AIKA'S POV
Natapos ko nang fill-upan ang form para sa Archery.
Pero kailangan pa daw ng audition. And as far as I know, walang ganyang patakaran dito.
Kaya kahit labag sa kalooban ko ay sumunod nalang ako sa kambal na nagpafill-up sa akin ng form kanina.
“Ito ang magiging audition mo. Dedepende ang score mo diyan, para makapasok ka sa grupo. So Goodluck!” sabi niya at binigyan ako ng tatlong palaso.
Tiningnan ko muna ang target. I think that's 150m mula rito.
‘Tss. That's easy.’
On position na ako, nang maisipan kong mapataingin sa paligid. At nakita kong marami palang nanonood sakin.
‘Tss. How fool, akala ko ba ayaw nila sakin?’
Pero biglang naghiyawan ang mga manonood.
‘Woahhh!’
‘Grabee!’
‘Tsamba lang yun.’
‘Ang cool niya.’
Hindi ko alam na aksidente ko palang nakalabit ang arrow, at pagtingin ko ay hindi na ako nagulat ng makitang sapul ito sa gitna.
“Baka tsamba lang yun, ulitin mo nga.” sabi ng babaeng nakaaway ko na minsan sa cafeteria.
I think Aziria is her name.
Napangisi ako.
‘Archery din pala siya.’
Inulit ko kagaya ng sabi niya. But still, sapul pa din. Mismong gitna pa din.
Tatlong beses pa nila iyong ipinaulit sakin, pero ganun pa din ang resulta kaya pati mga nanonood ay humanga sakin.
‘Lakas niyong mang-insulto noon, tapos ngayon hahangaan niyoko. How ironic.’
“Sige, papayag akong makasali ka sa grupo... kung matatalo moko.”
“Deal.” walang pagdadalawang-isip na sagot ko.
‘Tss. Mataas self esteem ko, lalong lalo na sa larangang ito.’ sa isip ko habang nakangisi sa kaniya.
‘Mygoodness bes, diba International Player yan ng archery si Aziria? Tapos kakalabanin niya?’
‘Yes bes. At silver medalist pa nga daw sabi nila.’
‘She must be ridiculous.’
Narinig kong bulungan nila.
‘Tss. Silver medalist lang pala eh. Malay niyo ba kung ako pa makatalo diyan.’
“Let's start.” nakangising sabi niya at nakaposition na pala siya, ni hindi ko man lang namalayan ang paghahanda niya.
Mayroon kaming tigtatlong palaso at sa score kami magbabase.
At kung manalo siya, hindi ako pwedeng sumali sa grupo. Pero kapag ako ang nanalo, pasok na ako kaagad sa grupo nila.
Siya ang nauna at ‘10’ ang score niya.
‘Not bad.’
Ako na ang sunod na titira, at nakaposition na ako, nang maramdaman kong may nakatingin sakin, mula sa kung saan.
Kaya nagpalinga linga ako sa paligid, hanggang sa makita ko siya, titig na titig sakin na para bang inaalala kung sino ako.
Binitawan ko ang arrow, habang nakatingin pa din sa kaniya.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS NERD
Mystery / ThrillerGlainnys Zabella Quinn, mas kilala sa tawag na Glaiza, only daughter of Zara and Goneril Quinn. Masaya na ang buhay niya dahil nag-iisang anak lang siya. Pero lahat ng iyon ay nagbago simula ng dumating ang nerd na nagngangalang Aika. Sino siya at...