CHAPTER 25

319 15 0
                                    

GLAIZA'S POV

Hindi ako nakaimik, at ganun din ang buong Cafeteria.

Pero ilang sandali pa ay bigla itong umingay.

'Did I heard it right? Tinawag niyang Ate si Miss Glaiza?'

'Bakit niya tinawag na ate si Ms. Glaiza?'

'Magkaano ano sila?'

Napapikit nalang ako sa sobrang inis.

'Damn it! Bakit ngayon pa? Kung kailan kami na ni Yuan.'

"Bakit hindi mo sila sagutin Ate? Magkaano ano nga ba tayo?" ani ni Aika, na may mapaglarong ngisi sa labi.

"Ano na naman bang drama to? At saka anong 'Ate' ang pinagsasabi mo diyan? Eh ngayon lang kita nakilala. You're insane, are you?"

"HAHAHA! Maang maangan Ate Yan? And what about me? Nalimutan mo din ba ako?"

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

'Bullshit! Humanda kayo sakin.'

Nang biglang magsalita ulit si Aziria.

"Wag kayong maniniwala sa nerd na yan, sinisiraan lang niya si Miss Glaiza sa atin."

Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi niya, kaya napangisi ako.

"Pero paano kung kaming mga kaibigan niya ay ang magpapatunay niyon?" sabat ni Loraine.

Nanlaki naman ang mata ko.

"Goodness Loraine, wag mong sabihing naniniwala ka sa Nerd na iyan?"

"A sort of. But..."

"No need to protect me Loraine, I can manage this." biglang sabat ni Aika.

"Ewan ko sa inyo. Let's end this in here, magsibalik na kayo sa mga classroom niyo." ani ko at akmang babalik na rin sa mesa para kunin ang mga natirira kong gamit, nang muli siyang nagsalita.

"WALANG LALABAS." maawtoridad na sabi niya, at may diin iyon.

___

AIKA'S POV

"WALANG LALABAS."

Natahimik naman sila at muling napatingin sa akin.

"Tumigil ka na nga! Si Miss Glaiza lang ang nagmamay-ari ng paaralang to, at kahit anong gawin mo, hinding hindi ka magiging kalevel niya." sabat pa ni Aziria.

"DAHIL SIYA NAMAN TALAGA ANG TOTOONG MAY-ARI NG PAARALANG TO." biglang sigaw ko kaya natahimik silang lahat.

Tiningnan ko naman ng masama ang mga alipores ni Aziria kaya nabitawan nila akong bigla.

Naglakad ako papunta kay Coreen, na binigyan naman ako kaagad ng panyonh pamunas sa katawan ko.

Pinunasan ko naman kaagad ang katawan ko at ramdam ko pa rin ang mga tingin nila sa akin.

"Ano bang ginagawa mo Nerd?" inis na tanong ni Aziria pero nginisihan ko lang siya.

Nang matapos kong punasan ang katawan ko ay sinunod ko naman ang mukha. Kaya kinuha ko ang suot na eyeglasses at pinunasan ang kabuhuan nito, saka ako nagtaas ng tingin at tiningnan sila ng mata sa mata.

Nagsinghapan silang lahat ng makita ang mukha kong walang salamin.

'OMG! B-bakit? Bakit magkamukha sila?'

THE MYSTERIOUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon