Chapter 17

118 7 0
                                    

Doon pa lang ako natauhan sa pag-alis niya.

"Kiela!" I shouted and ran.

Hindi ko na pinansin si Leon na sinigaw din ang pangalan ko. Bumaba ako ng hagdan at pilit na inabutan si Kiela kaya lang ang bilis niya at pinaharurot na ang kotse paalis bago ko pa siya maabutan.

Napaupo ako sa semento at naiyak. She's gone. My best friend left me. Siguradong galit na galit na siya sa akin. Traydor ako. Malinaw nga naman na sinabi niya sa akin na gusto niya si Leon.

"Lessandra," lumuhod si Leon sa harapan ko at pinunasan ang luha ko pero pinalis ko ang kamay niya.

Siya ang may kasalanan nito e. Kung sana linayuan niya na ako hindi kami aabot sa ganito.

I pushed him and he sat on the floor. "I hate you so much. Tigilan mo na kasi ako! Lumayo ka na!"

Tumayo na ako at tumakbo patungo sa apartment ko. I locked my door and cried on the floor.

My best friend. Iiwan na ba niya ako? We were like sisters. We met in highschool and we've been best friends. I can't loose my best friend.

Nagflash back sa akin lahat ng memories namin together. Our mall time, review time, kalokohan at mga konting away din na maliliit lang, konting tampuhan. Our small conversation together and happy times.

"Ihahanap kita ng piloto na mapapangasawa habang ihahanap mo naman ako ng doctor."

Iyon ang sabi niya noon. I took STEM and she took HUMSS. She pursued my childhood dream and that time I want to pursue it with her. Naiinggit ako pero Doctor pa rin ang pinili ko.

I finally found a pilot, Kiela but you like him too. I will give him up. That is how much I love you.

She is my only true friend. Kasali na rin si Angel. They are my best friend but I love Kiela more. I love her but can I really give up the man I love for her? Kaya ko ba? Para sa kanya?

Kailangan bang malaman ni Leon? Leon....

The next day late akong pumasok. Razor invited me for a lunch na pinaunlakan ko naman. Maaga siyang dumating kaya maaga rin ang out ko. I don't know if Leon came too.

"Honey, can you pass me the tissue." kahit abot naman niya ay inabot ko na lang.

"Thanks. Mukha kang malungkot, honey."

Naalibadbaran ako sa honey niya. At napansin pala niya so I tried to make myself look happy by smiling. "Hindi naman ah. And can you please stop calling me honey. May pangalan ako, Razor and it's not honey." ngiwi ko.

"May pangalan din ako, honey and it's Saito not Razor. Pero dahil ikaw ay papayag na akong tawagin mo ako sa apelyido ko."

"Mukha naman pangalan ang Razor e." pagdahilan ko.

"Yes and mukha naman ding pangalan mo ang honey e."

Ay putek. Gaya gaya talaga siya.

"Nye. Ano ako. Uto uto? Gago 'to." natatawa kong sabi.

"'Tong gagong 'to ay gwapo." his voice is full of playfulness as he wink.

Binato ko siya ng tissue at tumawa. Pwede na siyang clown.

Kaya lang ay napanis ang tawa ko sa nakitang papasok sa restaurant. Kiela and Leon were together for lunch.

Umiwas ako ng tingin dahil nagkatinginan kami ni Leon, he look cold. Si Kiela rin na tinignan ako ay umiwas lang ng tingin na parang hindi ako kilala.

Shit. Masakit.

Seeing them together breaks my heart into pieces.

"Doc Carolla?"

Napabalik ako ng tingin kay Razor. "Huh?"

Napailing siya. "Tulala ka dyan."

Ngumiti ako. Wala na akong gana. Kalahati pa lang ang nakakain ko. "Busog na ako. Alis na tayo?"

"Agad agad? Hindi mo pa ubos ang pagkain mo ah." alma niya pero ayoko na.

