CHAPTER 38

259 10 0
                                    

GILLIAN'S POV

Napabaling ang paningin ko kay Mama Zerina sa sinabi niya.

“Yes, Hija. Tama ang narinig mo. Kambal mo ang susunod na Empress.” sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Is it really true, kaya?

Ayaw kong maniwala kaya tinawanan ko lang sinabi niya. “Come on, Ma. I know you're kidding. Don't be hilarious, please.”

“I'm sorry, Hija. But, I am not fvcking kidding.”

Nakita ko naman sina Mommy at Daddy na papunta dito sa  gawi namin.

“Oh, here they are. Good, nagkita-kita na pala ang Buena Familia.” at napuno ng malakas na tawa ni Mama Zerina ang buong paligid.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya pero... totoo kaya 'yon?

___

AIKA'S POV

Nakita kong papalapit na sina Mommy at Daddy dito.

“Oh, here they are. Good, nagkita-kita na pala ang Buena Familia.” at saka malakas na tumawa ang kapatid na hilaw na Mommy. Para itong nababaliw na demonya. Piste!

Tiningnan ko ito ng masama habang inalalayan ako ni Emerald na makatayo. Nang maayos na ang pagkakatayo ko ay pinabalik ko na kaagad ang aking nobyo sa aking mga kaibigan.

“Are you okay, anak?” tanong kaagad sa'kin ni Mommy, nang makalapit sila sa akin. Tumango ako kahit alam kong hindi siya naniniwala.

At tama nga ako, sapagkat inilibot niya ang paningin sa aming lahat bago nagsalita. “Sino ang may gawa nito sa susunod na Empress?” seryusong usal niya.

“Ako, mom.” malamig na tugon ng aking kambal kuno. “Now, I'm so eager to know on what will you do to me, since sinaktan ko lang naman ang pinakamamahal mong anak. Is the reigning empress really capable to kill?” nang-iinsulto pang dagdag ni Ate Jill.

“Of course! And I will show you what you're looking for, right here, right now.” kaagad na binunot Mommy ang baril niya at pinaputukan si Ate sa kaniyang hita.

Dumadaing at naghihingalo akong lumapit sa aking ina, “Mom, t-tama na. H-Huwag mo ng sasaktan si A-Ate, huwag mong saktan ang k-kak-kambal k-ko.” Napatingin sa akin si Mommy ng may pagpatataka.

“Anong pinagsasabi mo, Glainnys Zabella? Wala kang kambal at hindi ka nagkaroon ng isa, kahit kailan.”

“'Yon ang akala mo Zara!” biglang sabat ni Tita Zerina.

“Ate Zerina, ang taksil kong kapatid. Ano namang pakulo 'to?”

“Kung 'ganon ay wala talaga kayong alam.”

___

ZARA'S POV

“Kung 'ganon ay wala talaga kayong alam.” I know this is one of her schemes na naman. Gosh, hindi na talaga nadadala 'tong kapatid ko.

Walang emosiyon ko siyang tiningnan at ilang sandali pa ay nagsalita siyang muli.

“Nanganak ka noon sa kanila, Zara. And to tell you honestly, kambal talaga ang anak mo. Binayaran ko lamang ang mga doctor at nurses na nagpaanak sayo.” nakangising tugon ng aking kapatid.

Pinigilan ko ang emosyon kong kumawala at pilit na pinakikinggan ang mga sinasabi niya.

“Unang lumabas si Zabella, pagkatapos 'non ay nawalan ka ng malay after mo siyang makita. Pero  ilang sandali pa ay sinabi ng Doctor na may sanggol pa sa sinapupunan mo. Maging ako ay nagulat sa nalaman dahil kahit sa ultrasound mo ay hindi ito nakita.”

Napasinghap ako sa narinig ko. Pati narin si Goneril at ang mga taong nasa paligid namin.

“Dahil wala ka ng malay ay cinessarian kana nila na pinahintulutan ko na rin para maligtas ang isa pang bata. Mahina ang kapit ni Zaniyah noon kaya hindi siya umiyak ng lumabas na siya. Ang buong akala ko ay patay na siya dahil hindi man lang siya umiyak. Ngunit, ang sabi ng doctor ay humihinga pa siya. Ipinaincubate ko siya dahil nga sa hindi normal na paghinga niya. Pero hindi ko ipinaalam sa inyo na may kambal si Zabella. Palibhasa ako ang nasa tabi mo ng manganak ka kaya ako lang ang nakakaalam nito dahil binayaran ko na ang mga doctor para manahimik.”

“Hayop ka! Wala ka talagang puso, Ate! Paano mo nagawa sa akin 'to?!” nginisihan niya lang ako at nagpatuloy.

“Nang matiyak kong maayos na siya ay dinala kaagad ko siyang dinala sa France para doon siya lumaki. Dinala ko siya sa isang bahay natin doon na gawa sa kahoy sapagkat hindi ko gustong makita niya ang sariling mukha. Pati ang lahat ng mga kagamitang may kaugnayan sa salamin niya ay itinago ko sa kaniya. Inalagaan ko siya at itinuring na anak dahil alam kong magagamit ko siya pagdating ng panahon. Nang magkaisip na ang batang 'to ay tinanong niya 'ko kung bakit wala kaming mga gamit na salamin 'gayung mayroon naman kaming pera pambili. Sinagot ko lamang siya na hindi ko gustong makita niya ang pangit na hitsura.”

Dahan-dahang tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya.

“Nang maaari ng iparetoke ang mukha niya ay ginawa ko na ang matagal kong plano. Ipinaiba ko kuno ang mukha niya ngunit hindi iyon totoo, sapagkat kamukhang-kamukha niya na ang susunod na emperatris. Umuwi ako ng Pilipinas kasama siya at ang bago niyang mukha daw, ng palihim. Isinagawa ko ang plano ko. Sinabi ko sa kaniyang kailangan naming magkalayo pansamantala. Hindi siya pumayag 'nong una pero ginawa niya rin dahil ayaw niyang magalit ako sa kaniya.”

Patuloy sa pagdaloy ang luha ko. Napakawalang-puso talaga nitong kapatid ko! Gosh! Ang isang anak ko.

“Ginawa ko siyang gusgusing bata para ampunin niyo siya. Hindi ko rin siya pinabinyagan at binigyan ng pangalan dahil hindi naman siya akin. Sinabihan ko rin siyang 'wag ipagsasabi ang tungkol sa akin... 'Nong una nangulila ako sa kaniya dahil napamahal na rin ako sa bata pero kailangan kong maisakatuparan ang lahat ng plano ko. At kailanman ay hindi ko nalimutan ang dahilan kung bakit ko siya inampon.” ani niya at saka pagak na natawa. “Ngayon Zara, magagawa mo pa bang saktan ang sarili mong anak?”

Tuluyan na akong humagulhol. Ramdam kong inalalayan ako ni Goneril pero patuloy sa pagdaloy ang mga luha ko.

“Ang anak natin, Goneril. Ang anak natin.” nanghihinang sambit ko sa kaniya.

“Hush! Hush! Huminahon ka Empress, baka inuuto lang tayo nitong kapatid mo. Come back to your senses, please.”

Patuloy ako sa pag-iyak. Alam ko, nararamdaman ko, anak ko talaga si Gillian. Anak ko talaga ang batang noon ay inampon ko lang. At gusto kong isatinig iyon kay Goneril, pero hindi ko magawa dahil namamalisbis pa rin ang mga luha sa pisngi ko.

Naalerto kaming lahat nang may narinig kaming putok ng baril malapit sa'min.

___

AIKA'S POV

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko ngayon lang. Kung ganon ay totoong may kambal ako, at si Ate Gillian iyon.

Lumapit ako sa aking kapatid at niyakap siya ng napakahigpit, gumanti naman sa'kin ang bruha.

Hindi ko akalain na ito ang magtatapos sa alitan naming dalawa. Pero sana, ito na nga ang katapusan.

Ngunit, akala ko lang pala 'yon dahil ilang sandali pa ay nakarinig kami ng pagputok ng baril sa gawi namin.

I immediately frozed and in a few seconds, black invaded my wholeness.

___



THE MYSTERIOUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon