GLAIZA'S POV
Ilang linggo na simula ng mangyari ang pagsalakay nila sa Council.
Alam kong hindi magtatagal ay muli na naman silang sasalakay. At sa pagkakataong iyon, ito na talaga ang simula.
“Malalim na naman ang iniisip mo. Okay kalang ba?” tanong ni Yuan na makikita ang pangamba sa mata niya.
Tumango ako sa kaniya pero alam kong hindi siya kumbensido. Kaya niyakap ko siya at gumanti naman ang huli.
“Alam kong malapit na malapit na Zuzu.”
“Magpasalamat nalamang tayo dahil nananahimik sila ng ilang linggo.”
Napatingin ako sa kaniya ng may pagtataka.
“Hindi ba ay mas 'don tayo dapat na kabahan. Look around, ni hindi natin alam kung ano ang balak nila at kung bakit sila nananahimik. Knowing them, sigurado akong may malaking pasabog na naman ang mga iyon.” But, I won't let that happen.
___
THIRD PERSON'S POV
Habang hindi pa nagpaparamdam ang mga kalaban nila Aika ay sinanay niyang mabuti ang mga tauhan nila. Mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Mas pinaalerto niya din ang mga nagmamanman sa loob at labas ng paaralan, maging sa iba't-ibang negosyo nila na nandito sa Pilipinas. Nakakalat na ang mga tauhan nila. At alam ni Aika handa na sila anuman ang mangyari.
Ngunit pagdating ng ilang linggo ay may dumating na bisita sa paaralan niya. Bisitang tuluyang bubuwag sa katahimikang minimithi nila.
___
SOMEONE'S POV
“Get ready. Aalis na tayo.”
“Yes, Empress.”
Hello, my dear niece. Are you ready for me?
___
ATHENA'S POV
“Someone's approaching.” tatlong ulit na bigkas ng monitor ko.
Alert ito para sa mga pumapasok sa school. Ikinabit ito 500m away. Hindi naman ito tutunog kung ang sasakyan ay dadaan lang sa school.
Kaya nitong madetect kung saan patungo ang sasakyan sa pamamagitan ng pagscan nito sa sasakyan. Hugis dahon ito na kulay berde kaya kung titingnan mo ay parang dahon siyang talaga pero isa itong Engine Camera Scanner. And this is one of my many inventions.
Sadyang ipinakabit ni Glaiza na malayo sa school para kapag may pumasok ay makakapaghanda pa kami.
May kutob siyang dito susugod ang mga kalaban. At mukhang hindi nga siya nagkamali.
Tinawagan ko si Coreen at ipinaliwanag ang mga nakita ko sa scanner.
Sunod ko namang tinawagan si Glaiza at ang Moonlight para maghanda.
Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng announcement galing sa kaniya. Soundproof ang paaralang 'to kaya kampante akong hindi nila maririnig mula sa labas na naghahanda na kami.
Napasiring nalang ako, Paparating na ang kampon ni Satanas. Hindi na mapipigilan.
___
AIKA'S POV
Nakarating na sa akin ang impormasyon galing kay Athena kaya naghanda na ako.
Ikinonekta ko sa buong school ang speaker para marinig ng lahat.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS NERD
Mistério / SuspenseGlainnys Zabella Quinn, mas kilala sa tawag na Glaiza, only daughter of Zara and Goneril Quinn. Masaya na ang buhay niya dahil nag-iisang anak lang siya. Pero lahat ng iyon ay nagbago simula ng dumating ang nerd na nagngangalang Aika. Sino siya at...