Chapter 12

112 6 3
                                    

Ngayon na ako aalis sa hospital. Nagpaparty pa sila sa pag-alis ko. May pa bouquet of flower at chocolates pa si Razor. Tinaggap ko na lang. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.

"Wala ng sexy doctor dito."

Binatukan ni Doc Shem si Razor. "Gago ka. Nandito pa kaya ako."

Tinignan siya ni Razor from head to toe. "Sexy ka niyan."

We all laughed. Sexy naman si Shem e. Medyo may laman pero sexy pa rin.

"Ang sabihin mo wala ka lang pagnanasahan dito e."

Napailing na lang ako. They are so noisy. Wala ba silang mga trabaho ngayon? Para umalis na rin ako. Lunchbreak kasi kaya andito sila halos lahat. Afternoon na ako nakapunta sa clinic ko. Alice and Megan are there already.

Aayusin na namin ang mga gamit then we're good. Kinaumagahan ang unang naging pasyente ko ay si Angel. Ipapacheck daw ang baby niya. Dahil maaga pa at 8:00 AM ang naset na time sa unang pasyente ko ay siningit ko muna si Angel. May ob naman siya pero lilipat na daw siya sa akin. Ang chismosa talaga. At andito rin kasi ang kaibigan niyang si Alice kaya dito siya.

"Maayos at malusog naman ang twins." kita sa monitor ang twins niya. It's a two baby boys.

Good for them. They're having their second and third baby. Pero hindi pa rin siya nagbabago. Angel is still chismosa kapag juntis na. Hindi naman siya ganun dati. Ayaw niya pa sa mga chismosa pero tignan mo nga naman ngayon.

Nag-usap pa muna kami saglit bago sila umalis. Nagkamustahan lang at nagchikahan pa si Alice at Angel. I don't mind though. Hindi naman ganun ka busy dahil kakaunti pa lang ang nagset ng schedule at mostly kaya ko naman. Kaya lang ako may nurse ay dahil gusto ko ng kasama. Si Megan ang una kong nakuha at pinakiusapan lang ako ni Alice kaya pumayag na ako.

This day is not tiring for me. Hindi naman siguro ako aabot sa ubos na ang savings ko dahil sa konti ng kita ko sa clinic. Sana naman ay hindi ako dumating sa puntong ganoon.

Hindi na ako pinuntahan pa ni Leon. Maayos na naman siguro ang sugat niya at baka nag resume na rin siya sa flight niya. Kaya lang gusto kong malaman kung maayos na ba talaga siya. One week pa lang ang lumipas at resume na siya agad? Hindi kaya siya mabinat sa byahe?

Gusto kong tawagan o itext si Kiela dahil parehas sila ng airline at sigurado alam niya. Oo, alam niya. Siya pa.

Huminga ako ng malalim habang nakaupo sa sofa. "Linubayan niya nga talaga ako."

Hep, Lessandra! Ano yan. Tinaboy mo na gusto mo pang pabalikin. Yung kaibigan mo oyy.

Yeah... Kiela.

He likes him.

Napailing ako. What were you thinking, Lessandra. Gusto mo rin siya? Ano? Aagawan mo ang best friend mo? Kaya mo yun?

Pero ako ang nauna.

At hindi niya alam. Dahil hindi ka nagkwento tapos bigla mong sasabihin na gusto mo rin ang gusto niya? Hibang ka ba?

Pero....

No buts, Lessandra. If only you were true to her hindi ka na sana nahihirapan ngayon. Akala ko ba best friend? Bakit may sikreto ka. Kasi hindi naman talaga lahat ay pinapaalam sa best friend.

I admire Alice and Angel's friendship. They know each other's secret. Kahit mas matagal kong kilala si Angel ay si Alice ang mas nakakakilala sa kanya.

While me and Kiela? Sakto lang. We bond and comfortable with each other. Nagsasabi siya sa akin pero ako tahimik lang.

Goodness Lessandra. Why are you even comparing your friendship to Alice and Angel. Syempre may pagkakaiba.

The Fight for Love✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon