CHAPTER SEVENTEEN

353 16 0
                                    

AIKA'S POV

Maaga akong nagising dahil ngayon na ang simula ng Intramurals namin.

Naligo na ako at nagbihis.

Isinuot ko naman ang uniform namin sa archery. Red yung kulay sa likod at other half ng shirt, and grey naman ang remaining half, nakaslanting ang arrangement ng shirt sa harapan at V-neck siya, para makagalaw daw kami ng maayos. And wala namang problema sakin yun.

Bumaba na ako at nadatnan kong nagluluto si Coreen.

After how many days, ngayon ko lang siya ulit nakita.

“Morning, Cousin.” ani ko at natigilan naman siya.

‘Tss.’

“Morning din Cous, kain na?” kapagkuwan ay nakangiting sabi niya.

Nang makaupo ako ay hinawakan niya ako sa sentido at tiningnan kung may lagnat ba ako.

“Wat ben je aan het doen? (What are you doing?)”

“Ben je ziek? (Are you sick?)” tanong niya sa akin, out of nowhere.

“Natuurlijk niet. (Of course not.)” bulalas ko.

“Ano bang nangyayari sayo?” dagdag pang tanong ko sa kaniya.

“Niets. (Nothing.) Parang milagro kasi na nagsalita ka ng mag-isa at nakangiti pa?” natawa nalang ako sa sinabi niya.

Pagkatapos naming kumain ay naghanda na  kami ni Coreen papuntang G.Z.A. dahil may Opening Ceremony pa, at kailangang nandoon nakami dahil mamamanata pa ang mga official players and coaches as well as mga technical officials.

___

Nandito nakami ngayon sa school at 8:30 na, 30mins nalang at magsisimula na ang ceremony.

“Anong oras ang laro mo?” tanong sakin ni Coreen.

“1 in the afternoon. You?”

“Same Cousin, sayang di kita mapapanood. Galing mo pa naman diyan.” ani niya pa ulit.

“Tss. Shut your mouth.” malamig kong sabi at natahimik naman siya.

Naghiwalay na rin kami ni Coreen pagkarating sa Gymnasium dahil dun siya pupwesto sa mga kasamahan niya sa chess at ako rin sa archery.

8:45 na at 15mins nalang magsisimula na. Nandito na kaming apat, maliban kay Aziria na ngayon ay hinihintay namin.

‘Tss. Pambihirang Captain, nauna pa ang members niya sa kaniya.’

Nang biglang umingay ang crowd.

‘Ang ganda ni Ms. Glaiza.’

‘Nginitian ako ni Athena.’

‘OMG! I want to be friends with them.’

‘Ang cute mo Farah.’

Kaya pati kaming apat ay napatingin sa kanila. At kompleto na pala sila.

‘Sikat kana pala sa katauhang ninakaw mo. Pwes, magpakasasa kana diyan, dahil malapit na yang mawala sayo.’

___

THIRD PERSON'S POV

Habang naglalakad ang lima ay ramdam ni Glaiza ang kakaibang titig sa kaniya.

Nagpalinga linga siya at nakita niya ang isang babaeng nakatitig sa kaniya.

Makikita sa mga mata nito ang galit. At alam ni Glaiza na nagpipigil lamang ito ngayon.

THE MYSTERIOUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon