CHAPTER EIGHTEEN

330 20 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

“...I do hereby declare that G.Z.A INTRAMURALS 2020 is NOW OFFICIALLY OPEN.”

Napuno ng putukan ang loob ng paaralan pagkasambit ng Principal nila ng mga katagang iyon.

Habang sa kabilang banda ay may tao na palang nakatingin sa kanila at naghahanda para sa gagawin nitong sorpresa.

Naramdaman naman ni Aika ang kakaibang tingin sa kaniya ng kung sino pero hinayaan niya lamang ito, dahil alam niyang naaayon iyon sa plano niya.

Habang hindi pa din natatapos ang kasiyahan sa loob ng GZA ay magandang pagkakataon iyon para maisagawa ang plano ng lalaki.

Kaya itinuon niya ang baril sa direksiyon ni Aika, ngunit ang bala niyon ay hindi lamang ordinaryong bala, dahil maaari kang mamatay kapag natamaan ka niyon. At sadyang ipinagawa iyon para lamang sa nag-iisang tao... kay Aika.

___

FARAH'S POV

“AIKAAAAAAAAA YUKOOOOOOO...”

Nagulat kami sa biglang pagsigaw ni Loraine.

Kaya tiningnan ko ang direksiyon ni Aika na isinagaw ni Loraine.

At nakita ko ang isang lalaking may baril at nakataya sa direksiyon ni Aika, pero wala parin itong reaksyon sa mukha.

Kaya pati ako ay yumuko, namg makitang kakalabitin na ng lalaki ang gatilyo ng baril.

*BANGGGGGG

Parang nagslow motion iyon sa pandinig ko.

Ilang sandali pa ay natahimik ang buong paligid, at hindi na nasundan ang putok ng baril.

Kaya napasilip ako sa mismong direksiyon na kinatatayuan ni Aika.

‘Anong nangyari?’

And ako ang nagulat, dahil nandoon parin siya at prenteng nakatayo.

Tumayo ako kaagad para tingnan ang lalaki at nakita kong nakahandusay na ito.

Pero mas nagulat ako ng makita ang isang lalaki sa gilid nito na nakatutok din ang baril sa kaniya.

‘Sino siya?’

‘Bakit siya nakapasok dito?’

‘Paanong nangyari ito?’

Biglang umingay ang mga tao sa paligid ko.

Tama sila. Paanong may nakapasok dito eh masiyadong prestihiyoso ang paaralang ito. Maliban nalang kung may nagpapasok dito.

Pero sino?

At hindi sila makakapasok dito ng walang pahintulot ng Principal o ni Glaiza?

Napatutop ako sa bibig ko.

‘Hindi kaya...’

___

XOCHITL'S POV

Nagsimulang mag-ingay ang paligid pagkatapos ng nangyari.

‘Sino siya?’

‘Bakit siya nakapasok dito?’

‘Paanong nangyari ito?’

Ilan ilan lang yan sa mga tanong nila.

Pero ang paningin ko ay nakatuon lamang sa lalaking nagligtas kay Aika, at ang bumaril sa isa pang lalaki.

Ang nakakapagtaka lang ay hindi man lang sila nag-uusap at nagtititigan lang na para bang sa ganoong paraan ay pawang nagkakaintindihan na sila.

‘Damn it! Bakit ganyan siya kung makatingin kay Aika?’

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit ko, pero bakit ko nga ba nararamdaman to?

Nakita kong yumuko pa ang lalaki kay Aika, saka biglang nawala.

Ilang minuto pa ay dumating na naman ang mga guard na nakatuxedo pa, at dinala ang lalaking nagtangkang mamaril palayo sa Gymnasium.

Napatingin ako kay Glaiza. At nakatingin din pala ang lahat sa kaniya.

___

COREEN'S POV

Nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya.

{Sucess.}

:Good you're just in time.

Tumunog pang muli ang phone ko pero di ko na pinansin pa ito.

Nanatiling nakatutok ang paningin ko kay Glaiza na ngayon ay gulong gulo at hindi alam kung ano ang gagawin.

Napangisi ako.

‘Simula pa lang yan. Mas malala pa diyan ang mga susunod.’

___

GLAIZA'S POV

Paanong nangyari ito?

Goodness!

Tumikhim ako at nagsalita.

“Papaimbestigahan ko ang nangyari dito, pero sa ngayon ay hindi maaaring ipagpaliban ang event na ito. Kaya mabuti pa ay magsibalik na muna kayo sa mga designated room niyo, at mamayang hapon ay magsisimula ang laro ng 1PM, sharp. Is that clear?”

Tumango naman silang lahat. Kaya umalis na ako sa gymnasium at pumunta sa office ko.

Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Athena.

{Sisterbes. Sa hideout muna kami tatambay.}

I replied 'okay' at  saka naglakad ulit papuntang office.

___

AIKA'S POV

“Hij is net op tijd. (He's just in time.)” bulong ko, nang makalapit si Coreen.

“Ja... laten we gaan (Yeah... let's go)” sagot niya.

‘Did you enjoy my little surprise Glaiza?’

___

THE MYSTERIOUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon