Chapter 24

162 7 0
                                    

Leon said he will be back tomorrow morning kaya nalungkot ako. Bukas naman ang uwi niya kaya ayos na rin.

Medyo wala akong gana na pumasok sa clinic pero inayos ko ang sarili ko dahil hindi pwedeng ganito ako humarap sa mga pasyente ko, matamlay. Pati si Megan at Alice ay napansin.

"Less baka kailangan mo munang magpahinga. Matamlay ka today."

"I agree with Alice. You don't look well. Mag half day na lang tayo Doc."

Nakumbinsi nila ako kaya half day lang kami. Medyo masama nga ang pakiramdam ko at nahihilo pa ako na napaupo sa sofa sa apartment ko. Dito na ako dahil mas malapit at makakapagpahinga ako agad.

I'm feeling dizzy and I have a feeling about this. I'm a doctor I know this but to make sure I ask Razor for a favor.

Nagtext ako sa kanya na nahihilo ako at kung pwede ay dumaan sa drug store. Buti at wala siya sa operation at may isang oras pa siya.

Iniwan kong bukas ang apartment ko. Sinabi ko lang ang floor at kung pang-ilan na pinto dahil hindi pa siya nakakapasok sa loob. I don't let him at hanggang hatid lang siya sa baba at sinisiguro ko na wala si Auntie Nida bago pumayag na ihatid niya dahil may kotse naman ako.

Bumukas ang pintuan at dumating si Razor na hinihingal. "What the hell Lessandra! Pregnancy test? Sinong tarantado ang ama?!"

Nagulat ako sa boses niya dahil tanging okay lang naman ang reply niya sa text ko at darating daw siya dahil in the next hour pa ang operation.

Tumayo ako pero biglang nahilo kaya napahawak ako sa braso niya na sumalo sa akin. Maayos niya akong pinaupo ulit.

"Buntis ka?"

"Titignan ko pa lang."

Inabot ko ang paperbag sa kamay niya at dahan dahang tumayo para hindi mahilo.

Seryoso ang mukha niya pagkalabas ko ng banyo habang hawak hawak ang tatlong pregnancy test na iba ibang brand. Ilang minuto pa bago lumabas ang result.

I smiled awkwardly. Hindi ko alam kung anong iniisip niya sa akin lalo na dahil hindi naman niya alam na may boyfriend ako at lalong hindi niya kilala si Leon.

"Do you have a boyfriend?"

Tumango ako at naupo sa pang-isahang sofa. "Sorry hindi ko nasabi sayo. He has a flight today."

"Pananagutan ka ba niya?"

Siguro concern lang siya sa akin. He's my friend too. Ngumiti lang ako. I also don't know the answer.

"The heck Lessandra. Hindi mo alam? Gagawa kayo ng bata tapos hindi ka niya pananagutan? Gago ako pero kapag nakabuntis ako which is hindi mangyayari dahil maingat ako ay pananagutan ko. Boyfriend mo pa siya. Ano sa sarap lang kayong dalawa?"

Tumawa ako ng konti para kumalma siya. "Hindi pa naman sigurado Razor e. Baka masakit lang ng ulo ko."

Although I have a high feeling its not.

Ngumiti siya ng sarkastiko. "Yeah right, doctor." diniinan niya pa ang salitang doctor.

I glance at the pregnancy test on my hand and I don't know what to say. Oh my gosh! I'm pregnant!!

Hinawakan din ni Razor ang kamay ko at tinignan ang test dahil sa nakitang reksyon ko.

My tears are forming and I can't explain what I'm feeling. I just know I'm happy. It's overwhelming. Napaiyak pa ako.

Razor kept quite and he's my least of concern for now. My baby.....

Napatigil lang ako sa pag-iisip sa baby ko noong bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang hindi ko rin inaasahan na paparito. It's Ate Frances.

The Fight for Love✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon