Chapter 19

117 7 0
                                    

Maingay ang mga bata na naglalaro sa labas habang binabantayan ko sila. Si Kuya ay sinamahan si Ate Levy sa check up habang si Ate ay tulog pa at ang asawa niya ay pumasok na sa trabaho.

Si Mama naman ay kasama si Tita Pam na nagchichikahan sa kusina habang nag-luluto. Daddy is on his laptop. Kaya sa akin na muna si baby Lester since ang ina niya pa ay tulog na tulog at humuhilik pa.

Baby Lester is one year old and 3 months at ang cute cute niya talaga. Ang fluffy ng cheeks. Ang gwapong bata. I was busy pinching his cheeks and playing with him when our door bell rang.

There, I saw Leon standing outside our gate looking at me. Tumingin ako sa mga bata na naglalaro pa rin pero napansin na may tao sa gate tapos binuhat ko si baby Lester at dumeretso na sa gate.

"Hi," he said and smile.

Baby Lester giggled that made us look at him.

"Leon, anong ginagawa mo dito sa bahay."

Ngayon pa na nagdecide ako na ipaglaban siya saka pa siya magpapakita. Nice timing pero nakakaduwag naman.

"Issa! Nasaan na ang baby ko." napatingin ako kay Ate na kalalabas lang sa bahay at halatang bagong gising pa.

Natigilan siya sa nakita. Shit. Ako rin naman. Nasa bahay si Leon!

Nagmadali si Ate na kinuha sa akin si baby Lester. "Hi, sino siya, Less." nakatingin si Ate kay Leon.

"Hello po," magalang na sabi ni Leon.

"Ate," tawag ko at ipapakilala na sana si Leon kaya lang ay naunahan na niya ako.

"Felix po. Nan---"

"Kaibigan ko po siya, Ate." napalakas ang boses ko.

Tumatango tango si Ate pero parang nagets na. Hindi man lang siya nakatingin sa akin at kay Leon lang.

"Okay. Kailangan itong malaman nila Mama." at umalis na siya. Kinabahan ako bigla. Baka mag-assume sila.

Hinila ko si Leon palabas ng gate bago ito isinara. Nagpunta ako sa halaman para matakpan kami.

"Bakit ka nagpunta dito? Nagpaalam ka ba kay Kiela?"

"Bakit ako magpapaalam sa kanya."

Masakit aminin pero tanggap ko naman. "Dahil fiancee mo siya."

Kumunot ang noo niya. "She's not my fiancée. Sinabi niya yon sayo?"

Naguluhan ako. Baka naman pinagloloko lang ako neto ah. "Oo. Hindi naman ako galit kaya okay lang na aminin mo. I won't give up with out fighting though."

Tumingin ako sa mga mata niya. "Listen Captain, hindi kita ibibigay sa kanya ng ganun na lang. I'm in love with you and I decided to fight for you. Pero kung pipilitin mo siya, fuck you. You fuck me twice tapos hindi mo ako pananagutan? What if mabuntis ako."

Ang nagtatagong ngiti sa labi niya at kumawala na.

"Ayoko ng broken family. I want my child to have a father. And I choose you to be the father of my children. You can't choose my best friend. Pananagutan mo ako, gago."

This sounds like a threat and I even held his collar with my right hand.

Itinaas niya ang kamay na parang sumusuko at may ngiti sa labi. "This is better than I thought, baby."

Binitiwan ko na ang collar niya.

"Are you indirectly proposing to me?"

Ganun ba ang tunog nun? Ang asumero naman niya. Hindi akk mag propropose ano. That is not me. My god, hindi ako lalaki.

The Fight for Love✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon