HER POV
Nandito ako ngayon sa sementeryo para dalawin ang puntod niya.
Tatlong buwan na ang nakalipas pero sariwa pa din sa isip ko ang nangyari.
NIYAKAP ko si Ate Gillian at kasabay 'non ang pagputok ng baril sa gawi namin.
I immediately frozed and then after a few seconds, black invaded my wholeness.
Nagising akong nakahiga na sa hospital bed. Saka ko naalala ang mga nangyari sa'min, lalo na ang pagsalo ni Ate ng bala na dapat sa'kin.
That's right, nang niyakap ko siya ay siyang hapit niya naman sa bewang ko para magkapalit kami ng pwesto.
“Ate, 'wag mo kaming iiwan. Ngayon ka pa lang namin makakasama eh.”
“A-Ang g-gusto ko lang naman ay mapatunayan sa inyong k-karapat-dapat ako, Zaza. I'm sorry, twinny sana m-mapatawad mo 'k-ko.”
“Kailanman ay hindi ako nagalit sayo, ate. Inunawa kita at alam ko kung saan nanggagaling ang galit mo. Kaya, ate lumaban ka. Lumaban ka para sakin, sa'min nina Mommy and Daddy.”
Humahagulhol na si Mommy na nasa tabi ko. Pati narin si Daddy na hindi alam kung anong uunahin.
“Masaya a-akong naging parte ng p-pamilyang i-ito. A-Alagaan mo sina M-Mommy at D-Daddy, Zaza. Makakaasa ba ako sayo?”
“Ate ano ba sinabing lumaban ka sabi eh.” ngunit ngiti lang ang isinukli niya sa'kin.
“N-Ngayon alam ko na kung bakit. K-karapat-dapat ka ngang sumunod sa yapak nila. I-ikaw ang nagwagi Aika, kambal. Sa una at huling beses ay sasabihin ko 'to sa'yo, m-mahal na mahal kita.” mas lalo akong napahagulhol sa sinabi niya.
Bumaling siya kina Mommy at Daddy.
“M-Mom, D-Dad mahal na mahal ko din kayo. S-Salamat sa lahat...” bumaling ang paningin niya sa isang partikular na tao... kay Tita Zerina.
“Ma. S-Salamat sa lahat. S-Sana magbago kana. T-Tanggapin mo nang hindi ka karapat-dapat at magsimula ulit kasama ang pamilya natin. Alam kong maiintindihan ka nila. M-Mahal na mahal kita, Ma. T-Thank you for r-raising me well.”
Hindi pa rin tumitigil sa pagpatak ang mga luha ko at alam kong hindi na 'to maaawat pa.
Hinaplos niya ang pisngi ko. “Huwag kang umiyak kambal, d-dahil masaya ako sa pag-alis kong 'to.”
“Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap Ate. Pero alam kong masaya kana kung nasaan kaman.” kausap ko sa puntod niya.
Napabuntong-hininga ako. “Ikakasal na pala kami ni Zuzu sa susunod na linggo, Ate. Alam ko kung nandito ka masaya ka rin para sakin ngayon, and to tell you frankly masaya din ako, ate.”
“Tapos kana ba sa pagdadrama?” tanong ng isang partikular na tao.
Tinanguan ko siya at masayang nginitian.“Paano ba 'yan, iiwan nakita ulit Ate. I love you, twin 'sis!”
Nakangiti kaming umalis ng sementeryo. This time, alam kong magiging tama na ang lahat. Sisisiguraduhin ko 'yan.
___
Ngayon na ang kasal namin ni Yuan at papunta na ako ngayon sa simbahan, lulan ng wedding car ko siyempre.
Nakarinig ako ng paglipad ng sasakyan sa himpapawid kaya binuksan ko ang windshield para malaman kung ano ito. At isang chopper at nakasunod sa amin. Shit! What is it, this time?
Ilang sandali pa ay nakarating nakami ng simbahan. Nakita ko namang papalapit ang weeding coordinator sa akin kaya bumaba na ako.
Nang biglang may humintong puting van sa harap ko at pilit akong pinasakay sa loob niyon.
Tili ng tili naman ang weeding coordinator at hindi malaman ang gagawin. Kaya nakuha nila ako at pinasakay sa dala nilang Van. Sino ba tong mga 'to? At bakit ang lakas ng loob nilang guluhin ang kasal ko?
Piniringan nila ang mata ko pagdating sa loob. At ilang minuto lang simula ng makaalis kami sa simbahan ay huminto din kaagad ang Van at ang nakakapagtaka pa ay wala man lang ni isa sa kanila ang umiimik sa loob ng sasakyan.
Biglang umihip ang malakas na hangin na para bang may papalapag. At tama nga ako dahil ilang saglit pa ay may bumabang chopper. How did I know? Sa tunog ng elisi palang.
Darn! Ito siguro ang nakita kong chopper na sumusunod sa'min kanina.
Pinasakay ako ng mga taong dumukot sa akin sa chopper at ni-isa ay wala pa ring umiimik.
Dahan-dahan kong priness ang tracker na nakakabit sa relong invention ni Athena. Sigurado akong alam na nila kung saan ako pupuntahan.
___
Ilang saglit pa ay naramdaman kong lumapag ang chopper na sinasakyan ko ay namin pala.
Naramdaman kong lumabas sila isa-isa at hindi nagtagal ay pinalabas din pati ako. Pinalakad nila ako at ilang sandali pa ay naramdaman kong pinaupo nila ako. Shit! Bakit nga ba wala man lang akong ginagawa!
Ilang sandali pa ay dahan-dahang kinukuha ang tabing sa mata ko. Tumambad sa akin ang mga pamilyar na tao na nakangiti.
Inilibot ko ang paningin ko at nandito ako sa simbahan? What the hell is happening?
May papalapit na lalaki mula sa pintuan ng simbahan. At kilala ko ang lalaking to.
“Zuzu? Ano na namang kaek-ekan 'to? Anong ginagawa mo? Hindi na ba matutuloy ang kasal natin?”
Ngumiti siya ng nakakaloko. “Glainnys Zabella Quinn. I know we're engage already but I want to ask you for the last time. Will you marry me?”
Napasiring ako, “Siyempre, nakaready na nga ako eh. Kung hindi lang ako kinidnap.”
Tumawa siya pati na rin ang mga taong nasa paligid namin.
Nanlaki ang mga mata ko at akmang magtatanong nang unahan niya na ako.
“I'll explain later, baby.” nakangising usal niya at saka inilakad ako sa altar na halfway nalang.
Nagsimula ang seremonyas ng kasal at tila kaytagal niyon para sa akin.
Ilang sandali pa at nagbigay na kami ng vows sa isa't isa.
“I, Xochitl Yuan Nixon take thee, Glainnys Zabella Quinn, to be my wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part, according to God's holy ordinance; and thereto I pledge myself to you.” my soon to be husband said.
“I, Glainnys Zabella Quinn, take thee, Xochitl Yuan Nixon, to be my wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part, according to God's holy ordinance; and thereto I pledge myself to you.”
“You may now kiss the bride.”
Iniharap ako ni Zuzu sa kaniya at itinaas ang belo ko.
“I love you.” he said sincerely.
“I love you too, my emperor.” At saka hinalikan niya ako sa labi.
Hindi man naging perpekto ang tadhana sa amin, gumawa naman ito ng paraan para magtagpo kami ulit.
Hindi lahat ng storya ay may happy ending. Hindi pa man ito ang happy ending ko pero makakasama ko na ang kasiyahan ko. Kung gusto niyo kaming balikan ay bukas parin ang storyang ito.
I, GLAINNYS ZABELLA QUINN, SLASH AIKATERINE ANEESHA LANE, SIGNING OFF.
Maraming salamat sa inyo, lahat kayo naging parte ng kwentong ito.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS NERD
Mystery / ThrillerGlainnys Zabella Quinn, mas kilala sa tawag na Glaiza, only daughter of Zara and Goneril Quinn. Masaya na ang buhay niya dahil nag-iisang anak lang siya. Pero lahat ng iyon ay nagbago simula ng dumating ang nerd na nagngangalang Aika. Sino siya at...