CHAPTER TWELVE

390 21 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Sabay na pumasok ang lima. Pero maraming nakapansin na nag-iba si Glaiza; sa pananamit nito at sa pananalita, at wala ka ding makikitang expression sa mukha niya.

Habang sa kabilang banda ay nagkatitigan naman sina Glaiza at Coreen.

At parang nabunutan ng tinik ang babae.

Pero di parin mawawala ang pangamba sa mga mata niya.

Naupo na man ang limang babae na bagong dating.

At magsisimula na sana ang teacher nila, nang makita nito si Coreen na hindi mapakali.

“May problema ba Ms. Park?” tanong ng guro nila.

“Ma'am si Aika kasi nawawala!”

___

COREEN'S POV

“Ma'am si Aika kasi nawawala!” sabi ko, at alam kong nakatingin silang lahat sakin ngayon.

“Baka naman late lang si Ms. Lane. You know, Hija, you should calm down first. I'm sure, dadating din yun.” nakangiting sagot naman ni Ma'am.

“Sana nga Ma'am. Sana nga.” nasabi ko nalang, at malalim na napabuntong-hininga.

Nagstart na siyang magdiscuss sa harapan.

DISCUSS
.
.
.
DISCUSS
.
.
.
DISCUSS

*KRINGGGGGGGGGGGGGGGGG

‘Lunchbreak na pala di ko man lang namalayan ang oras. Pero wala parin siya?’

Napabuntong-hininga nalang akong muli. Ngunit ng makasigurong wala ng wala ng tao sa room ay dahan-dahan akong napangisi.

‘Alam ko namang hindi na siya darating. It's just a show.’

___

Nandito ako ngayon sa bahay at hinihintay ang tawag niya.

Hindi na ako pumasok ngayong hapon dahil hindi talaga ako mapalagay sa kaniya.

Tho, alam kong maayos siya, pero hindi ko alam ang resulta ng naging plano niya.

*BRISZKKKKKKK   

*BRISZKKKKKKK  

*BRISZKKKKKKK

Napatingin ako sa cellphone ko. At nakita ko ang pangalan niya sa Caller ID, kaya sinagot ko iyon kaagad.

“Hello! Bakit ngayon kalang napatawag?”

[Sorry. Ngayon lang ako nakatyempo eh.]

“Ayos kalang ba? Wala bang may nangyaring masama sayo?”

[Everything is according to the plan C. So huwag kang mag-alala. I have to hang up now, bye.]

Binabaan niya na ako.

Kita mo tong babaeng to.’

Pero di bale at least alam kong maayos siya at mabuti ang naging resulta ng plano niya.

Nagbihis nalang ako at saka nagpunta na sa practice room dito sa bahay.

Kailangan ko ring mag-ensayo para bukas, dahil baka magkaroon ng biglaang laban.

___

KINABUKASAN•

___

XOCHITL'S POV

THE MYSTERIOUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon