CHAPTER 26

330 14 0
                                    

GLAIZA'S POV

Nandito ako ngayon, kasama ang mga kaibigan ko at si Coreen sa hideout namin.

Umalis na sina Mommy at Daddy together with Ate Gillian, dahil bisita lang talaga ang sadya nila sakin, well pwera nalang kay Ate, at saka bigla rin kasing bumuhos ang ulan, kaya hindi narin sila nagtagal.

Napailing nalang ako nang ng maalala ang reaksyon ni Mommy kanina nung makita ako.

'Tss. OA masyado.'

Nabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Farah.

“Pero G. Bakit hindi ka nagpakilala sa'min?” tanong niya.

“Saka kailan kalang nakabalik? And bakit ginaya ni Ate Jillay ang pagkatao mo?” hirit naman ni Giselle.

Napabuntong-hininga nalang ako, “Wil weten? (Wanna know?)”

Sabay sabay naman silang tumango, at inaasahan ko na iyon.

Napatingin naman ako kay Coreen na ngayon ay nasa mga gadgets area namin, at nakatingin din pala siya sakin.

Nginitian niya lang ako, saka nagpatuloy sa pagtingin-tingin doon.

“It's okay G. kung hindi mo pa kayang magsabi sa'min.” biglang sabi ni Loraine, kaya napabalik ang tingin ko sa kanila.

Ngumiti lang ako and mouthed ‘It's okay’ to her.

Napabuntong-hininga ako ulit bago nagsimulang magsalita.

Paano ko ba sisimulan ang mga pinagdaanan ko sa kamay mo, Ate?’

___

LORAINE'S POV

Natahimik kaming lahat nang magsimulang magkwento si Glaiza, pagkatapos nang ilang buntong-hininga.

I know na mahirap ito para sa kaniya dahil ayun sa nalalaman ko ay sobrang close silang dalawa at halos hindi na nga mapaghiwalay.

‘Tsk. Kami nga, eh hindi makapaniwala, si Glaiza pa kaya, na mismong kapatid niya ang nagtaksil sa kaniya.’

Nag-eempake ako noon pauwi rito, nang bigla siyang tumawag na kailangan niya daw ang tulong ko. Hindi naman ako nagdalawang-isip pa, kasi siya yun eh, Ate ko yun. Tumutulong nga ako sa ibang tao eh, tapos siya na pamilya ko at kasabay na lumaki eh hindi ko tutulungan? Napakaunreasonable ko naman pagnagkataon.” ani niya at pagak na natawa sa huling sinabi, pero nakita kong namamasa na ang mga mata niya.

'Ito ang unang beses na makikita ko siyang umiyak 'pag nagkataon.'

"Pagdating ko dun sa isang bakanteng bodega na pinapuntahan niya sakin ay nakita ko siyang nakagapos at nasa mismong gitna. Eh ako naman si tanga, hindi nag-iisip. Basta nalang akong kumaripas ng takbo dun at dali-dali siyang hinubaran. Nahubad ko na noon ang lubid na nakatali sa kamay niya, kaya nagsimula na akong kalagan siya sa paa. Nang may biglang pumalo sa ulo ko. Hindi na ako nagulat doon, dahil ramdam ko na kanina pa may nagmamasid sakin, simula palang ng pagpasok ko. Doon ako nagulat nang hindi ko man lang naramdaman ang paglapit ng kung sino sa akin, yun pala ay ang mismong tinutulungan ko ang siyang may pakana rin ng lahat... Ha! Hindi ko inakalang nagpalaki kami ng ahas sa pamilya namin!" ani ni Glaiza.

Napatingin naman ako sa mga kamay niya na nakakuyom, sanhi ng galit na nararamadaman niya ngayon, at hindi ko siya masi-sisisi, dahil maski ako man ay ganyan din ang mararamdaman kung mismong kapatid ko ay tinraydor ako.

“Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog nung mga panahong yun, basta nagising na lang ako na nasa ganoong posisyon kagaya ng kung paanong dinatnan ko siya, at nakagapos ng mahigpit ang kamay at paa. Pamilyar sa akin ang lugar na iyon dahil minsan na rin kaming dinala dun nina Mommy noon. At hindi nga ako nagkamali, yun ang isa sa mga rest house namin...”

THE MYSTERIOUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon