Nagkulong ako sa kwarto ko. Umalis din naman siya pero hindi ko lang alam kung anong oras. Basta lumabas na lang ako dahil nagutom ako at wala na siya.
That same night, Kiela came. Hatinggabi na rin noon. Nag-aalangan pa ako sa pagbukas.
Kiela is hugging me from the back while we're sleeping. Pakiramdam ko nagtataksil ako sa pagkakaibigan namin. Shit. Ang sama mo Lessandra.
Free day ni Kiela bukas kaya sumama siya sa akin sa clinic. Hindi naman ako makaalis dahil alam kong gusto niyang maggala. Marami akong pasyente today. Pero naghalf day na ako. Kawawa naman ang best friend ko. Nagyon na lang nagbreak ay magtratrabaho pa ba ako.
We went strolling to the mall like we usually do when we're in highschool.
"Issa, I will be gone for more than a week. Ano ba yan. Tapos nagleave pa si Felix. Nakakainis. Wala tuloy akong inspiration." tumawa siya.
"Yung piloto mo ba?"
"Yup." he said sipping on her shake.
"Bakit daw."
Kinabahan ako. Hindi naman siguro.
"I don't know. Wala naman siyang girlfriend or family. Hmm. May nililigawan kaya siya?"
Napaisip si Kiela na nagpakabog sa dibdib ko. Oh God. Pinagpapawisan na ako dito. De aircon naman ang mall pero shit.
"Wala naman siguro...." umiwas ako ng tingin.
"Tingin mo? Mabait naman si Captain kaya nakakapagtaka na single pa rin siya. Sino kayang gusto niya."
Shit. Ang lakas na ng tibok ng puso ko.
"Marami din kasing nagkakagusto sa kanya. I ask him one time kung gusto niyang lumabas kami he said may pupuntahan siya. Gusto kong sumama pero nakakahiya na kung magpumilit pa ako." she shrugged.
Ayokong isipin but I doubt his feelings for him. Maybe it's not that strong like mine? Kapag ba sinabi ko maiintindihan niya?
No. Umiling ako. The day I left him I made up my mind that he's not for me and I am not for him.
Sa apartment ko ulit natulog si Kiela. Ayaw daw umuwi sa condo niya dahil walang kasama. At mas gusto niya pa talaga sa maliit kong apartment kesa sa malaki niyang condo. Dapat pinagbabayad ko na 'to e.
Nagmovie marathon kami at dahil mahalay siya ay 365 Days ang pinili. Shit. Ayan tuloy natulog na ako na inaalala si Leon. That music. Nakakainis talaga.
Hindi niya daw kasi pa napapanood at samahan ko daw siya. Hindi naman siya mahalay, ngayon lang daw sabi niya.
Kinabukasan umalis na rin siya. Ang sexy talaga ng best friend ko sa uniform niya. Parang gusto ko tuloy maging flight attendant.
Nakadoctors robe naman ako. This is me. A doctor. And I'm proud of it. Naalala ko na ang nagtulak sa akin na magdoctor ay si Daddy. Ang sakit niya na kidney stone. I want to cure him. Hindi nga lang ako nakaabot dahil bago pa ako magdoctor ay nawala na ang bato sa kidney niya. Nagpatuloy pa rin ako. I learned to love my profession as I pursue it.
Huminga ako ng malalim. This is a long day. Napahilig ako sa upuan ko at pumikit. Alice and Megan were out. Ako ang magsasara today.
Gusto kong kumain sa labas kaya naman sa isang karinderya ako dumeretso. I love their chopped pork here. Masarap din ang sawsawan. Nagpaextra rice pa ako.
A tall man in his white pilot uniform came in. Agaw pansin siya dahil sa uniform niya. Umirap ako. Hindi man lang nagpalit.
Dumeretso siya sa akin at naupo sa harapan ko. Nagkakamay ako kaya medyo madumi pa ang kamay ko. Nangalahati na ako sa pagkain pero parang nawalan na ako ng gana.
BINABASA MO ANG
The Fight for Love✔︎
RomansI love my best friend and I can't love the man she loves. -Lessandra Izza Carolla I love her and clearly she loves me too. What's holding her back now? -Felix Leondale Manzano