CHAPTER FOURTEEN

386 19 0
                                    

XOCHITL'S POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ng babaeng yun sa akin.

Pero tama ang hinala ko, mag-isa lang siya, ngunit napatumba niyang lahat ang mga kasama ko, maliban sa akin.

At malakas siya, magaling din siya sa tactics kaya napakadali sana sa kaniyang patulogin din ako, pero hindi niya ginawa.

Bakit kaya? Anong dahilan? At sino siya?

Naalala ko pa ng makita ko siya uli sa elevator.

*FLASHBACK*

‘What the hell, She slapped me?’

Damn, hindi ako makapaniwala. Ni hindi nga ako mahawakan ng ibang babae, pero siya sinampal lang ako?

Pumasok ako ng elevator na nagngingitngit pa rin. Papunta ako sa unit na nakalaan para sa gang namin.

May kaniya kaniyang unit ang mga gangs dito. Ganyan kaelegante at kayaman ang council.

Nang bigla akong napatingin sa katabi ko.

‘What the hell? Siya? Anong ginagawa niya dito?’

“What are you looking at, Dark Emerald?” ani ng babae at nakangisi sa akin.

“Hindi ka parin ba makapaniwalang nasampal kita?” dagdag pa niya at saka tumawa na parang timang.

‘Tss.’

Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ko na lang ang cellphone ko.

Nang maalala kong eh text si Kath.

:Hi Kath, how are you? Long time no text. HAHA!

Narinig kong tumunog din ang cellphone niya pero di ko na lang pinansin.

Tumunog ang phone ko.

{Hello Xochitl. Oo nga busy kasi ako this past few days.}

Napangiti ako at agad na nagreply.

:It's okay. We're the same tho. Can I call you?

Narinig kong tumunog nanaman ulit ang phone niya.

Ilang minuto na ang nakalipas pero di parin siya nagrereply.

‘Baka wala ng load.’ sa isip ko at idinial ang number ni Kath.

Narinig ko namang tumunog ang cellphone ng babaeng nakalaban ko kanina.

Awkward man pero ako ang naunang magsalita.

“You should take that call. Baka importante yan. Don't worry, I don't mind.”

Narinig kong bumulong siya, pero hind ko maintindihan, dahil mukhang ibang lenggwahe ang gamit niya.

‘Wow, mukhang taga ibang bansa pala itong nakalaban ko.’

“Hindi naman gaanong importante ito.” sabi niya kapagkuwan, at saka iniend ang tawag.

Nakita kong inioff niya ang phone niya at saka ibinulsa.

Hindi naman sumagot si Kath sa unang pagtawag ko.

I tried to dial her number again. But nakapatay na ang phone niya ngayon. Tiningnan ko ang babaeng katabi ko at papalabas na pala siya.

Don't tell me...

Hindi nagkataon lang siguro yun. Paano naman niya malalaman tong council eh masyadong private ang grupong ito.

*END OF FLASHBACK*

THE MYSTERIOUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon