"Less,"
Nagbigay daan si Leon at nagpaalam muna na sa kwarto lang para makapag-usap kami ni Kiela.
Nakaupo kami ngayon sa sofa at magkatabi.
"Sorry/ I'm sorry."
Nagkatinginan kami.
"No. I'm sorry. Nagsinungaling ako sayo. Hindi ko sinabi ang totoo. Hindi excuse na hindi ko naman alam na ang Felix na kinukwento mo ay si Leon pala. From the very beginning, I should've been honest. Best friend kita. Dapat nagsabi ako sayo. I'm sorry....." yumuko ako.
"Alam mo, nagtatampo lang naman ako sayo kasi hindi mo pala sinabi na may napagdaanan kang ganyan. Nung una, oo galit ako sayo and that's because I like Felix. Pakiramdam ko inahas mo siya sa akin kasi alam mo naman na gusto ko siya."
"Tapos naabutan ko pa kayo na nasa ganun na posisyon. Nasaktan talaga ako. My best friend and the man I like, kissing each other. I can't believe it."
Lalo akong na guilty at hindi nagsalita.
"Pero kinausap ako ni Felix and you know what I did? I love you that's why I offered him help to get you since he told me you're pushing him away. Alam ko kung bakit." hinawakan niya ang kamay ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. "But Less, you don't have to worry about me. I just like Felix, I'm attracted to him but not enough to love him. Siguro naririnig mo sa bibig ko siya kaya mo naisip na mahal ko siya pero hindi."
She hugged me. She really is very kind. Kahit sabihin niya na hindi siya mabait pero ramdam ko.
"Kaya ko naman magparaya, Less e. Kaya ko rin. You will always be my first choice. You are my best friend. Parang kapatid na kita. Pamilya."
Naiyak na ako. "I'm sorry, Kiela. I'm sorry."
Hinaplos haplos niya ang likod ko. "Hindi mo na kailangang mag sorry, Less. Nakakatampo ka pero hindi kita matiis gaga ka."
Humiwalay ako sa yakap niya at kita ko rin na naluluha na rin siya. Sinapak niya ako sa balikat at parehas kaming natawa.
"Kapag ibibigay mo pa si Felix sa akin ay talagang hindi na siya babalik sayo." alam ko namang nagbibiro lang siya at tumatawa pa.
"Gaga."
"Peace tayo dahil sinabi ko na fiance ko siya. Joke lang naman yun at sinusubukan lang kita kung maggigive up ka tapos naggive up ka nga. Gaga ka rin e! Mahal mo tapos ipamimigay mo? Tanga ka, Less."
Tumawa ako. "Kaya nga babawiin ko na dapat siya pagbalik ko sa Manila pero sinundan niya na pala ako. Hindi ko siya ipamimigay."
"Mabuti naman. Akala ko kapag nakita mo ulit ako ay sasabihin mo na akin na lang si Felix." umiling iling siya then she glared.
"Tungkol sa nasabi ko na gusto mo ikaw lagi ang una, charot lang yun. I know you're not like that. Nasabi ko lang. Peace." nagpeace sign siya.
"Nasaktan ako dun ah. You didn't tell me that. Tapos joke lang? Gaga ka!"
Bati na kami. I'm so happy. Kahit hindi kami gaano nag-uusap she will always be my best friend.
"Bati na kayo ni Kiela?" Leon ask when we were driving home. Mapalit ng maggabi at kailangan ko ng umuwi.
Masaya akong tumango. "Yes. Bati na kami."
Kanina ay nagpaalam na kami sa isa't isa dahil sa kanila siya uuwi at susulitin daw ang bakasyon niya.
Inaya nila si Leon na magstay pero tumanggi na siya. Mag-aayos pa raw siya ng mga gamit niya dahil babalik na bukas. Ako rin naman kaya nagkasundo na kami na sabay ng luluwas at pumayag siya na magbus kami. Ayoko siyang magdrive dahil mapapagod lang siya.
BINABASA MO ANG
The Fight for Love✔︎
RomanceI love my best friend and I can't love the man she loves. -Lessandra Izza Carolla I love her and clearly she loves me too. What's holding her back now? -Felix Leondale Manzano