Chapter 5

101 6 0
                                    

Every Wednesday afternoon ay nagkikita kami ni Leon para magdate. Maaga kasi ako every Wednesday at siya rin kaya nagkikita na kami.

It's either susunduin niya ako sa school or sa dorm na. Pero madalas sa school. Kaya nagbabaon na lang ako ng extra shirt.

"Magpapasama ako sayo magpagupit. Is it okay with you? Or you want us to go somewhere."

Umiling ako. Noon ko lang napansin na medyo humaba na nga ang buhok niya. Medyo nagkabangs pa siya. Pero ang gwapo pa rin.

"Hindi na." I reached for his hair. Hindi pa naman umaandar ang sasakyan niya kaya hindi siya maiistorbo.

"Ang haba na nga ng buhok mo." I played with it a little then chuckle.

"Want me to trim my hair or not."

Nagulat ako at sa akin pa talaga nagtanong.

"Ano ka ba. Your hair your say."

Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba na.

Nagkibit balikat siya. "Okay."

Nagtataka pa rin ako dahil sa barber shop ay ako rin ang pinapili niya ng hairstyle. He said he want me to choose for him. Kaya ang pinili ko dahil may pagka bad boy look siya ay mohawk. Napagtripan ko na rin at pinakulay ang ends ng blonde para terno kami. Hindi siya umangal kaya yun na.

Matapos ang haircut at haircolor niya ay nagmukha tuloy kaming couple. Couple goals.

"Sir bagay na bagay kayo. Couple goals." kilig na kilig ang bading.

Akala ko ako lang ang nakapansin e. Sinadya ko talaga na blonde. Hahah

"Thanks." was all he said.

Lumabas na kami bago pa pagnasahan ng bading ang captain ko. Aba! Ako lang dapat.

Ang gwapo niya tuloy lalo. Nakakainis. Lalo akong mahuhulog nito e.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan pero hindi ako pumasok. Instead I faced him and ran my fingers in his hair. Matangkad pa siya kaya tumingala talaga ako.

"Ilang months na akong nanliligaw, hindi mo pa rin ba ako sasagutin?" I pouted and tried to sound cute. Makuha ka naman oh.

He laughed and remove my hand on his head. "One month pa lang ah. Hindi naman months."

Bibitiwan na niya ang kamay ko pero hindi ako bumitaw. "Malapit na kayang mag two months." depensa ko.

"Bakit? Nagmamadali ka?" bahagyang tumaas ang kilay niya.

I smiled cutely. "Hindi naman. Para na rin namang tayo wala nga lang label."

Mabilisan ko siyang hinalikan sa gilid ng labi saka pumasok na sa loob at hindi siya tinignan. Ano? Bigla kang nahiya Lessandra.

Pumasok siya sa loob na nangingiti. "Seat belt, ma'am."

Kinabit ko naman. Hindi ko na inantay na siya pa. Kumakabog na ang puso ko ng bongga dito e.

Dahil malapit ng maggabi ay hinatid na niya ako sa dorm. Nakanakaw na ako ng halik sa kanya kanina. Ngayon din ba.

I turned to him but he's already close to me. Nanlaki ang mga mata ko. Siya naman ay may ngiti pa sa labi.

"You always stole kisses from me. This time, ako naman."

Hinawakan niya ang baba ko at inangat. His lips met mine and I swear I can hear my heart beat so loud.

Hindi ito ang first time kong mahalikan pero iba ang hatid ng labi niya sa akin. It felt soft.

He kissed me gently as I close my eyes. His eyes were already close when he kiss me. Dahil kanina pa nakaawang ang labi ko ay nakapasok ang dila niya.

Hindi ko na napigilan at humawak na ako sa leeg niya para sa suporta. His tongue inside my mouth is weakening me.

Sa halik niya ay parang hindi ako marunong humalik kahit marami ng experience. His hand on my neck and the other one on my waist.

Hindi ako mapusok pero nakakabigay ang halik niya. Then he broke it. Lito pa ako at parang bitin. He kissed my forehead.

"I need to fly to US this week. I think I won't see you for a week or more."

Nalungkot ako bigla.

Pilit akong ngumiti. His face still close to mine and our hands are not moving.

"Kailan ka babalik."

Ngayon pa lang ay miss ko na siya. Ibig sabihin ay no Wednesday date and Saturday date for me.

"I don't know yet but I'll come back before Christmas."

Tumango na lang ako. At least babalik siya diba. I hugged him. Hindi ako clingy pero minsan talaga oo.

He hugged me too. Kumawala na ako bago pa pumatak ang luha ko. I gave him my sweet and happy smile bago lumabas na. He just watched me until I reached the door and heard his engine roar to life.

Umalis na siya. Tumakbo ako sa room namin ni Gianne at nakasandal sa nakalock na pinto.

Then my tears started to flow. Akala ko ba siya ang pahuhulugin mo Lessandra. Bakit parang ikaw pa ang nahulog sa sarili mong bitag.

My hands went up to my mouth. Mabilis na lumapit sa akin si Gianne. She hugged me as I cry my heart out.

I'm a fan of love but I didn't know it hurt this bad. Nao-oa-han pa ako sa mga umiiyak sa pag-ibig tapos heto ako na iiyak naman pala.

Hindi ako tinanong ni Gianne. She just comforted me until I stop crying.

"Nahulog na ata talaga ako, Gianne."

Tumawa pa ako na parang baliw.

The Fight for Love✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon