AIKA'S POV
'Tss.'
Nagpatuloy ang laro namin. At nasa fifth set na.
'200m'
Napangisi ako.
'Tingnan natin ngayon.'
Malayong malayo na ito ngayon mula sa amin.
At kung ordinaryong manlalaro lang ito, sigurado akong hindi niya na ito makikita.
Ngunit dahil kami ni Glaiza ito ay kitang kita ko pa rin ang mismong gitna nito, at alam kong ganun din siya, ngunit hindi ko lang alam kung kaya niya pa bang patamaan iyon.
Ako ang mauunang tumira, kaya nagsimula na ako sa palagi kong ginagawa.
Pagkaraan ng ilang segundo ay humanda na ako sa para sa aking pagtira.
'10'
Sunod namang tumira si Glaiza at ganun padin.
'10'
Nagpalitan kami ng tira. Pero nang huling tira na namin sa fifth set ay bigla siyang nagsalita.
"Ilagay niyo sa 250."
Nag-ingay naman ang mga tao sa paligid namin, nang marinig ang sinabi niya.
'Tingnan natin ngayon nerd.'
'Go Ms. Glaiza.'
'Ipanalo mo yan Ms. Glaiza.'
Nabalik ako sa reyalidad, nang magsalita siya ngunit hindi nakabaling sa akin.
"Kapag pareho pa din ang puntos natin sa pagkakataong ito, papayag akong tayong dalawa ang panalo." ani niya.
Tiningnan ko lamang siya at naghanda na para sa aking pagtira.
'250m.'
'Alam kong hindi aabot ang palaso sa board, kung mananatiling diretso ang pagtira ko. Malalaglag at malalaglag ito sa lupa, bago pa ito umabot sa board.'
Kaya napaisip ako kung ano ang mas mainam na gawin.
At ilang sandali pa ay napangisi ako sa naisip.
Itinuon ko na ang bow ng diretso sa target at akmang ititira ang arrow.
Ngunit nagulat silang lahat ng iniba ko ang direksiyon nito.
At saktong pagkaiba ko ng direksiyon ng bow ay nakuha nito ang posisyong nais ko.
Kaya walang pagdadalawang-isip na itinira ko ang arrow nito.
Lahat naghihintay kung ilan ang magiging puntos ko.
At ilang sandali pa ay biglang umingay ang mga manononood.
'Grabe! Ang galing nga talaga niya.'
'Wow!'
'Kaya yan ni Ms. Glaiza.'
Ilan lang yan sa mga naririnig ko.
Kaya lihim akong napangisi.
Sino ba naman ang hindi mamamahangha, sa layong '250m' ay nagawa kong patamaan ang mismong gitna.
At kahit ako ay hindi makapaniwala na gumana nga ang taktikang naisip ko.
'10'
___
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS NERD
Mystery / ThrillerGlainnys Zabella Quinn, mas kilala sa tawag na Glaiza, only daughter of Zara and Goneril Quinn. Masaya na ang buhay niya dahil nag-iisang anak lang siya. Pero lahat ng iyon ay nagbago simula ng dumating ang nerd na nagngangalang Aika. Sino siya at...