CHAPTER 29

270 10 0
                                    

COREEN'S POV

Ilang araw na siyang ganito.

Kung cold siya noon. Mas cold siya ngayon.

Isang tanong. Isang sagot.

At iba ang lenggwaheng ginagamit.

‘May nangyari bang hindi ko alam?’

“May problema ba Couz?” hindi ko na napigilang magtanong.

“Niets.” Nothing. tanging sagot niya lang.

See? I wonder what happened?

___

GLAIZA'S POV

Nagsisimula na sila. At ramdam ko 'yon kaya minamadali na ni Daddy ang kasal ko.

Pero hindi ako pwedeng pakasiguro kahit alam kong kami lamang ng aking ama at ina ang nakakaalam nito.

Hindi ko maaaring suwayin si Dad dahil alam kong naaayon din ito sa aming plano.

“May problema ba Couz?” my cousin asked me.

Hindi ako pwedeng magpahalata at maski siya ay hindi ko pwedeng pagsabihan lalo pa't alam kong binabantayan nila ang bawat galaw namin lalo na ako.

“Niets.”

Tumahimik naman siya kaagad.

‘Kapag napatunayan kong isa ka nga sa kanila. Humanda ka dahil hindi kana makakapasok pa ulit dito.’

___

XOCHITL'S POV

Ramdam sa loob ng silid namin ang malamig ng awra ni Glaiza.

‘Baka sobra ko siyang nasaktan?’ Tss. Malamang Yuan. Sino ba namang hindi, eh bumalik nga siya dito para sayo, tapos ito pa ang malalaman niya.

Pero nakakapagtakang pinapabayaan lang siya ng mga teachers namin.

Hind lang siguro dahil siya ang may-ari. Malakas ang kutob ko na may mas malalim pang dahilan.

Napailing ako, sa ngayong oras hindi ko na siya dapat isipin ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ay ang engagement ko next week.

“Ang lamig ng awra ni Glaiza 'no? Parang nakakamatay eh.” Xian suddenly blurted. Nabalik naman ako sa kasalukuyan sa sinabi niya at tanging tango lang ang isinagot ko sa kaniya.

“Ramdam mo rin pala?” segunda pa nitong si Xander.

“Baka nasaktan mo ng sobra, Boss?” Xarian.

Nagkibit balikat lang ako at sinulyapan ito ulit.

Nasaktan nga ba? But why does it seems like she hadn't hurt?

Iba ang nakikita ko ngayon sa mga mata niya. Pangamba?

Kung tama ako, para saan naman ang pangambang 'yon?

___

XEVI'S POV

Nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaniya.

{Any updates?}

    Tama ang hinala mo.
Isa nga siya sa kanila.

Hindi ko alam ang kahihinatnan ng pagtulong kong 'to sa'yo. Pero hindi ako makakapayag na makuha nila ang ikalawang tahanan ko.

Ang Council.

___

THIRD PERSON'S POV

Ramdam nang lahat ang awrang bumbalot kay Glaiza kaya walang halos nagsasalita at nakikinig lang ang mga ito sa gurong nasa harapan.

Habang sa kabilang banda ay may isang taong nakatitig kay Glaiza ng palihim. Binabantayan ang bawat kilos nito. Maging ang paggalaw nito at kung anong ginagawa niya ay binabantayan ng taong ito.

Alam ito ni Glaiza, kaya pati ang paggalaw at pagsasalita niya ay nililimitahan niya. Kung titingnan niya ay alam niyang kayang kaya niya ito ngunit hindi siya pwedeng gumawa ng hakbang na ikakasira ng plano nila ng kaniyang mga magulang.

___

GLAIZA'S POV

Tiningnan ko siya ng palihim at alam kong ganon din ang ginagawa niya.

‘Tss. Hindi ka pa masyadong magaling magmatyag. At ngayong napatunayan ko ng isa ka sa kanila. Kalimutan mo nang pinatawad pa kita.’

___

SOMEONE'S POV

[Hello Empress, hindi pa siya nakakahalata. Mukhang sobra nga siyang nasaktan dahil sa ginawa ng kababata niya towards her.]

“Good. Ipagpatuloy mo lang ang pagmamatyag. At siguraduhin mong alam mo ang bawat kilos niya.”

[Masusunod, Empress.]

Binaba ko na ang tawag at tiningnan ang imahe ng aking tahanan. Malapit na malapit na nating makuha sa kanila ang dapat na sa atin. Be ready for me, council.

THE MYSTERIOUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon