CHAPTER 21

352 21 0
                                    

XOCHITL'S POV

Hindi ako makapaniwala, ang akala ko ay mahirap na task ang ipapagawa sa akin, ngunit mukhang nagkamali ako, dahil makikipaglaban lang akong muli.

Pero bakit ganon ang mga tanong sa akin kagabi ng Emperor?

*FLASHBACK*

TOK*   TOK*   TOK*

“Come in.” rinig kong sabi ng Emperor.

Kaya tuloyan na akong pumasok sa opisina niya.

“Oh, You're already here Emerald. Please be seated.”

Umupo naman ako at hindi nagtagal ay nagsimula na kaming mag-usap sa talagang sadya ko.

“Binabati kita at ikaw lamang ang natira sa lahat ng nakaharap niya.” ani niya.

Kaya naisip kong muli ang babaeng nakalaban ko, hindi ko alam kung sino siya pero sigurado akong siya ang tinutukoy ni Emperor.

“Ngunit, alam mong hindi pa doon natatapos ang pagsubok para sa magiging susunod na Emperor.”

Tumango naman ako.

“Kung ganoon po, ano ang magiging susunod na pagsubok ko?” tanong ko.

Napangisi naman siya.

“Simple lang... Kailangan mong lumaban ulit.”

Nagtataka ko siyang tiningnan.

“Pero sino nanaman po ang  makakaharap ko?”

“Malalaman mo rin.”

Ilang sandali kaming natahimik.

Kaya ng masiguro kong tapos na ang usapan ay yumuko na ako bilang pagbigay galang at nagpaalam.

Pero nang nasa pintuan na ako at akmang pipihitin na ang door knob palabas ay biglang nagsalitang muli ang Emperor.

“May natatandaan ka bang bata na Zaza ang pangalan?” tanong ng Emperor kapagkuwan.

Panandalian naman akong hindi nakagalaw sa binanggit niyang pangalan.

“Wala ho. Bakit po?”

“Nevermind. Kalimutan mo nalang ang sinabi ko. You may go now.”

*END OF FLASHBACK*

Bakit ganun ang tanong sa akin ng Emperor?

Magkakilala ba sila ng babaeng iyon?

‘Kailangan kong tanungin si Mommy tungkol dito... At kung kailangang magpatherapy ako, gagawin ko para maalala ko kung sino ang Zaza na yan.’

___

COREEN'S POV

Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Empress.

{Gawin mong muli ang ginawa natin sa kaniya noon... Kailangan ako mamaya sa council, at siguraduhin mong hinding hindi siya makakatakas.}

Tinawagan ko naman siya kaagad.

“Hello, gusto ng Empress na gawin niyong muli ang ginawa niyo sa kaniya noon. Siguraduhin niyong hinding hindi siya makakatakas.”

[Ngayon na ba?]

“Wag muna. May laro pa sila ngayon.”

Yun lang at binaba ko na ang tawag.

Maghahanda na rin ako, dahil kagaya ni Aika ay ako din ang lalaban sa championship.

Nang bigla ko na namang naisip ang mga pinagdaanan namin dito, dahil sa kagagawan ng bruhang iyon.

THE MYSTERIOUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon