Chapter 14

108 6 1
                                    

Pinuntahan ako ni Leon sa clinic noong lunch break. Shit.

"Doc, yung pasyente mo. Inaantay ka na sa labas."

Naiinis ako kay Alice. Pinandilatan ko na lang siya. Nasa labas nga si Leon, nakaupo sa upuan ng mga pasyente habang nag-aantay. Ayoko tuloy lumabas. Nakita ko lang naman siya kanina pero mabilisan lang dahil may kinuha lang ako.

Ngayon makikita ko na talaga siya dahil lalabas ako para kumain. Etong mga nurse ko naman ay may mga kasama na. Iiwan na ako sa ere.

"Anong ginagawa mo dito?" yan agad ang bungad ko pagkalabas sa maliit na office ko. Napatayo siya.

"Lessandra,"

Shit. The way he calls my name feels so special.

Oh no, Lessandra. Stop with your daydream.

"Sa labas tayo."

Lumabas na ako at sumunod naman siya. Ang chismosa kasi nila Alice. Hindi pa talaga umaalis kaya uunahan ko na sila.

Pumasok ako sa Pizza parlor na one store away sa clinic ko. Dito na lang kami mag-usap kung gusto niya para konti ang tao.

I ordered one large pizza, their specialty. I don't like a particular flavor. Any will do at dahil nagmamadali ako ay wala na akong oras para mamili pa ng flavor.

Naupo ako sa pangdalawahan na upuan. He sat infront of me.

"Ano nanaman ngayon, Leondale."

"Liligawan kita."

Gusto kong mabilaukan pero walang pagkain. Ano daw?!

"Hindi pwede."

"Liligawan pa rin kita."

Ang kulit lang.

"Hindi nga pwede. Ayoko."

Talaga?

Wag kang epal.

"Bakit ba ayaw mo?" nangunot ang noo niya.

Wala akong masabi.

Dahil gusto ka ng best friend ko?

Boba Lessandra! Sasabihin mo yan? Sure ka? Edi nasaktan mo na rin kaibigan mo. Ang mabuting gawin? Itulak mo siya sa kanya. Ganon. Kaya mo?

Hindi ko ata kaya. Imagining him with Kiela breaks my heart. I will be happy for my best friend pero pano naman ako. Ang kasiyahan ko.

Bakit, siya ba ang kasiyahan mo Lessandra? Are you willing to give him up. No fight?

Dumating na ang order ko hindi pa ako nagsalita. I forgot the question. Ano nga ulit yung tanong.

Nanahimik na lang ako na kinain ang pizza. Hindi naman na siya nagtanong pa.

He stood up and got some bottled water and soft drink.

Kinuha ko ang isang mineral water dahil dalawa ang dala niya at binuksan. "Thanks."

I assume sa akin ang isa. Kung umalma siya edi papalitan ko pero hindi naman.

"Can you atleast give me a chance?"

Hell yes! Yan ang sigaw ng puso ko. No ang sa isipan ko. Now what?

He's looking hopeful infront of me. Malandi naman ako pero bakit hindi ko siya malandi. Dahil nga sa kaibigan mo.

Umiling ako. "No. Layuan mo na ako."

Masakit. Oo masakit!

Masakit kaya na ipagtabuyan palayo ang taong mahal mo.

The Fight for Love✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon