CHAPTER ELEVEN

389 17 0
                                    

AIKA'S POV

[Hello, Cousin? Ready na ang lahat. Ang gawin niyo nalang sa ngayon ay maghintay.]

“Okay, good.” malamig kong sagot.

[Parating na siya. About 10mins ay nariyan na siya sa kinaroroonan niyo.]

Binaba ko na ang tawag. While waiting, I started to count in my head.

At ilang minuto pa ay nakita ko na ang sasakyan niya mula sa malayo.

Kaya pinaghanda ko na ang tatlong kasamahan ko, pawang mga lalaki.

“I'll count ‘3’ pagkatapos ay saka kayo magpapakita at gagawin ang napag-usapan. Maliwanag ba?”

Tumango naman sila kaya natahimik na kami.

Papalapit na siya.

Then I start the countdown.

‘1’
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
‘2’
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
‘3’

___

GLAIZA'S POV

[Hello, Sisterbes! Where are you?] tanong ni Giselle, ng masagot ko ang tawag.

“I'm on my way there.”

[Okay, I'll wait for you here. Take care.] ani niya at nauna ng magbaba ng tawag.

Binaba ko na din ang phone at nagpatuloy sa pagmamaneho hanggang sa narating ko na ang school ko.

‘Ang school na pag-aari ko.’

___

Nandito na ako ngayon sa hideout namin.

‘It's nice to be back in here.’ nasabi ko na lang sa isip ko habang nililibot ng paningin ko ang lugar na ito.

‘Tss, wala pading pinagbago.’

___

LORAINE'S POV

Inoobserbahan kong mabuti ang mga kilos niya. Mula sa pananamit niya, sa pananalita. Parang bumalik siya sa dating Glaiza.

At simula ng dumating siya, nililibot niya na ang paningin niya sa kabuhuan ng hideout namin, na para bang ngayon lang siya ulit nakapasok dito.

Binubusisi at tinitingnan niya ang bawat gamit at kung may nagbago ba dito o wala.

Nagkatinginan kami ni Athena. Dahil alam kong nagtataka din silang tatlo sa iniaasta ni Glaiza ngayon.

“So, let's start?” tanong niya na ang tinutukoy ay sparring.

Tumango naman kami at pumuntang lahat sa practice room.

“Okay. Sinong mauuna?” tanong ulit ni Glaiza, nang makarating kami sa practice room.

Nagkatinginan kaming apat at walang gustong mauna dahil lahat kami takot sa kaniya pagdating sa laban.

Pero ngayon alam kong isa lang ang nasa isip namin.

Kaya habang nakatalikod siya sa amin ay sinugod namin siya ng sabay.

___

THIRD PERSON'S POV

Sabay sabay na sumugod ang apat kay Glaiza at inaasahan niya na ito, kaya tumalon siya at nagacrobat sa ere para maging maganda ang pagbagsak niya at hindi siya matamaan ng mga ito.

THE MYSTERIOUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon