lalaking lalaki si Anthony and I laugh.
Si Leon naman ay seryoso lang at tipid kung ngumiti.
"Nasabi ba ni Lessa na high school sweetheart kami?"
Umalma ako. That's not true!
"Hoy bakla! Ano yan!"
"Really?"
Hinihila ko na si Leon paalis dahil baka kung ano pa ang sabihin ni Anthony na pawang kasinungalingan.
"Yes, Pre. Sabay pa kaming mag cheer sa basketball player na kinahuhumalingan niya. Ewan ko nga dyan at hindi pinatulan yun kahit umamin naman siya. MU lang sila dahil kami talaga."
"Hoy charot ka bakla! Anong tayo? Hindi naging tayo oyy." halos hatakin ko na si Leon pero ayaw paawat. Nakatayo lang siya doon at medyo natatakot na ako sa itsura niya.
"Muntik na sila noong player pero hindi niya pinatulan. Ang gwapo pa naman, baks. Sayang."
Anak ng tokwa! Andaming satsat ni bakla. Baklang bakla e.
BINABASA MO ANG
The Fight for Love✔︎
RomanceI love my best friend and I can't love the man she loves. -Lessandra Izza Carolla I love her and clearly she loves me too. What's holding her back now? -Felix Leondale Manzano