XOCHITL'S POV
Ilang araw na ang nakalipas simula ng malaman kung siya ang Empress.
Pero magpahanggang ngayon hindi niya pa rin ako kinakausap.Shit! Ang tanga-tanga ko. Bakit nga ba ginawa ko 'yon sa kaniya 'nong nakaraan.
Kailangan ko talagang bumawi sa kaniya. Kailangan kong bumawi kay Zaza.
Napabalik ako sa katinuan nang magsalita si Xander.
“Grabe hindi pa rin ako makapaniwala na gangsters sila, kahit ilang araw na ang nakalipas!” Xander exclaimed.
“Same. Akala ko ay ordinaryong estudyante lang sila pero kagaya natin ay may tinatago din pala.” this time Xarian is the one who spoke.
“Tahimik ka Xevi. May alam kana ba dito?” mariin kong tiningnan ang hacker namin.
Bumuntong-hininga naman si Xevi bago nagsalita.
“Yeah. Sorry kong di ko sinabi pero ito ang gusto ng Emperor.” nakayukong naghingi ng tawad ito.
“What? Kailan pa?” Xander asked.
“Paano?” na sinegundahan ni Xarian.
“Bakit hindi mo sinabi kaagad?” at sinundan ni Xian. Napailing nalang ako, ganitong ganito din sila kung mang-asar.
“Tss. Isa Isa lang pwede. Una, 'nong sinadya akong tawagan ng Emperor para sabihang tulungan daw ang anak niya. I think that's last week... Pangalawa, tinulungan ko ang anak niyang makilala kung sino ang nagmamamanman sa kaniya dito sa school. Pero matalino si Glaiza, wala pa akong sinasabi sa kaniya ngunit may hinala na siya kung sino. Kaya tinulungan ko na lang siyang alamin kung kasapi nga ba siya ng grupo... Pangatlo, kasasabi ko lang kanina diba? Pinakiusapan ako ng Emperor na wag sabihin! Ganun din si Glaiza, wala na daw kasing thrill 'yon kapag sinabi ko sa inyo. At mukhang tama siya. Gulat na gulat nga kayo. HAHAHHA!” he burst out in laughter. Sinamaan naman siya ng tingin ng tatlo.
Pero natahimik si Xevi nang ako naman ang nagtanong, “Sino ang tinutukoy mong espeya kong 'ganon?”
“Si Aziria, Boss.”
Darn it! Kaya pala palagi ko siyang nakikitang nakatingin kay Glaiza.
___
GLAIZA'S POV
Papasok na ako sa gate nang harangin ako ng dalawang lalaki.
Napasiring ako. Alam ko naman kasing isinugo niya ang mga 'to. Binuksan ko ang wind shield nang kumatok ang isa sa kanila.
Walang emosyon ang mukhang ipinakita ko sa kanila at sinuri ko lamang sila mula paa hanggang ulo. Tsk, may ibubuga ba 'to?
“Mag-iingat kayo, Miss. Baka mamaya may mawala na namang isa sa inyo.” 'yon lang at umalis na silang dalawa. Watdaeff! Naglakad sila nang ewan ko kung ilang oras, para sabihin sa akin ang labing-tatlong salitang 'yon?
Napaingos ako, “Dito pa talaga ako binantaan sa sariling teritoryo ko? How ironic!”
As of now, wala akong pangambang nararamdamam. Alam ko naman kasing handa kami, maging sa paaralan man o sa council.
But, I desperately pray na sana kung mangyari man ang kinakatakutan ko 'wag sana dito sa paaralan... dahil maraming sibilyan ang madadamay. Hindi lang mga estudyante kung hindi maging ang mga nasa labas na walang kamuwang-muwang.
Pumasok nalang ako sa loob at wala pang isang minuto ay nakalabas na kaagad ako ng sasakyan. Nakita ko naman kaagad na papalapit ang apat sa akin.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS NERD
Mystery / ThrillerGlainnys Zabella Quinn, mas kilala sa tawag na Glaiza, only daughter of Zara and Goneril Quinn. Masaya na ang buhay niya dahil nag-iisang anak lang siya. Pero lahat ng iyon ay nagbago simula ng dumating ang nerd na nagngangalang Aika. Sino siya at...