Tumayo na ako. "Wala na akong gana." pero hinila niya ako paupo.

"Kumain ka muna. Masama ang nagpapalipas ng gutom. Doctor ka. Dapat alam mo yan." at pinangalaran pa ako.

"Kumain naman ako."

I just really want to get out of this restaurant. Pakiramdam ko ang sikip dito. Bakit ba kasi sa dinami dami ng restaurant ay dito pa sila kakain. Hindi naman 'to high class. Dapat doon sila dahil doon sila nababagay. Sa pangmayaman.

Nakikita ko sa mata niya na aangal pa siya pero nag-iwan na ng pera saka ako hinila palabas.

"Ihahatid na kita sa clinic mo."

Binuksan niya ang pintuan ng kotse niya. "Thank you sa lunch."

"At hindi pa yan ang huli. Liligawan kita remember? Hindi nga lang kita nadalaw madalas noon pero ngayon ay---"

"H'wag mo na akong ligawan." putol ko sa sasabihin niya. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

"Ayaw kitang paasahin. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa'yo. Razor, may iba pang babae dyan. Hindi ako. I have live my life for someone already." napayuko ako. And he's not for me too.

Natahimik siya. "Are you rejecting me for real now?"

Naaawa ako sa kanya. Nagawa niya pang ngumiti at magbiro kahit alam ko na nasasaktan ko siya. Tumango ako.

He chuckled. "Fuck. Ang sakit pala."

"But we're still friend right?" he ask.

"Yes. Magkaibigan pa rin tayo unless gusto mo akong iwasan." I smile a little. Maiintindihan ko naman iyon.

Umiling siya. "Kahit sinaktan mo ako, hindi kita iiwasan."

Sana ganyan din si Kiela. Gusto ko na mag-usap kami pero alam ko na kailangan muna niya ng oras. Kailangan ko ring isipin ng mabuti ang sasabihin ko.

Hinatid nga niya ako sa clinic at nagdecide ako na maaga ang out today.

I push them all away. Thank God Razor still stayed pero alam ko na mahihirapan siya kaya hindi muna ako magpapakita sa kanya.

Pagdating sa apartment ko ay nakita ko si Kiela na nakatayo sa harap ng pintuan ko.

I called her name in a low voice but as of she heard it that she turned to me.

Nagmadali ako palapit sa kanya kaya lang ay napatigil noong malapit na ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Ibibigay mo na sa akin si Leon diba? Good 'couz I won't forgive you for betraying me." ang lamig ng pagkakasabi niya.

Parang hindi na siya ang best friend ko. Parang ibang tao na siya. Isang lalaki lang na ang sisira sa aming dalawa?

"Ahas ka. Pagkatapos mo siyang gamitin ibibigay mo na sa akin? Anong tingin mo sa akin? Tapunan ng basura mo? Kahit noon ay ganyan ka naman na e. You always want to be the first kaya kapag nagpapatulong ako sayo ay hindi mo binibigay ang best mo. Tinatago mo lang tapos kapag sayo ay binubuhos mo na lahat. Ganyan ka bang kaibigan? You're so selfish. You always want to be the top one."

Napatulala ako sa sinabi niya. Ganyan ba ang tingin niya sa akin?

Sa lahat ng tulong ko sa kanya ganyan ang iniisip niya? Na I don't give my best? No....minsan nabubuhos ko na sa kanya ang creative ideas ko na wala na akong maisip para sa akin.

Gusto kong idefend ang sarili ko pero nanatiling tikom ang bibig ko.

"Thank you for talking good care of my fiance. Ngayon, ako naman." and she left me with her bitchy attitude.

Fiancé?

Sila na agad? I can't believe it. Ang bilis naman.

Malamang, Lessandra. I smiled bitterly as I went inside my apartment. Wala pang isang araw noong pinatigil ko si Leon ay may iba na siya. Baka noon pa. Bakit niya pa ako niligawan. Gago din siya e.

The Fight for Love✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon