CHAPTER 27

354 15 3
                                    

EMPRESS'S POV

Hanggang ngayong araw na lang ang palugit na ibinigay ni ama sa lalaking iyon, kaya kailangan niya ng ibigay ang kaniyang kasagutan sa pagpupulong na magaganap ulit mamaya.

Pero ang kagabi pang bumabagabag sa'kin ay ang tanong na, ‘Mahulaan niya kaya?’

Hindi ko alam kung bakit, pero kinakabahan ako... lalo na sa isasagot niya. Baka hindi niya mahulaan ng tama at... hindi m-matuloy ang nakatakdang pag-iisang dibdib namin.

Bigla akong kinilabutan sa huling naisip.

‘Freak!! Ano bang nangyayari sa'kin? Eh ano naman kung hindi matuloy ang kasal namin? Mas pabor nga iyon sa'kin kung tutuusin. Ayaw ko namang magpakasal sa kaniya ng may ibang laman ang puso niya.’

Biglang tumunog ang telepono ko mula sa bulsa kaya naputol ako sa pag-iisip. Agad ko iyong kinuha at saka binasa.

‘Mensahe galing sa pinsan ko? Siguradong mula ito sa Council.’

[<PRINCESS>]

Be ready. 10PM. Sharp.

~2:13PM~

Napangisi nalang ako sa nabasa.

___

XOCHITL'S POV

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang mangyari yung eksena sa Cafeteria.

Nagbigay na din si Glaiza ng mensahe niya para sa lahat.

At masasabi kong malaki nga ang pagkakaiba nila ng kapatid niya na kahit ako ay nasaksihan 'yon.

Una, kapag tinawag mo ang pangalan niya noon parang wala lang, pero ngayon pangalan niya palang maiintimida kana, dagdag mo pa ang awrang nakapalibot sa kaniya.

Ngunit nakakapagtakang parehong pareho sila ng mata ng babaeng nakalaban ko sa paligsahan—ang Empress.

*FLASHBACK*

Ipinatawag ang lahat ng estudyante ng GZA dahil sa mga kaganapang nangyari kahapon.

“Good morning Students!! Miss Glaiza has an announcement to all of you.” bungad na wika ng Principal namin.

Lumabas naman ang babaeng binanggit niya mula sa back stage.

Napailing ako, sinong mag-aakalang ang Nerd na inaapi ng lahat noon ang siya palang may-ari ng paaralang ito.

“Good morning!!” 'yon palang ang sinabi niya pero natahimik na ang lahat.

“Gusto ko lang sabihing baguhin niyo naman ang mga ugali niyo... Oh, Scratch that!! Gusto kong alisin niyo na ang mga ugali niyong ganiyan–pagiging bully to be specific. Kapag hindi pasok sa standards na gusto niyo, binubully niyo. You know what, I pity you, pertaining to all the bullies out there. Why? It's because you have no etiquette. Alam kong lahat kayo ay galing sa mga mayayaman at kilalang pamilya kasi hindi naman kayo makakapasok sa school ko kung hindi kayo mapera. But the mere fact that you bullied others to gain fame? Darn, that's unacceptable!!” sigaw na sambit ni Glaiza sa mikropono kaya mas lalong kinabahan ang mga students.

“Hah!! Is that your way of socializing in here? Bullying? Because for me, I call that bullshit.” malamig na pagkakasabi niya sa huling linya.

“From now on, ayoko ng makatanggap ng issue tungkol sa pangbubully, dahil sa oras na may marinig pa ako ulit, ipapasunog ko ang buong kayamanan niyo. Wala akong pakialam kahit anak ka pa ng presidente basta sa  oras na lumabag ka sa patakaran ko, pupulutin kayong pare-pareho ng pamilya mo sa kangkungan. Understand?” inilibot niya ang paningin sa lahat at huminto ito sa akin.

THE MYSTERIOUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon