XOCHITL'S POV
“Boss. Pinapatawag ka ni Emperor.” sabi ni Xevi, pagkatapos ng laro namin.
“Bakit naman daw?”
“I don't know, baka dahil sa pagkapanalo mo. Ibibigay niya na siguro ang bagong task mo, para maging ganap kanang tagapagmana ng trono at para makilala mo na din ang Empress na magiging fiancé mo.” pang-aasar pa ni Xevi.
“Tss. Anong oras?”
“10pm. Sharp.”
Tumango nalang ako.
Ano kayang task ang ibibigay sakin?
Pero, natitiyak kong pahihirapan ako ni Emperor.
___
AIKA'S POV
Pang-apat na araw na ng palaro ngayon.
At mabuti, dahil wala pa akong talo.
Ngunit kagaya ni Farah ay natalo ko na din si Loraine nang nakaraan.
*FLASHBACK*
Nasa third set nakami at tie ang score. ‘1-1’ at 150m ang layo.
Pero sa pagkakataong ito kailangan kong manalo para makalaban ko si Glaiza.
Huling tira na namin at ako ang mauuna. At kagaya ng palagi kong ginagawa, sinulyapan ko ang target, at pagkaraan ng ilang minuto ay naka in position na ako. Nang makuha ko na ang tamang pwesto na kinalkula ko ay binitawan ko na ang palaso na nasa kamay ko.
‘10’
Si Loraine na ang susunod. Bumaling ako sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa akin at nagtataka.
Ngunit, tumira naman siya kaagad. At hinintay kong makalapit ang arrow sa board para sa puntos niya.
‘8’, sa isip ko. At hindi nga ako nagkamali dahil ‘8’ nga ang naging puntos niya.
Tinawag na ng emcee na ako ang nanalo at binati naman niya ako.
“Congrats, tama nga si Farah para kang si Glaiza kung maglaro.”
Tiningnan ko lang siya at hindi na nag-abalang sumagot.
*END OF FLASHBACK*
At ganun din si Athena kahapon.
*FLASHBACK*
Pangatlong araw na ng laro at si Athena ang kalaban ko ngayon.
Nasa third set na kami at siya ang mauunang tumira.
Parehas pa din ‘1-1’ at 150m ang layo.
Nandoon ang apat sa gilid at nanonood ng laro namin.
Pati narin ang grupo ni Xochitl at ang isa sa mga kaibigan nito ay titig na titig kay Athena.
‘Tss. Ganyan na ganyan din kahapon ang paningin ng isa sa kanila kay Loraine.’ nasabi ko nalang sa isip ko at napailing.
Sigurado akong crush ng mga yan ang mga ‘kaibigan’ ni Glaiza.
Nakatira na pala si Athena at hindi ko man lang namalayan.
‘8’
Naghanda na ako para sa katapusan kong tira.
Ginawa ko naman ang tactic na palagi kong ginagawa. Pero nang akmang titira na ako ay ramdam kong nakatingin na naman ang leader nila sa akin.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS NERD
Mystery / ThrillerGlainnys Zabella Quinn, mas kilala sa tawag na Glaiza, only daughter of Zara and Goneril Quinn. Masaya na ang buhay niya dahil nag-iisang anak lang siya. Pero lahat ng iyon ay nagbago simula ng dumating ang nerd na nagngangalang Aika. Sino siya at...