Chapter 18

117 7 0
                                    

Nasa byahe ako patungong Santiago. I took the bus. Ayokong magdrive dahil nakakapagod. It's just a short vacation for me. Three days lang. Namiss ko bigla sila Mama at mga kapatid ko pati ang mga pamangkin.

Ayokong dumeretso sa bahay ng walang pasalubong kaya sa Robinsons muna ako. Nagmamadali ako pauwi dito kaya hindi na ako nakabili ng pasalubong.

I bought chocolates para sa mga bata, wine and some liquors para sa mga kapatid ko. A new set of plates for Mama, pandagdag sa collection niya at isang dosenang baso naman kay Daddy. Hindi ako sigurado kung nandoon ba ang mga pamangkin ko pero summer na kaya baka nagbakasyon siya. Hindi rin ako nagsabi na uuwi ako kaya isusurprise ko sila.

Nagjeep lang ako patungo sa bahay. Ang mga nabili ko ay nasa carton at eco bag. Hindi naman ganun karami pero mabigat. Nasa tapat pa lang ako ng gate ay nakita na ako ni Ate. Nagbakasyon nga ata sila dito.

"Issa!" sigaw ni Ate kaya halos lahat sila ay sinalubong ako. Karga karga pa ni Ate si baby Lester.

"May pasalubong si Tita." excited na kinuha ni Klea and eco bag na laman ay pagkain at chocolates.

Pinagkaguluhan naman iyon ng mga pamangkin kong tatlo. Lumabas pa si Kuya kasama ang asawa niya at limang taong gulang nilang anak na lalaki.

"Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka. Edi sana nasundo ka namin sa terminal. Nagbus ka diba?" Tumango ako kay Ate.

"Hi Kuya, Ate Levy."

"Hep. Chester ha. Tulungan niyo muna ang Tita niyo na dalhin sa loob ang gamit gamit niya bago ang pasalubong." saway niya sa ten year old niyang panganay.

"Tara muna sa loob." Si Ate Levy.

Nasa loob si Mama at Daddy na agad kong binati at kinamusta. Sa gitna ng kumustahan namin ay nabanggit ni Mama ang boyfriend ko na simabi daw ni Auntie Nida. Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko.

"Ma, kaibigan ko lang po 'yun at kaya niya lang sinabi na boyfriend ko ay para ibigay ni Auntie ang susi."

"Kaibigan lang talaga? Bakit naman siya pupunta sa apartment mo kung ganun at kailangan pa ang susi. Wala ka ba dun?" parang naghahanap ng butas si Ate sa sasabihin ko.

"Dahil nag-away kami at ayaw kong pagbuksan."

I'm a good liar ei.

"Anong pinag-awayan niyo kung ganun." hindi rin talaga titigil si Ate e. Mabuti pa si Kuya at si Ate Levy tahimik lang na nakikinig.

"Na...na sinira niya ang stethoscope ko kaya ako nagalit."

Nice story, Lessandra. Papasa ka ng best liar.

Nagdududa pa rin si Ate pero pinlagpas na ako. Sinabi ko na rin na tatlong araw lang ako at aalis na ako sa Thursday.

Ang mga pamangkin ko ay naglalaro sa sala habang kinakain ang pasalubong ko at kami naman na matatanda ay nasa kusina ay nag-iinuman. Ang sabi ay inumin na namin ang dala ko.

Wala ang bunso namin at next week pa raw siya darating. Hindi ko tuloy maabutan.

Si Mama ang nagbabantay sa mga bata habang si Daddy ay nagpapahinga na. Bawal kasi sa kanya ang mapuyat lalo na at mahina ang katawan niya.

Si Ate Chara, Kuya Jestner na asawa niya na kauuwi lang at sila Kuya Ysmael at Ate Levy ang kasama ko. Buntis si Ate Levy sa pangatlo nilang anak kaya juice lang sa kanya samatalang si Ate naman ay parang walang anak kung makalagok ng alak.

Naiinuman kami habang pinag-uusapan ang nalalapit na anniversary nila Mama at Daddy noong pumasok ang mga bata. Wala si Mama kaya baka pinatulog na niya si baby Lester.

"Mommy," the cute five years old Levi went to her Mommy and tried to sit on her lap kaya naman tinaas siya ni Kuya it pinaupo.

"Anong iniinom niyo, Tita?" Klea went to me.

"Bawal to sa bata, Chester!" saway ni Ate sa anak niya na hinawakan ang baso niya.

"Kuya, you're pasaway." came the sweet voice of Esther.

"This is liquor, Klea. And only adult can drink this." I said to her. Mukha siyang curious at sinisilip pa talaga ang laman ng baso ko.

"I want to taste it." nagulat ako sa sinabi ni Klea pero mas nagulat ako kay Kuya.

"Klea, you can when you will give me your phone for a week."

At talagang nakipagbarter pa si Kuya. Kinurot siya ni Ate sa tainga. "Tumigil ka, Ysmael. Bata yang anak mo."

Narinig naman iyon ni Chester kaya siya umalma. "Mommy, did you hear that. Pumayag si Tito kay Klea. Can I try this too?"

Parang stress na stress si Ate. "Jusko naman Kuya. Ano bang sinasabi mo. Patulugin mo na nga ang mga bata. Jester samahan mo siya." pagtaboy niya sa asawa.

"Then I want to try it too, Daddy." Si Esther naman.

Ang babata pa nila at gusto na maglasing. Naku talaga.

"Matulog na tayo, kids."

Inalis na nga nila ang mga bata sa kusina at pinaakyat sa taas.

"My God! Hindi ko ata kakayanin kapag naglasing si Chester ng ganoon ka aga. Tapos si Kuya kung ano ano ang sinasabi sa anak niya. Buti naman at mukhang masunurin naman si Klea pero hindi nagpapauto sa tatay."

Ate Levy ang I laugh at her.

"Kaya ikaw Issa, tignan mo na ang mapangasawa mo ay hindi kagaya ni Kuya na lokoloko. Uutuin pa ang anak at alak pa talaga. Ang gago talagang kapatid."

Mukha ng lasing si Ate. Madami ng sinasabi e.

"Hindi gago si Ysmael, Chara." tanggol ni Ate Levy.

"Maghanap ka ng kagaya ng Kuya mo, Issa. Yung hindi ka iiwan sa hirap at ginhawa. Ipaglalaban ka kahit sumusuko ka na at pinapalakas pa lalo ang loob mo. Ganon ang Kuya mo. He fought for us even if I gave him up."

Natamaan ako sa sinabi ni Ate. Naalala ko. Oo nga. Ate Levy is Kuya's long time girlfriend, since high school pa sila pero sikreto lang dahil strikto ang parents ni Ate at gusto na magtapos muna siya ng pag-aaral. Tutol ang pamilya ni Ate sa kanila and Ate broke up with him pero sila pa rin ang nagkatuluyan.

Napaisip din ako habang natutulog. If I fight for Leon, would that be worth it? Risking my friendship.

Nagsisisi na ba ako na tinulak ko siya palayo? Yes. He's the man I love and I don't see myself loving any other man aside from him.

This night, I finally decided to fight for him, to fight for my love.

Kakausapin ko na si Kiela. I will tell her about this. About my past with Leon. Kung magagalit siya at kasusuklaman ako, maiintindihan ko. I just want to fight for this fair and square.

The Fight for Love✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon