Chapter 7

108 6 0
                                    

Pumasok pa rin ako sa school para asikasuhin ang papers ko for transfer. Mamimiss ko ang paligid dito. Ang madalas naming tambayan ni Gianne.

Nag-usap na rin kami ni Gianne at magkakaroon siya ng bagong roommate. Umiyak pa siya kaya nag-iyakan kami. I will miss her. Wala na akong maaasar.

Nakaempake na rin ang mga gamit ko at ready na. Gianne looked at me with her swollen eyes.

"Hindi ba talaga pwede? Pano na ang nililigawan mo."

Nagulat ako dahil ngayon niya lang nabanggit ang tungkol kay Leon. She knows I love him at siguro ay umaasa siya na iyon ang makakapigil sa akin. But no one can make me stay. Not even him...

Umiling ako at malungkot na ngumiti. "Hindi naman niya ako sinasagot." at binuntutan ko pa ng tawa.

"Pero mahal mo siya." she said that like it's enough for me to stay.

"Yes, I love him. But I can't fight for this love. Alam kong hindi ko siya abot. He's far from me. Siguro ay magiging parang isang panaginip na lang siya sa akin. Isang magandang panaginip na nangyari sa buhay ko." I smiled sadly.

"Magpapaalam ka ba?"

Ngumiti ako at umiling. I will disappear in his life like a bubble.

This is my last date with him. Nagrequest ako na sa kanya na lang kami kaya dinala niya ako sa condo niya. It's my first time going here and sadly it will be my last.

"Anong gagawin natin dito buong araw?" I ask as I sat on his large sofa.

Malinis ang paligid. May paintings din na decorations at ang theme ng buong condo ay black and white with a little light blue.

"Manood ng movie?" he sat beside me as he turn the flat screen TV on.

Sa Netflix niya dinala at hinayaan akong mamili habang nagpreprepare siya ng foods at nagorder na rin kami ng pizza and fries.

Nakalatag sa mesa ang mga pagkain habang nanonood kami ng movies. That's what we did all day. Tumatawa tuwing may nakakatawa sa movie at umiyak tuwing nakakaiyak. Ay ako lang pala ang naiiyak. Ang tigas ng pakiramdam ni Cap e.

Para na akong tanga dito. Hindi pa kami naglulunch at 2 pm na kaya pinilit na niya akong magluch kahit busog pa ako.

Hindi niya ako napilit tumayo sa sofa kaya pasta lang ang pinkain niya sa akin.

Nagsawa na ako sa movie kaya naglaro naman kami until dinner na. Shit. Bakit ang bilis ng oras kapag masaya ka. I want more time please.

Nagrequest ako na ipagluto niya ako ng favorite food niya na sinigang na isda kaya yun ang ulam namin.

At infairness ah. Masarap siya magluto. Na compliment ko tuloy.

"Marunong ka palang magluto. Masarap siya." sabi ko habang kumakain.

"Thanks. Pwede na ba?" he smirk.

"Na ano?" tawa ko.

"Future mo."

Namula ako at napainom ng tubig. Itinawa ko na lang ang kabog ng dibdib ko. "Line ko yan e."

"Pahiram muna. Future mo naman ang hihiram e."

Ay jusq po! Aatakehin ako sa puso nito e.

"Sira." tawa ko.

"Captain, nagpalipad ka na ba ng eroplano?"

"Yes. Sa training."

Sumimangot ako. "Gusto ko ring subukan."

"You want to be a pilot?" he ask a little shock.

The Fight for Love✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon